Thirteen

19K 429 73
                                    

Simula nung nakilala namin si Louie, madalas na namin siyang kasama ni Chan-Chan tuwing recess at lunch. At talagang akmang-akma para sa kanya ‘yung codename na ‘Louie the Bully’ dahil wala kaming takas ni Chan-Chan sa pang-aasar niya. Mas malala nga lang si Chan-Chan dahil pikon siya.

Merong isang araw na sinama ako ni Louie sa college department para sundan si Aidan, ‘yung kaibigan daw ng pinsan niya. Sayang nga dahil hindi namin kasama si Chan-Chan. Naboto kasi siyang Class President kaya yon, natengga sa meeting.

“Bakit gurang ‘yung kras mo? Nakakatawa ka naman, nagkakagusto ka sa gurang, hahaha,” pang-aasar ko. Ka-batch pala kasi ni Kuya Mark ‘yung si Aidan.

Bigla namang nanlisik ang mga mata niya kaya tumahimik na ako. Baka mamaya i-bully niya ako. Tama nang si Chan-Chan ang sumasalo ng pambu-bully ni Louie, hehehe.

Kaso, dahil sobrang prangka niya, napaaway siya sa mga maaarteng babaeng may kras din yata dun kay Aidan. Kung hindi ako pumagitna at sinabing ikukuhanan ko sila ng autograph ni Kuya Mark, baka kung napa’no na kami. ‘Yun nga lang, naghamon ng pustahan. Softball.

 

“Sandali lang,” pukaw ko kay Louie habang pabalik kami sa High School Department. “Marunong ka bang mag-softball?”

Nung ngumisi lang siya, tinignan ko siya nang masama. “Siyempre tuturuan mo ako. What are friends for diba? pangungulit niya.

“Bakit ba kasi pumapayag ka sa pustahan tapos di mo naman pala alam kung ano’ng gagawin mo?” naaasar kong tanong sa kanya. Ang yabang-yabang kasi neto, ang sarap sapakin.

“Ehhhh.. sige naa. Bibigyan kita ng pagkain buong linggo,” pagsusuhol niyang may ngiti pa sa kanyang mga mata.

Siyempre, libreng pagkain ‘yon. Tatanggi pa ba ako? “Sige.”

Buti na lang araw-araw kong dala ‘yung sarili kong gloves at softball. Nanghiram na lang ako sa team ng lumang bat para may magamit si Louie. Pagtira lang naman ng bola ang kelangan niyang matutunan eh.

Feet apart dapat, tapos medyo i-bend mo ng konti ‘yung mga tuhod mo, tsaka dapat naka-bend forward ka rin ng konti,” turo ko sa kanya habang nasa field kami. Inayos ko rin ‘yung pagkakahawak niya dun sa bat, pati ‘yung tamang paraan ng pag-swing nun.

Naglakad ako papunta sa kunwariang pitcher’s mound. Inayos ko muna yung sombrero ko tapos hinipan ang bola para strike ang unang pitch. Mannerism ko na ‘yun nung pinag-pitch ako dati nung Grade Six dahil wala ring matinong pitcher. ‘Di ko na natanggal ‘yung ugali kong ‘yun.

“Charlie!” narinig kong may tumawag. Dumulas tuloy ‘yung bola sa kamay ko nung saktong mag-a-underhand pitch sana ako. Paglingon ko sa tumawag sa’kin… si Nile.

“ARAY KO NAMAN!” sigaw ni Louie kaya napatingin naman ako sa kanya. Hawak na niya ‘yung noo niya. Tapos binagsak niya sa lupa ‘yung bat at hinabol ako.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now