Thirty-Two

14.2K 320 74
                                    

Nagkagulo ang pamilya ko dahil sa pesteng prom na yan. Tss.

“Naku! Kailangan na nating makahanap ng magandang gown para sa kapatid niyo! Ano kaya ang babagay sa kanya?” Eksaytment talaga ‘yung nanay ko. Kasi alam niyang hindi ako makakapalag dahil mandatory ‘yung prom. At matagal na rin talaga niyang gustong damitan ako ng besti-bestida; hindi kasi niya ako mapagbihis noon. Pagkakataon na niya yung prom.

Tas nakisawsaw pa ‘yung mga kuya ko. Umuwi talaga sila Kuya Marcus tsaka si Kuya Chino para mapagplanuhang mabuti ‘yung damit ko. May kanya-kanya silang iniisip na design daw.

Haaayyy.

Aayaw talaga sana ako pero kailangang pumunta ni Mason dahil Student Council siya at ako ang pakner niya para di na daw siya kulitin ng mga babaeng makipag-pakner sa kanya. Tas pati si Chan-Chan kailangan din pumunta kasi Vice siya tas pinilit niyang maging pakner si Louie dahil kung hindi naman daw si Destiny yung magiging pakner niya, dapat isa na lang daw sa'min at dahil ayaw ko, edi si Louie ung tinanong niya. Tas hindi daw pupunta si Louie kung hindi ako pupunta. Ano pa nga bang magagawa ko?

“Eehh, wag na po kayong humanap. Si bespren na daw ‘yung bahala sa isusuot ko,” naiirita kong sagot. Para kasi sure daw na pupunta ako, ayun, si Louie na ang nagpasyang pumili ng gown ko.

“Uy, nice. Sigurado namang maganda ang taste nun,” kumento ni Kuya Mark.

“Ma, picture-an niyo si Charlotte ha,” paalala ni Kuya Marcus. Napagod yata siya sa pagtawag sa’kin ng Prinsesa dahil di nga naman ako mukha o kilos-prinsesa. Pero kapag tinatawag niya ako sa totoo kong pangalan, para akong binabaril.

Para makaiwas sa kaguluhan nila, nagpaalam na ako, bitbit ‘yung gitara ko. Magpa-praktis sana ako dahil Sabado naman pero kung lagi naman nila akong ginugulo maya’t-maya dahil naghahanap pa rin sila sa internet ng masusuot ko, wala akong natatapos. Dun nalang ako sa school. Andun naman si Mason eh.

Onti lang ‘yung mga high school students sa campus tuwing Sabado maliban na lang sa mga pumapasok sa college. Dun ako pumuwesto sa mga sementong upuan sa ilalim nung mga puno.

“Uy, Charlie!”

Paglingon ko, papalapit si Nile na may hawak ding gitara. Nakita ko pa nga siyang nagpaalam sa mga kasama niya bago ako puntahan eh.

“’Musta?” tanong niya sa’kin bago pumuwesto sa tabi ko. “May tutugtugin ka na? Ilang linggo na lang, prom na.”

Sempre sinabi ko sa kanyang nahihirapan akong pumili ng kanta. Anyirap kayang umisip ng kantang pang-slow dance tas mag-isa lang ‘yung tutugtog. Tas puro pa Parokya ni Edgar ang karamihan ng alam kong tugtugin. Pa’no naman makakasayaw ‘yung mga tao dun? Kahit pag intermission, parang di rin bagay ang kanta ng Kamikaze. Tss.

Tumango-tango naman siya. “Gusto mo, pag-isahin na lang natin ‘yung performance mo tsaka ng banda namin? Para di ka rin mag-isang tutugtog?”

“Eeeh?! Pede yon?” Sa totoo lang, kahit bibo ako, iba pa rin ‘yung magpe-perform sa harap ng maraming tao, lalo na dapat memorable ‘yung gabing yon. Ayoko namang magkalat kasi mapapahiya si Mason at si Chan-Chan at si Maja.

Natawa nalang si Nile. “Tignan natin. Kausapin ko si Mase mamaya. Dami niyang ginagawa eh. Gusto mo tulugan na rin kitang mag-isip ng kanta? Just in case hindi pwedeng i-merge ‘yung gagawin natin?”

Edi ayon, pumayag ako. Mas marami namang kantang alam si Nile kesa sa’kin. Kaso, nauwi lang sa kalokohan ‘yung pag-iisip namin dahil bigla-bigla na lang siyang tutugtog ng ‘Tong-tong-Pakitong-kitong’ kaya napapahalakhak kaming dalawa. Tas hindi naman nakarating ‘yung ibang ka-banda niya kaya wala rin siyang makausap.

Inaya niya akong magpishbol nun kaya naalala ko nanaman ‘yung lagi pa kaming magkasama nung first year ako. Nakakalungkot lang dahil simula nung nasapak siya ni Louie tas nalaman nilang lahat na may gusto ako sa kanya, umiwas na rin siya. Hindi ko naman kasi dapat aaminin kila kuya ko ‘yun eh. Ang daldal ko kasi eh. ‘Di makapagtago ng sikreto.

“Ay, ‘musta na pala si Ate Mickey?” tanong ko habang hinihintay kong maluto ‘yung kikiam.

Nagkibit-balikat lang siya. “’La akong balita eh. Madalang na kaming makapag-usap ngayon kasi marami naman lagi siyang ginagawa.”

“Awtsu, ka-sad naman.” Narinig ko na ‘to sa mga kaklase ko eh. ‘Yung mahirap daw ang long distance relationship. Para lang daw sa mga taong matatag ‘yun. Sana magtagal si Nile tsaka si Ate Mickey. Mukha namang lab na lab nila ang isa’t-isa eh.

“Nga pala, may isusuot ka na?”

Akala ko, ‘yung damit ko sa performance ang tinatanong niya kaya sabi ko, basta naka-pants, ayos na. Tas bigla siyang tumawa. Isa pa pala siyang nag-aabang kung anong gown ang isusuot ko kaya bumusangot na lang ako. Kaya nga ako pumunta sa school para matakasan ang pamilya ko, pati ba naman si Nile, makikisali?

“Subukan mo lang kasi. Tignan mo si best friend mo, nasanay nang magbesti-bestida. Dapat ikaw rin. Sanayan lang naman ‘yan. Dapat sabay kayo para mas masaya,” suggestion naman niya.

“Iniimajin ko pa lang na naka-gown ako, kinikilabutan na ako eh,” reklamo ko naman. "Ayoko talaga."

“Tsk. ‘Di yan. For sure naman maganda ka rin kapag naka-damit pambabae,” nakangiti niyang sabi sa’kin. Pati mata niya nakangiti. Ahuhu.

“A-ah, magugustuhan mo rin ba ako kapag naka-gown ako?” bigla kong naitanong.

“Ha?”

Saka ko na-realize ‘yung nasabi ko. “Ay! Ano! H-hindi ‘yun ang ibig kong sabihin! Ano… hindi mo naman siguro ako pagtatawanan kung anuman maging itsura ko kung naka-gown ako, diba?” Sobrang nag-alala ako nun kasi baka mamaya kung anong isipin niya. Pesteng bibig ko kasi. Sarap sampalin ng sarili ko. Tss.

Pero ngumiti lang siya bago mahinang niyugyog ‘yung ulo kong naka-cap. “Bakit naman kita tatawanan. Diba sinabi ko naman noon na maganda ka? Totoo naman 'yun.”

Ahuhu.

Inis na inis ako sa sarili ko nun. Kasi mahigit dalawang taon kong tinago tapos madudulas lang ulit?

Kabuset.

===

A/N: Sabi niyo nananahimik si Nile.. edi ayan.. lumabas ulit.. hahaha

Dictionary ni Charlie

Tas = tapos

Onti = konti

Anyirap = ang hirap

Awtsu = awwwts

kabuset = [naka]kabuwisit

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now