Thirty-Eight

12.8K 299 46
                                    

Bwisit na bwisit talaga ako kay Hiro! Dahil sa kanya, grabeng katatawanan ang inabot ko sa mga Kuya ko. Lalo na sa pesteng ‘DAAAAHH’ na yon! Sa kanya ko kaya narinig yon. Ginaya ko lang naman ah! Tss.

Pero impernes naman sa kanya, magaling nga talaga siyang mag-surf tsaka mag-gitara. Ayaw lang talaga niya akong turuan. Sana talaga naging lalaki nalang ako nung bakasyon para nituruan niya ako tulad nila kuya eh. Pakiramdam ko talaga girl-hater si Hiro. Pero nagandahan naman siya kay bespren. Ano kayang problema niya sa’kin? Isampeyr talaga.

“Baka tomboy-hater siya, hahahaha!” pang-aasar pa ni Kuya Mac-Mac nung makauwi na kami sa Manila.

Pinanlisikan ko tuloy siya ng mata. “Hindi nga ako tomboy!”

 

“Edi, boyish-hater?” sabi naman ni Kuya Chuck.

Kumunot ‘yung noo ko kaya tinanong ko sila kung ano ang kaibahan ng ‘tomboy’ sa ‘boyish’. Sabi ni Mason, ang ‘tomboy’ daw, ekibalent sa ‘lesbian’ – babaeng nakikipag-relasyon sa kapwa-babae. Tas ‘yung ‘boyish’ naman daw, kilos-lalaki lang.

“O kaya, baka ayaw lang niya sa maingay. Kapag nagsalita ka kasi, parang nasa kabilang bundok lang ang kausap mo eh,” natatawang dagdag pa ni Kuya Chino.

Ngumuso ako at sinadya kong hinaan ang boses ko. “H-hindi naman eh. Maingay ba talaga ako, ‘Ya?” baling ko kay Kuya Marcus na tumango nang maraming beses kaya mas lalong humaba ang nguso ko kasabay ng pagtatawanan nila.

Buti na lang talaga naiwan na si Hiro dun sa La Union. Sabi ko nga sa sarili ko nun, sana dun na lang siya para tahimik na ang buhay ko… este, para ako lang pala ang maingay, muhahaha! Tsaka sana hindi na siya makapunta sa graduation party ng mga Kuya ko kahit ni-invite siya nila Mama.

Akala ko noon, malalasap ko ang bakasyon. Kaso, kinontrata ni Mama si Mason na i-review ako para daw sa nalalapit na college entrance exam. Kung hindi daw ako papasa sa kahit anong university, hindi daw ako mag-aaral, ahuhu. Kaya ayon, tyinaga talaga akong turuan ng kapatid ko. Ambait-bait nga niya eh kasi kahit paulit-ulit kami sa isang Math problem, di siya naiinis sa’kin. Di tulad ni Louie na baka nasakal na ako, hehe.

Nung natapos na niyang ituro sa’kin ‘yung mga madalas daw lumabas sa entrance exam, puro short quizzes na lang ang binibigay niya sa’kin. Kaya natuwa ako kasi may panahon pa para ma-enjoy ko ang bakasyon.

Akala ko nun, tapos na ang kalbaryo ko. Pero ang tadhana nga naman. Nakakainis! Biruin niyo, isang linggo pa bago ang graduation ni Kuya Marcus, dumating na si Hiro sa bahay namin! Aaarrrgggghh!

Humahangos si Kuya Chuck nun nung pumasok sa bahay at natarantang pinalabas ng kwarto sila Mama at Papa dahil may sosyalin daw kaming bisita kasama si Hiro. Tas pumasok si Kuya Mac-Mac na nagbukas ng gate kasunod na nga si Villain at… at… isang napakagandang babae. Napanganga talaga kaming lahat lalo na nung i-announce ni Hiro na Mommy daw niya yun.

Ang ganda talaga eh! Tsaka mukhang napakabait. Nagpabalik-balik ako ng tingin kay Tita Adeline tsaka kay Hiro. Magkamukha sila at parehas na may dimples. Kaya pala maganda rin si Hiro kasi maganda rin si Mommy niya. Nagkaiba nga lang sa mata.

Tas nagpa-pichure pa si Mama kay Tita. Di na talaga nahiya. Beauty Queen pala kasi dati si Tita. Inisip ko pa kung kanino namana ni Hiro yung masamang ugali niya, kung sa tatay ba o baka ampon siya? De joke lang. Asar lang talaga ako sa kanya.

Inilibot nina Mama at Papa sila Tita at si Hiro sa maliit na bahay namin na dalawa lang ang kwarto. Hindi ko pa alam nun kung bakit kailangan pa nilang makita ‘yung lahat ng sulok ng bahay namin bago sila umalis ulit. ‘Yun pala, bumalik din sila kinahapunan at may dala nang mga pagkain, tsaka shopping bags… tsaka pinalagyan pa ng aircon ‘yung kwarto namin!

Dun pala makikitulog si Hiro sa bahay! Aaarrrgggh!!!

Ang masama pa, binigay ni Mama sa kanya ‘yung cabinet ko. Dapat talaga share kami don eh! Pero puro damit na niya bigla ‘yung nandun habang ‘yung mga damit ko na katatapos ko lang labhan nun nasa kama at pinatungan pa niya ng paa! Akala daw kasi niya basahan ‘yon! Nakakainis talaga!

Lalo pa niya akong tinawanan nung pansamantala akong binigyan ng kahon ni Papa para dun muna ilagay ‘yung mga damit ko dahil sarado na ‘yung Mall para bumili sana ng maliit na Orocan cabinet para sa’kin kasi konti lang naman ang damit ko.

At hindi pa diyan nagtatapos ang kakapalan ng mukha ni Hiro. Nakiusap pa siyang sa tabi siya ni Kuya Mac-Mac matulog eh binilhan naman siya ng Mommy niya ng sofa bed! At dahil ayaw akong katabi ni Kuya Chuck kasi naninipa nga ako, ako tuloy ‘yung napunta sa sofa bed niya.

“Ang arte-arte mo! Parehas lang namang kama! DAAAAH!” singhal ko kinagabihan at nasa kwarto na kaming lahat. Pero hindi niya ako pinansin at nakipagdaldalan nalang kay Kuya Mac-Mac habang si Kuya Chuckie, tinawanan na naman ako. Si Mason naman, tinakpan nalang ng unan ang mukha.

Naalala ko tuloy ‘yung turo sa’kin nila Papa—kapag nasa ibang bahay daw ako, kailangang ako raw ang makibagay. Pero nung panahong ‘yon, naguluhan ako kasi bakit parang mali ‘yung naituro kay Hiro? Kasi siya na nga ang bisita, siya pa dapat ang pakibagayan namin? O dahil mayaman at anak siya ng beauty queen kaya todo-asikaso din sila Mama?

Mabait naman talaga si Hiro eh, basta kaharap sila Mama at Papa o kaya ‘yung mga kuya ko. Hindi ko talaga alam kung bakit inis na inis siya sa’kin. Di naman pwedeng baguhin ko ang sarili ko para lang sa kanya. Sabi nga nila diba: ‘You can’t please everybody.’

Pero humanda talaga siya pagdating ni Louie. Isusumbong ko talaga siya kay bespren! MUHAHAHAHA!

===

A/N: Sareh, natagalan ang UD… ahaha… at yes… hindi bulol ang pagkakasabi niya English sentence na yon. Maikli lang daw kasi kaya kinaya niya, hahahaha. Tsaka, nagpapa-cute lang talaga siya kapag nagbubulul-bululan. Di kasi niya trip ng formal way of speaking -__-“ DAAAAHHH!!! hahahaha

 

*Dishonaree ni Tarlie

-impernes = in fairness

-ekibalent = equivalent

-Daah! = Duh!

 

Sa mga di pa nakakabasa ng NYORK kung saan unang lumabas ang epic na ‘DAAAHHH!’, pakibasa na lang po para makilala niyo si Hiro ^_^v nasa external link na po para di kayo mahirapan, hehe.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now