Fifteen

17.8K 393 61
                                    

Dahil naging softball player ulit ako at panay ang practice namin, binilhan ako ni Papa ng cellphone, para alam daw nila kung saan ako napapadpad.

Sinabihan din ako ng mga kuya kong saka ko lang daw sila i-text kapag may emergency. Kaya sila Chan-Chan at Louie ang una kong naging textmates. Dahil mga unlitext combo naman, walang palya akong nagte-text dun sa dalawa tuwing umaga, tanghali at gabi. Kung minsan, ‘pag bored ako sa klase, magpapadala ako sa kanila ng mga katatawanan.

To: Besprens4Layp

Psst. May joke ako.. hehe:

BOY: Knock-knock ^_^

GIRL: Who’s there?

BOY: Soon to open Pan de Manila ^_^

GIRL: Soon-to-open-Pan-de-Manila-WHO?

BOY: UNO-DOS-TRES! Soon to open Pan de Manilaaa! Knock-knock.

GIRL: Who’s there?

 BOY: Pan De Pugon Pala ^_^

GIRL: Pan-De-Pugon-Pala WHO?

BOY: UNO-DOS-TRES! Pan de Pugon Pala! Yebah! UNO-DOS-TRES! Soon to open Pan de Manila! UNO-DOS-TRES! Pan de Pugon palaa!!

 

HAHAHA… tawa naman jan. Amboring dito ^_^v

 

Kaso, hindi nakatiis si Louie nung mag-iisang linggo pa lang akong nagsi-spam ng jokes. Kinutusan ako nung magkita kami ulit. Pati si Chan-Chan pala naiinis sa Group Message ko. ‘Wag ko na daw silang isama sa pag-GM ko. Eh di wag. Tss.

Buti pa si Nile, tuwang-tuwa sa mga pinapadala ko. Bentang-benta talaga sa kanya.

From: ^_^NileRiver

WAHAHAHA! MOOOORRRREEE! XDDDD

 

Marami rin akong naging ibang ka-text. Kaso naman kasi, ang kulit nilang lahat. Parang nung may nagpapadala lang sa’kin ng sulat dati. Pero text na ngayon. Lalo na si Krystal na halos araw-araw nangungumusta. Napipilitan lang akong replayan siya kasi ‘pag di ako sumagot, kung hindi siya tumatawag, nilo-load-an ako.

Ayos naman si Krystal eh, mabait naman talaga. Makulit nga lang. Kung minsan, tinataguan ko na nga lang siya ‘pag sinasabihan niya akong dadalaw sa school para manood ng practice. Pero dahil kras siya ni Chan-Chan, natutunton niya ako. Malakas ang kutob kong ginagamit niya si Chan-Chan para mahanap ako. Tuwang-tuwa namang nagpapagamit ‘tong isa. Basta pagdating talaga sa kras niya, ipinagkakanulo ako ni Chan-Chan. Nakakainis.

Merong isang hapon nung wala kaming practice at dahil antagal i-dismiss nung dalawa, inaya ko si Nile na mag-fishball kasi pati siya, nauurat sa paghihintay kay Mason na nasa pang-matalinong section din. Dinala namin ‘yung mga binili naming pishbol, kwek-kwek at cheese sticks sa mga sementadong upuan kung saan niya ako madalas turuang tumugtog ng gitara. Siyempre, nilibre ko siya bilang ganti sa paglibre niya sa’kin noon. Buti nga hindi umangal yon eh, hehe.

“Pa’no na kasi ‘yung F?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong tugtugin noon ‘yung ‘Torn’.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now