Forty-Three

12.4K 298 31
                                    

Inggit na inggit talaga ‘yung mga ibang team sa’min kasi napaka-energetic daw namin. Tapos kahit magulo, kapag nagsalita na ako sa harap kahit walang megaphone, sumusunod silang lahat sa’kin, mehehe. Peel  na pee—ehem… feel na feel  ko nga maging team leader eh, huehue.

“O, Charlotte. Baka naman puro ‘yung intrams nalang ang inatupag mo ah,” pagpapaalala sa’kin ni Kuya Chuck. Dapat daw kasi, balansehin ko ang acads at extra-curricular lalo na’t papalapit na rin ‘yung mga entrance exam nun.

Edi sempre, nagpramis ako sa kanilang lahat na mag-aaral pa rin ako. Kailangang maging… rule model eh, hehe.

Pero tuwang-tuwa talaga ako sa pagiging president lalo na sa pagiging team leader ko. Bukod kasi sa makukulit ‘yung mga team mates namin galing iba’t-ibang year levels, andami rin nilang alam na pakulo lalo na nung pumipili na kami ng muse at escort.

At dahil nga sa kaingayan ko bilang mahal na pinuno ng Dugong Bughaw, mas lalo akong nakilala sa school.  Pati nga mga lower years naging prens ko na rin eh. Madalas kapag naglalakad ako, bigla nalang may tatawag sa pangalan ko tapos maghe-hello kahit hindi ko kilala, o kaya may mga makikipag-brofist, o kaya bibigyan na lang ako ng bebelgum. Dumami nga ulit ‘yung mga babaeng nagpapa-cute sa’kin eh. Kapag ganun, nginingitian ko nalang. ‘Di na nila kailangang magpa-cute kasi marami na ako nun, hahaha.

Merong isang araw—bago yata ako mag-UPCAT—may naghanap sa’kin na third year students. Pinuntahan pa talaga nila ako sa classroom. Nagpapatulong kasi may bagong-salta at gusto raw sumali sa Athletics Club. Kaya nagmagandang-loob na ako at sinamahan ko siya papunta sa Faculty Room. Buddy-buddy ko naman ‘yung club adviser eh, hehe.

Naaalala ko, lagi akong ina-Ate nung bagong estudyante. Sabi ko ayos lang sa’kin na ‘Charlie’ nalang ang itawag niya sa’kin. Eh kasi... mas matangkad siya sa’kin eh, ahahaha.

Van ‘yung pangalan nung transferee at…tingin ko, kras niya si Chan-Chan! Muhahaha! Nitanong nga ako kung merong lablayp si Chang. ‘Di ko nasagot dahil wala naman kaming balita sa kanila ni Krystal.

“Ah, g-ganun ba… haha,” medyo malungkot niyang pagtawa pagkasabi kong may ‘Destiny’ si Chan-Chan. Tapos bumaling siya sa’kin. “I-ikaw ba?”

Napamulagat talaga ako non! “HA?! WALA AKONG GERPREN NOH! Gusto mong sinapak ako ng mga kuya ko? ‘Wag ganun. Hindi ako tibo ah. Babae ako, ha? Maganda nang malinaw,” pagpapaalala ko sa kanya.

Natawa naman si Van. “H-hindi girlfriend. I mean, boyfriend.”

Pfft. “MAS LALONG WALA, HAHAHAHA!” sagot ko sa kanya. Paano naman manyayare yon? Niloloko nga ako ng mga kaklase ko eh. Sabi nila parang mas imposible raw na magka-boypren ako kesa magka-gerpren. Nakakatawa kaya. Hindi ko nakikita ang sarili ko na may ka-holding hands na lalaki. Parang… parang… nakakailang? Si Nile nga di ko inisip bilang boypren eh. Basta! Naaalibadbaran ako kapag iniisip ‘yon.

Tas ngumiti siya sa’kin. “You’re actually pretty. Medyo boyish lang.”

Napakamot ako sa ulo ko noon. Hindi naman kasi ako laging nasasabihang maganda ako. Laging ‘cute’ o kaya ‘gwapo’ lang. Sa pagkakaalala ko, pangalawa pa lang siyang nagsabi nun na hindi ko kapamilya. Unang nagsabi sa’kin nun si Nile.

Dahil nasarapan ako sa pagkukwento kay Van, lumagpas tuloy kami, hahaha. Pinag-ayos ko muna siya ng uniform bago ko pinindot ‘yung intercom. “HELLO PO! GOOD MORNING! PWEDE PO—“

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now