Forty-Eight

11.2K 317 136
                                    

Isa-isa nang nagsisilabasan ang resulta ng mga college entrance exams. AT….

HINDI AKO PUMASA SA UST!!!

Nagulat ako don! Sobra! Pwede palang bumagsak sa entrance exam ng school kung saan ako nag-aral simula high school?!

“Paano na si Prinsesa? Saan natin siya pag-aaralin?” narinig kong nag-uusap sila Mama isang Sabado, habang hinihintay ko si bespren Louie dahil naimbitahan kami sa bardey ni Van. Akala siguro nila hindi ko naririnig. Ako pa? Lakas makasagap ng usapan ang tenga ko eh.

“Mas gusto ko sanang sa Big Four din siya mag-aaral para pare-parehas kayo,” sabi ni Papa.

“Hindi naman siya nag-take ng entrance exam sa Ateneo or La Salle,” pagdadahilan naman ni Kuya Chuck. At kahit hindi niya sabihin, alam naman nilang lahat kung bakit ayaw ko dun. Masyadong mahal ang tuition dun. Sa purol kasi ng utak ko, baka masayang lang ang pera nila Mama at Papa.

Tumikhim si Kuya Mac. “Masyado kayong nag-aalala. Magtiwala lang kayo kay Prinsesa. Papasa ‘yon sa UP!” Unang beses ‘yon na kinampihan ako ni Kuya Mac-Mac!

Kaya kahit nagdududa ako kung papasa ako sa UP, nagtiwala na lang ako kay Papa God. Tiwala lang talaga, papasa din ako, hehe. Think positive lagi dapat, diba? Tsaka isa sa mga tumatak na bible verses sa’kin galing sa Religion class namin ay ito: ‘I can do anything through Christ who strengthens me.’ Philippians 4:13

Nung dumating na si bespren Louie, nagpaalam na rin ako kila Mama at Papa. Pinag-usapan din namin kung ano ang ireregalo kay bespren Chan-Chan at kay Van. Magkabardey kasi sila. Parehas na balentayms at Chinese New Year. Pero dahil wala si Chang dahil may date daw sila ni Destiny niya, si Van muna ang reregaluhan namin. Hmp! Inuna pa talaga ‘yung nililigawan na hindi pa rin naman siya sinasagot. Tss.

Ang napag-usapan naming iregalo ay… dandararaaaan… HOPIA! Kasi nga Chinese New Year, Hehehe. Bumili kami ng iba’t-ibang flavor: mongo, baboy, ube.

Pero habang nasa daan, nasinghalan ako ni bespren.

Nabawasan ko kasi, hehe. Eh kase naman! Mukhang masarap kaya tinikman ko. Ayon, masarap nga, hehehe. Kaya nakaisa pa ako, ahahaha!

Tawa nga ng tawa yung parents ni Van nung inabot namin sa kanila ‘yung regalo eh, hehe. Tapos si bespren Louie, parang siya yung nahihiya. Pero ayos lang naman kay Van, dami nga rin niyang tawa eh, hehehe.

Pero ang saya nung bardey ni Van! Andameng pagkain! Puro dimsum! Tas may pekeng duck! ‘Di ko nga alam kung bakit siya tinawag na pekeng itik eh. Ano kayang klaseng pato ‘yun kung hindi siya totoong duck?

Kahit naunang umalis si bespren Louie kasi… enko…masama siguro ‘yung pakiramdam, nag-enjoy pa rin ako kasi maraming Dugong Bughaw members! Andun pa nga sila Jan-Jan tsaka si Mitchie eh. Andami-dami nilang nag-aagawan sa mic nung Magic Sing, kaya nilibot ko nalang ‘yung malaking bahay nila Van.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now