Nineteen

15.4K 370 47
                                    

Mga ilang linggo matapos ang intrams namin, kinausap ako ng principal. Sobrang kinabahan ako kasi akala ko, may nagawa na naman akong masama. Hindi ko naman pinapatulan ‘yung mga nagpapa-cute sa’king babae eh. Sila Louie ang Chan-Chan lang talaga ‘yung lagi kong kasama.

‘Yun pala, pinatawag ako para sabihan na kapag hindi daw umayos ang grades ko, tatanggalin ako sa team.

 

Sinubukan ko nang hingan ng tulong ‘yung mga matatalinong kuya ko nung elementary palang ako. Pero parang mga alien lang kasi. Mas lalong hindi ko naintindihan ‘yung mga pinagsasabi nila. Tapos aasahan nilang agad-agad kong makukuha eh hindi nga ganun kataba ang utak ko. Tss.

Kaya kila besprens nalang ako lumapit noong panahon na ‘yun.

“LOUIE!!! CHAN-CHAN!!! Helupah!” exaggerated kong bungad sa kanila pagkatapos kong kausapin ‘yung principal. “Kelangan daw tumaas ng grades ko, kundi tatanggalin ako sa team! Pa-donate ng braincells niyo!” palahaw ko.

“Sige, basta ilakad mo ulit ako kay Krystal,” agad na sagot ni Chan-Chan. Umamin na kasi siya noon na siya rin si Shan-Shan kaya ayon, sobrang nagalit si Krystal sa kanya.

Ewan ko ba, inamin ko rin naman kay Krystal na ako ‘yung nagplanong pagdamitin si Chan-Chan bilang babae, pero hindi naman nagalit sa’kin.

“Ha? Ano bang grades mo? Hindi ka ba nag-aaral ng lessons?” di-makapaniwalang tanong naman ni Louie.

Edi kahit nakakahiya, sinabi ko na puro palakol ‘yung grades ko, hehe. Nakakaantok kasing magturo ‘yung mga teachers namin kaya madalas nakakatulugan ko ‘yung klase kaya ‘di rin ako nakakapag-notes, hehe.

Ayos naman ‘yung grades ko sa Filipino, Home Economics, Christian Living tsaka sa Computer. Pero nahihila talaga ng Math, Science tsaka History. Sablay talaga eh.

Kaya ayon, napagkasunduan naming mag-group study sa bahay nila Louie nung weekend. Pinagbilinan pa ako nila Mama na huwag malikot at mag-behave lang. Nainis pa ako sa kanila nun kasi bata pa rin ang tingin nila sa’kin eh twelve years old na kaya ako nun.

Noon pa man, alam ko nang mayaman si Louie dahil madalas siyang mag-English. Pero hindi namin inakala ni Chan-Chan na parang prinsesa pala siya. 

Napanganga ako nung nakaabot kami sa bahay nila. Nakakamangha talaga. Anlaki-laki kasi. Parang palasyo! AT MAY SWIMMING POOL PA TALAGA!!! Tapos bukod dun sa kotseng ginamit na pansundo sa’min ni Chan-Chan, meron pang tatlong magagandang sasakyan kasama na ‘yung akala ko dati, Por-che ang bigkas.

Tatakbo na sana ako nun sa pool kaso hinila ako nila Louie. Aral muna daw bago swimming. Pinakilala na rin kami ni Louie sa Mama niya. Mabuti nga nagbati na silang mag-ina eh. Kaya rin siguro medyo nabawasan ang pagiging siga ni Louie nun.

KASO NAMAN! Huhuhu. Ang tindi nung pagtu-tutor ni Louie sa’kin dun sa library nila. Kung baga sa workout, pinagod niya talaga ‘yung utak ko. Ginawan niya kasi ako ng tig-tu-twenty-items na quiz para sa tatlong subjects na sumesemplang ako. Ang rule pa niya, perfect or zero! Pag hindi ko na-perfect, uulitin ko.

Awang-awa talaga sa’kin si Chan-Chan noon kasi halos maiyak ako sa kakasagot nung mga quiz ni Louie.

“Tama na po! Tama na! Waaah!!!” ngawa ko noon kasi kahit naka-eighteen ako, ayaw pa rin akong tigilan ni Louie. Isang round pa raw ulit. Eh anong petsa na nun! Isipin niyo na lang, alas-nuebe ng umaga kami nagsimula tapos mag-a-alas kwatro na, di pa rin kami tapos.

“Hinde!” Nanlalaki ang mga mata ni Louie bago nagsulat ulit para gumawa ng bagong quiz items. “Walang swimming pool, walang gaming room kapag hindi mo na-perfect! Bakit ‘yung Science tsaka History, kinaya mo? Dapat pati Math din!”

“Waaaaahhh!!!” Kumapit ko kay Chan-Chan para humingi ng tulong. “Chaaaaann!! Di na kaya ng utak ko, tama na. Ayaw na! Huhuhuuuu!”

Hinimas-himas naman niya ‘yung likod ko. “Pagbigyan na natin Louie, baka duguin na utak neto. Hindi sanay sa information overload eh, hehe.”

Buti na lang pumayag din si Louie kaya kumaripas na ako ng takbo sa pool at nagpakasasang lumangoy-langoy.

Nung malasing na ako sa tubig, umahon na kami at nagbihis bago tumuloy sa gaming room at magdamag na naglaro. Di niyo alam ‘yung pakiramdam nung nalalasing sa tubig? ‘Yun ‘yung kahit nakaahon ka na, feeling mo pa rin nasa tubig ka. Ganun, hehe.

Nung nasita na kami ng Mommy ni Louie, dumiretso na kami sa kwarto niya at napa-wow talaga ako! Kasi naman, mas malaki pa sa kwarto naming magkakapatid ‘yung kwarto niya! May carpet pa! Tsaka fully airconditioned kaya malamig. Doon lang din ako nakakita ng bilog na kama. Hindi ko lang alam kung bakit nasa labas nung banyo ‘yung bathtub niya, pero nung sinilip namin ‘yung banyo, may sauna shower! Tapos dun namin nalaman na mahilig palang mag-painting si Louie kasi lahat ng mga larawang nakasabit dun, siya pala ‘yung nag-paint.

 

Nakita ko sa harap ng salamin niya ‘yung wig na ginamit ni Louie nung pageant. Kaya sinukat ko. Tinirintas pa talaga ni Louie ‘yon bago ako kinuhanan ng picture.

“Ano Chan-Chan? Bagay ba? Hahaha!!!”

Kinuha naman niya ‘yung iPhone niya at akala ko lilitratuhan niya rin ako kaya nag-peace ako. ‘Yun pala, tumawag sa Nanay niya. “’My, end of the world na ba? Si Charlie kasi, mahaba ‘yung buhok, hahaha.”

Para makaganti, pinatay namin ni Louie ‘yung mga ilaw at tinakot si Chan-Chan habang suot ko ‘yung wig at mukhang Sadako. Ayon, sigaw ng sigaw. Pinasok tuloy kami ni Tita Louise dahil akala niya daw kung ano nang nangyayari sa’min.

Sa sobrang pagod ng utak at katawan, sobrang saya, tsaka sobrang lambot ng kama ni Louie, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naramdaman ko na lang na ginigising ako ni Chan-Chan mga bandang madaling-araw.

‘Yun pala, basa ‘yung kama.

Dahil napaihi ako.

Sa ikalawang beses, naiyak ako.

Dahil sa sobrang hiya.

 -------

A/N: 'Yung page pala ni Charlie Pelaez.. na-convert sa The Confused Trio. Kasama na niya dun sila Louie Kwok at Sebastian Flores. Kung gusto niyong makipagkulitan sa kanila, magpost lang kayo dun. Kung gusto niyo rin magpa-dedicate sa mga susunod na chapters ng Miss Astig, HAT-BABE at A Man's Life, post niyo na rin dun ^_^v

Paki-click na lang 'yung external link para ma-direct kayo sa page nilang tatlo ^_^

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now