Twenty-Seven

14.9K 366 68
                                    

Ahh… pa’no ko nakasama si Kuya Brian sa Timezone?

Diba nag-away kami ni Kuya Marcus nun dahil kay Ate Witch kaya umalis ako ng bahay? Ayun, naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep nang tawagin ako ni Kuya Bri. Di pa pala siya nakakasakay kaya ayon, nung tinanong niya kung sa’n ako pupunta, edi sinabi kong sa Timezone. Tapos nung sinabi niyang sasama siya tsaka ililibre niya ako, edi sempre pumayag ako, heheh.

Teka, teka… bago niyo ako pagalitan dahil binali ko nga ang kasabihang ‘Don’t talk to strangers’…  dedepensahan ko muna ang sarili ko.

Una: hindi naman talaga stranger si Kuya Bri. Kaklase siya ni Kuya Marcus tsaka nagkausap naman na kami kahit onti lang. Kung may masama siyang balak sa’kin, lagot siya sa buong pamilya ko.

Pangalawa: Panatag ang loob ko sa kanya.

Kasi… parang sila Kuya lang eh. Ay hindi pala. Hindi pala gentleman ‘yung mga ‘yun pagdating sa’kin lalo na ‘pag wala si Kuya Marcus. Pero ganun si Kuya Bri. Pinapauna niya ako laging sumakay pero kapag bababa ng jeep, ako ‘yung mahuhuli. O kaya kapag naglalakad sa kalsada, siya ‘yung nasa banda kung saan malapit sa mga dumadaang sasakyan. Ako rin ‘yung pinapauna niyang sumubo ng pagkain kaya kapag kakain na siya, kalahati ko na ‘yung pagkain ko, ahehehe.

Pa’no ko ba ie-explain?  Ahh… kung ano siguro ‘yung kakulangan ng mga kapatid ko, siya ‘yung nagpupuno. Basta, ‘Kuya’ figure siya para sa’kin.

Nawala ako sa kwento ko. Edi ayon… sa Timezone. Habang naglalaro kami, tanong siya nang tanong tungkol sa’kin kaya sagot naman ako nang sagot. Pero kapag hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko, lalo na kapag nasa arcade, siya naman ang tinatanong ko. Ang daya kasi niya eh. Kaya niyang mag-multi-task dahil mataba nga ang utak samantalang ako, kailangang mag-focus sa ginagawa ko para siguradong panalo.

Isa sa mga konting bagay na narinig kong sagot niya dahil nakatutok nga ‘yung atensyon ko sa nilalaro ko, ay ang katotohanang nag-iisang anak lang pala siya.

“Hindi ba boring yon?” naaalala kong tanong ko sa kanya habang papalakad kami sa table ng air hockey. Pinagkaguluhan na kasi ako sa Marvel vs Capcom dahil wala pang nananalo sa’kin. Nung puro mura na ‘yung naririnig naming reaksyon sa mga nanonood lalo na dun sa kalaban ko, nag-aya na sa ibang laro si Kuya Bri.

Nagkibit-balikat lang siya noon. “Medyo. Pero ayos lang, binibigay naman ng parents ko lahat ng gusto ko eh, hehe. Ikaw, masaya bang magkaroon ng maraming kapatid?”

“Minsan masaya, minsan hindi,” sagot ko at tinawanan niya ako. “Kapag lagi kang pinagtitripan ng mga kapatid mo, o kaya, minamana mo ‘yung mga gamit nila, gugustuhin mo na lang na sana mag-isang anak ka na lang. Pero mas masaya kasi kapag may kalaro o kaya kung malungkot ka, may magpapasaya sa’yo,” paliwanag ko pa at sumang-ayon naman siya.

Nung maubusan kami ng pwedeng laruin, dun naman kami sa mga toy crane. Gusto niya raw kasi akong ikuhanan ng toy.  Pero halos naubos ‘yung load nung card niya wala namang siyang nakuha. Kaya nagpresenta na lang ako. Pinili ko ‘yung Stacker—‘yung parang tetris pero pagpapatung-patungin ‘yung mga bricks hanggang sa pinakataas para manalo.

HATBABE?! Season1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ