Forty

11.9K 294 39
                                    

Siguro magtatatlong linggo nang nanggugulo sa bahay namin si Hiro nung sinabi niyang aalis na siya. AT GORABE lang ang saya ko non! Sa wakas, makakatulog na ako sa kama ko! Wala nang mang-aasar sa’kin, wala nang mambu-bully, huehuehue.

Tas ayon nga, pagtas nun, naiwan kami ni Hiro sa bahay. Sinamahan kasi nila Kuya Marcus at Kuya Chino si Mason dahil enrollment na sa UP Diliman. Si Kuya Mac may trabaho, tas si Kuya Chuckie may lakad kasama ng mga kabarkada niya. Sila Mama at Papa, parehong may trabaho.

Nanibago nga ako kasi sa kauna-unahang pagkakataon, hindi ako binuwisit ni Hiro-the-villain. Kaya mapayapa akong nakapaglaro sa PS. ‘Kingdom Hearts 2’ nga yata ‘yung nilalaro ko nun eh. Tas nandun ako sa ‘Crystal Fissure’ part at si Sephirot ang kalaban ko. Ilang beses akong namatay don! Pa’no andaya ni Sephirot! Mahaba ‘yung espada niya tapos ‘yung kay Sora kalahati lang nung sa kanya, kaya kahit nakakalipad si Sora, natatamaan pa rin. Tss.

Pero sabi nga nila, ‘try and try until you succeed’ kaya kahit gusto ko nang ibalibag ‘yung controller sa sobrang inis ko kay Sephirot, sinabi ko sa sarili kong kailangan ko siyang talunin! Ayoko kasing humingi ng tulong kay Kuya Mac na nauna nang nakatapos non. Kailangang tapusin ang naumpisahan!

Kaya nung sa wakas natalo ko rin si Sephirot! Gusto kong magsisigaw! Kahit sinabi pa niyang si Cloud lang daw ang karapat-dapat niyang makalaban. Tss. Gusto ko sanang makipag-apir kaso wala nga pala akong kasama. At hindi ko makita si Hiro. Kaya hinanap ko siya.

Nagtaka ako nun kasi wala siya sa loob ng bahay kaya medyo nag-alala ako nun. Medyo lang naman. Sempre, anak ng mayaman, pa’no kung nawala siya e’di kasalanan ko pa kasi ako ‘yung huli niyang kasama?! Naisip ko nga na sapakin si Hiro kapag nakita ko di kasi nagsasabi kung sa’n pupunta!

Tas nakita ko siya sa maliit na garden namin at parang may ginagawa. Hindi nga niya ako napansin nung nakalapit ako eh. Tas nakita ko, nagpe-paint din pala siya! Sempre tinignan ko kung ano ‘yung pinipinta niya.

“WOOOOWWW! Ang galing namaaaan!” papuri ko sa kanya buti na lang di siya nagulat. Dapat hihinaan ko lang ang boses ko eh. Hindi ko rin alam kung bakit laging naka-max ‘yung boses ko. Eh pa’no, kuhang-kuha niya ‘yung mukha ni bespren Louie! Ang ganda-ganda talaga ng bespren ko. Sana mahawaan din ako, hahahah.

Tas biglang may tumawag sa kanya kaya lumayo muna siya sa’kin habang ako, tinitignan ko ‘yung mga gamit niya sa painting. Hindi pa kasi ako nakakakita nun nang malapitan. Parang gusto ko tuloy makita si Louie kung pa’no siya magpinta.

Nagulat nalang kami dahil biglang may pumaradang sasakyan sa labas ng gate namin.

“Charlotte, uuwi muna ako,” bigla niyang sabi na mas ikinagulat ko. “Pakisabi nalang kila Mommy at Daddy tsaka kina Kuya.”

Pinaubaya niya sa’kin ‘yung painting kasi hindi pa tuyo kaya siguro ‘di niya maligpit. Inisip ko baka may emergency kaya kelangan niya munang umuwi.

Tas bigla niyang pinisil ‘yung mga pisngi ko. “Ingat ka.”

Ako naman, sa sobrang gulat ko, hindi ako nakagalaw. Pero kahit naestatwa ako, ang tumatakbo lang sa isip ko nun…’kailangan kong gumanti, kailangan kong gumanti’. Kaya nitusok ko ‘yung mga dimples niya.

Saka naman niya ginulo ‘yung buhok ko bago tuluyang umalis. Pero bago siya makasakay sa magarang kotse nila, naalala pa niyang sabihin sa’kin na magkikita daw sila ni bespren Louie pagtapos ng first grading.

 

Matagal akong nakatayo dun, bago ako natauhan at mukha akong ewan na tumakbo papasok ng bahay na malawak ang ngiti. Makakahiga na ako sa kama namin ni Mase!!! Magagamit ko na rin ang cabinet ko!!! Pero pagbukas ko nun, andun pa ‘yung mga gamit ni Hiro. Tss. Saka ko naalalang wala nga pala siyang dala nung umalis. Ibig sabihin, babalik pa siya! AAARRRGGGHH!! Akala ko nun, tapos nang kalabanin ni Super Charlie si boss level Bully Hiro.  Hindi pa pala. Kailangang magpalakas ni Super Charlie sa muli naming pagtutuos!

Simula noon, mapayapa na akong gumigising sa umaga. Nakakangiti na nga ako dahil masarap ang gising ko at walang drowing sa mukha ko ‘pag maghihilamos ako. Wala ring nambu-bully sa’kin.

Pero makalipas ang ilang araw. May napansin akong kakaiba. Lalo na nung nagsimula na ang pasukan at kami nalang nila Kuya Mac-Mac at Kuya Chuck ang naiwan dahil may maliit na apartment naman si Kuya Marcus sa Manila, pati rin sila Kuya Chino at Mason sa Diliman.

Malungkot din pala dahil ako lang ang nag-iingay.

Tama nga ‘yung sinabi ni Hiro. Kahit pa’no nakaka-miss ‘yung pambubuwisit niya sa’kin.

Sigurado ako, nami-miss din niya ako kasi diba, mag-isang anak lang yon? Wala ‘yung maaasar sa La Union, bahahaha.

Naisip ko noon na siguro naman kapag nagkita kami ulit, hindi niya ako agad aasarin. Diba?

 =====

A/N: Namiss nyo si Charlie? Ako rin eh.. ahahaha. O, masaya na kayo at wala na ang mortal enemy niya? :D ipaliwanag sa baba.. charot.. hahahaha XD

Special mention po si LaceyErin.. kung kanino ko na-adapt ang tawang 'huehuehue'.. hahahaha

HATBABE?! Season1Onde histórias criam vida. Descubra agora