Twenty-three

14.7K 371 94
                                    

Nung malapit na ang botohan ng Student Council, nag-all-out na talaga kami ni Chan-Chan.

Anyway, ang pakulo namin para mas sumikat pa si Mason, nagtayo kami ng kiss-mark booth, wuhahaha. Akala niyo gumamit kami ng stamp na may korte ng labing naka-pout? Hindi noh. Hiniram namin ni Chan-Chan ‘yung isang lipistik ng Tita niya at kami mismo ‘yung humahalik.

“Basti! Pa-kiss din ako!!!” kinikilig at eksaytment na sabi nung mga babae. Oo, ‘Basti’ na ‘yung nagiging tawag kay Chan sa school. Bakit? Kasi nagbibinata na siya nung panahong ‘yun. Hindi na siya masyadong malamyang kumilos. Pati gupit niya, kahit medyo mahaba pa rin, medyo nagmumukha na siyang lalaki. Gwapo nga eh.

Pero mas gwapo pa rin ako, hahahaha. Ewan ko ba. Di ko pa rin nakikita ang sarili kong nagme-make-up, nagsusuot ng bestida, nagdadamit-dalaga. Di tulad ni Louie na nagbibinata—ay…nagdadalaga na pala, hehe.

“Pwedeng sa lips?” tanong nung isang Ate na ngumuso pa talaga sa’kin.

“Ahaha, hindi po pwede Ate eh,” nakangiting sabi ko. Bago kumuha nung bookmark na may ‘Mason Pelaez for VP’ na nakalagay saka ko hinalikan ‘yun at inabot kay ate. Nagtyaga kami ni Chan-Chan na gupit-gupitin ‘yon nung weekend! Pakiramdam ko nga nagka-abs na ‘yung hinlalaki tsaka hintuturo ko eh.

Akala niyo kami mismo ni Chan-Chan ang humahalik noh? Hahaha. Sempre hindi pwede yon. Ayokong ma-Guidance ulit.

Sila lang ni Louie ang hinahalikan ko kapag gusto kong mang-asar o kaya ‘pag may nagawa silang maganda para sa’kin. Sempre sa cheeks lang ‘yon! At lagi silang nakakailag, hahaha.

Nanghahalik  tsaka nanyayakap kasi ‘yung karamihan sa mga teammates ko sa softball kaya nahawa ako.Buti nga naitapal ko agad ‘yung kamay sa bibig ko nung isang araw kundi babae ang naging pers kiss ko. Yak.

“Hoy, Nile! Gusto mo ng kiss? Hahahaha!” pabiro kong tawag nung papalapit siya sa amin. Hindi ko na siya kras nun. Pero prens pa rin kami. Pati nga si Mickey friend ko na rin sa FB, hehehe.

“Nge. Ayoko nga. Kay Chan-Chan na lang ako magpapahalik noh,” natatawang sagot niya at binigyan lang siya ng nakamamatay na tingin ni Chan. “Alam ba ‘yan ng Kuya mo? Baka naman hindi. Lagot ka na naman. Ikaw na bata ka talaga.”

Nagkibit-balikat lang ako. “Wala namang pakelam yon!  Kung di nga kami nangangampanya para sa kanya, siguradong matatalo ‘yun eh. Bakit ba tumakbo ‘yun in the first place?”

 

Kaya naman pala. Nasabihan pala ng class adviser nila na tumakbo dahil sa extra-curricular activities siya mababa. Kung gusto daw niyang mag-Valedictorian ‘pag nag-fourth year na sila next year, kailangan daw niyang maging active sa mga school activities.

Nung napudpod namin ‘yung lipistik ni Tita Charlene, nagsara na rin ‘yung kiss-mark booth. Pero pinagpatuloy pa rin namin ‘yung pamimigay nung bookmark tuwing break-time at sa pagitan ng mga klase namin.

Pagdating ng uwian, wala na rin akong stock. Kaya pinuntahan ko na ‘yung dalawa sa classroom nila. Ayun, nasimot na rin ‘yung stock ni Chan-Chan. Ang galing talaga namin, hehehe.

“Looouuuuiiiieee!!!” malakas na tawag ko habang papalapit sa bespren namin. “Iboboto mo naman si Kuya ko diba? Diba? Diba?” pangungulit ko.

Tinignan niya ako nang masama. “Kapag hindi ka tumigil, baka tuluyan ko na siyang hindi iboto. Ang kulit mo!” angal niya.

“Ayiee.” Tapos yumakap ako sa kanya. Tulad ni Chan-Chan, sanay na rin sa hug-attack ko. Sila lang ang ginaganun ko eh. “Salamat bespren. Kiss na rin kita,” sabi kong nakanguso para halikan siya nang mabilis sa pisngi, makapang-asar lang.

“Sabi ng—“ angal niya ulit at biglang tumingin sa’kin kaya…”Yuuuck!!!Charlie!!!”

Eh kasi, dumampi sa gilid ng lips niya ‘yung lips ko.

Sabay kaming nagpunas ng mga bibig namin na parang walang bukas. Habang si Chan-Chan, mukhang na-shock na naman at di makapagsalita.

Dinuro ako ni Louie. “Hindi ‘yun kiss ah! Ang kiss sa buong lips ‘yon! Sa pinakagilid lang ‘yung nangyari kaya hindi ko tatanggapin ‘yun bilang totoong kiss!” pagbabanta niya sa’kin at nanlalaki pa ang mga mata. "'Wag na 'wag mong sasabihin kahit kanino yan! At ikaw!" baling niya kay Chan-Chan na napaatras din. "Di bale, tahimik ka naman di tulad netong si Charlie."

Tumango lang ako habang nakatakip pa rin sa bibig ‘yung kamay ko.

Huhu… kahit hindi pa totoong kiss yon, pers kiss ko pa rin yon!

 

Mama! Papa! Nakuha ni Louie ang pers kiss ko…

----

A/N: Salamat ng marami sa pagbabasa ^_^ mahal ko kayong lahat ^_^v

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now