Forty-Nine

11.8K 341 101
                                    

Dumating ang araw ng paglabas ng resulta ng UPCAT. At tulad ng inaasahan naming lahat…

  

HINDI RIN AKO PUMASA SA UP.

Ahuhu.

Tinawag tuloy ako nila Papa sa hapag-kainan para sa isang madamdaming pag-uusap. Mag-a-alas siete ng umaga non. “’Nak, ano? Pa’no ka na mag-aaral niyan?” malungkot na sabi ni Papa.

“Ayos lang naman po kung hihinto muna ako. Para makabawas muna sa bayarin. Ako muna ang katulong sa bahay, ahahahaha,” pabiro kong sagot kahit ang totoo, nalungkot din ako. “Baka hindi talaga ako nakatakdang mag-college,” dagdag ko pa.

Bigla akong niyakap ni Mama. “’Nak naman, ‘wag ganyan. Mas maganda pa rin ‘yung makatapos ka ng pag-aaral, diba?”

“’Yaan niyo po, Ma, tatanungin ko po Admin ng Uste kung totoong hindi siya pumasa. Imposible naman kasi, lalo na’t varsity player siya. Dapat nga scholarship ang ibigay nila kay Charlotte dahil hindi pa sila natatalo sa softball simula nung nasama siya sa team,” sabi naman ni Kuya Chad.

Kakausapin pa sana ako nila Mama pero dumating na si bespren Louie. Pupunta kasi kami nun sa Phillip’s Sanctuary sa Rizal para ipagdiwang ang bardey ni bespren Chan-Chan at para makasagap na rin kami ng balita tungkol sa kanila ni Destiny niya. Ako na ‘yung nagdala ng mga kakainin namin kasi si bespren Louie na ang sasagot sa gas ng sasakyan tsaka sa babayaran pagdating sa Phillip’s, hehe.

Kaya inisip kong bawal malungkot kasi bardey nga yon. Kailangang happy lagi! Mas masaya kapag happy! Bawal ang sad! Bahala na si Papa God kung pag-aaralin niya ako ng college o hindi. Hehe.

  

Tas nakita ko yung magarang kotse na gamit ni bespren! Napa-waw talaga ako don! Pina-try pa nga sa’kin ni Louie ‘yung pipindutin para bumaba ‘yung takip ng kotse. ANG ASTIG TALAGA!!!

Kaso, yung magbeberdey parang binagsakan ng langit at lupa! Kasi naman, BINASTED pala ni Krystal! Grabe yon! Ilang taon siyang niligawan ni bespren tas babastedin niya lang? Ang malala pa, binasted niya si Chan-Chan nung bardey niya mismo! Walang awa talaga. Sobrang na-sad kami ni Louie non. Kaya sabi ko sa sarili ko, ang mission ko para sa araw na ‘yon ay pasayahin si Chan-Chan!

‘Yun nga lang, nakalimutan kong kunin yung address nung Phillip’s Sanctuary kay Mason, ehehehe. Tinulungan niya kasi akong mag-research para dun. Tapos, di rin sinabi sa’kin ni Louie na ‘di niya rin alam kung paano pumunta dun. Akala ko kasi kapag may sasakyan, otomatik na alam na agad ang daan papunta kung saan man, hehehe.

Kaya ayun, kasama namin si Mason na pumunta dun, hehehe. Buti nga ambilis niyang nakarating eh, hehehe. Naisip ko rin kasi na maganda ‘yon para pakner-pakner kami at walang ma-OP. Kami ni bespren Louie tas sila ni Chang. Pede namang kami ni Mason tas si Chang at Louie. O kaya kami ni Chang tas si Mase at si Louie. Pero parang madaya kung si Mase at Louie ang magkasangga. Kahit hindi kasi umiimik yung kapatid kong ‘yon, magaling ‘yon eh. Tas lampa pa si Chang kung siya ang kakampi ko kaya siguradong matatalo kami ‘pag nagkataon.

Pagkarating na pagkarating namin sa Phillip’s Sanctuary, nawala lahat ng kalungkutan ko sa katawan. Kasi ang saya! Ang daming pwedeng magawa! Parang sa training kasi ng mga gustong magmilitar: may rope climbing, may gapang-gapang, tawid-tawid sa kahoy tas pag nagkamali babagsak ka sa tubig, may hanging bridge, may zipline at water slide pa! Buti nagdala kami ng pamalit!

HATBABE?! Season1Där berättelser lever. Upptäck nu