Thirty

13.5K 329 59
                                    

Na-heartbroken si Louie. Nakaka-sad talaga.

Kasi naman ‘yung sira-ulong Aidan na ‘yon, may gerpren pala! Nasayang lang tuloy ‘yung cake na pinag-aralan pang i-bake ni bespren kasi nalaglag lang sa sobrang gulat naming dalawa. Sana talaga binigay nalang niya sa’kin. Kakainin ko talaga lahat ‘yon!

Sobrang kawawa nga si bespren nun eh. Di na namin alam ni Chan kung anong pag-tumbling ang gagawin namin para lang mapatawa siya. Pero mukhang sobrang nasaktan talaga siya kaya ‘di agad maka-recover.

 

“Magbe-besprens nga tayo. Pare-parehas tayong sawi, hahahaha,” pagbibiro ko pa para lang mapatawa si Louie. Pero tulala lang siya tas si Chan, ang sama ng tingin sa’kin kasi di pa rin naman daw niya sinusukuan ang Destiny niya. Tss.

 

Isang araw, habang nag-iisip ako kung paanong pagpapatawa ang gagawin ko para mapangiti man lang si bespren, may narinig akong tumawag sa’kin.

“Charlie! Saglit lang—!” Paglingon ko… Si Aidan, papalapit sa’min ni Mason dahil kakapasok lang namin sa school nun.

Ginawa ko talagang shield si Mason. “O! Anong problema mo? ‘Wag kang lalapit sa’kin! Sinaktan mo bespren ko. ‘Di na kita bati!”

“Charlie, mag-e-explain lang ako,” pilit pa niya tapos sinubukan akong lapitan.

Pero andun lang ako sa likod ng kapatid ko. “Hooo… explain-explain… WALA! Kainin mo ‘yang explain mo! Subukan mo lang lumapit kay Louie, babasagin ko mukha mo!” banta ko tas hinila ko na si Mason papunta sa building namin.

Ibabalita ko sana kay Louie na nilapitan ako ni Aidan, pero sabi naman ni Mason, ‘wag na lang daw dahil baka mas matagalan pa raw makapag move-on si bespren.

Naisip ko tuloy ‘nung nalaman kong may gerpren din si Nile noon. Masakit nga. Pero, ilang araw lang naman akong nagmukmok nun. Halos parehas lang nung nangyari kay bespren. Pero ‘di ko alam kung bakit antagal ng epekto sa kanya. Masyado yata niyang dinibdib?

Sa sobrang tindi yata nung epekto kay bespren, nagulat na lang kami ni Chan-Chan dahil nagsimula na siyang pumasok sa school nang… NAKAIPIT ANG BUHOK.

Tas may konting blush on na rin.

Tas kapag lumalabas kaming tatlo, nagbe-bestida na siya madalas.

Parang sa isang iglap, nagdalaga na agad siya. Lumabas tuloy ‘yung ganda niya. Kaya dumami ‘yung mga nagkaka-kras sa kanya.

Nakakapanibago nga eh. Kaya madalas, napapatitig ako sa kanya tuwing magkakasama kami kasi parang ibang tao na hindi ‘yung Louie na kasama namin.

Okay na si Louie?” natanong sa’kin minsan ni Mason.

“Mukha namang ayos na. Ang galing nga eh. Babaeng-babae na siya noh? Ang ganda-ganda niya noh?” proud na proud ko pang sinabi. Eh kasi nakita na namin siyang mukhang babae nung pageant diba? Pero mas gumanda pa siya.

“Pansin ko nga,” sagot naman niya at tumango minsan.

Tapos natigilan ako at napatingin sa kapatid ko. Alam kong hindi pwede ‘yung iniisip ko noon. At hanggang ngayon, kinikilabutan ako kapag naaalala ko.

“Mase!”

“Ano?” medyo gulat niyang tanong dahil bigla akong kumapit sa braso niya.

Lumunok ako ng kaunting laway, bago ko sinabing: “Kras ko na yata si Louie!”

O diba? Nakakakilabot talaga noh? Huhu.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now