Forty-Four

12.2K 294 47
                                    

Nagulat talaga ako nung nalaman kong magpinsan pala si Hiro at si Krystal! Tapos si Hiro ‘yung dahilan kung bakit nabuking si Chan-Chan na siya rin si Shan-Shan. Sa madaling sabi, si Hiro ang asungot! Lagi na lang! Lagi na lang talaga!

Sempre, sinabihan ko rin sila bespren tungkol dun. Pati nga si Louie nagulat kasi ang liit daw ng mundo. Pero si Chan-Chan, parang wala lang sa kanya. Siguro dahil hindi pa naman niya nakikilala noon nang personal si Hiro. Hindi ko pa nga rin alam kung paano siya nakilala nung kontrabida eh. Sabi ko sa sarili ko noon, bahala na kung magtagpo ang landas nila. Tsaka, nagkakalabuan daw sila ni Krystal eh. Nakaka-sad nga eh.

Anyway… dumating ang exam day ko para sa UPCAT. Linggo ng umaga ‘yung schedule na binigay sa’kin kaya Sabado ng gabi, dun na ako nakitulog sa apartment nila Kuya Chino at Mason. Wala noon si Kuya Chino kasi may event daw na pinuntahan. At dahil hindi masyadong nakakauwi si Mase sa bahay namin, nikwentuhan ko siya tungkol sa mga nanyayare sa’kin sa UST. Ang gusto ko naman sa kanya, nakikinig talaga siya tsaka parang interesadong-interesado sa mga sinasabi ko kasi nakatingin lang talaga siya sa’kin habang dada ako nang dada. Ang mahirap lang sa kanya, alam na nga niyang madaldal ako, hindi pa niya ako pinatigil magsalita kahit alam din niyang may exam ako kinabukasan. Parehas tuloy kaming napuyat.

Bangenge talaga akong bumangon kinabukasan. Nagtaka pa nga si Mason kung bakit andami kong dalang pagkain eh. Isang backpack kasi ‘yun na puro tinapay, chichirya tsaka isang litrong tubig. May chicharon pa nga eh. Sempre kelangan ko ‘yun para gumana ang utak ko. Mabilis pa man din akong gutumin kapag nasasabak ako sa matinding pag-iisip.

Bago mag-exam, naalala ko, dinasalan ko pa ‘yung tatlong Number Two na Mongol pencils na baon ko. Pinabendisyunan pa nga ‘yun nila Mama sa St. Jude para daw swertehin ako at tama raw ‘yung mga sagot ko.

Naaalala ko rin na hindi pa umaabot sa’kin ‘yung answer sheet, nakaubos na ako ng isang pack ng biskwit. Hindi na kasi kami nakapag-agahan ni Mason eh. Kaya ‘yon. Tas nung napasahan na ako nung folder ng test questions, nilabas ko na ‘yung chicharon. Pinagtinginan talaga ako nung mga katabi ko. Bibigyan ko sana sila kaso tinawanan naman nila ako kaya di ko na in-offer. Bahala sila. Masarap pa man din ‘yung mga baon ko.

Dahil puyat nga ako, hindi pa yata gising ‘yung brain cells ko kasi natagalan talaga akong sumagot sa mga tanong. Kain lang talaga ako nang kain para piliting gumana ang utak kong natutulog. Halos mangiyak nga ako sa bawat test questions eh. Lalo na sa Math! Grabe, sigurado ba silang panghayskul ‘yung mga tanong dun?! Bakit parang pang-college na?! Ahuhu. Halos mangiyak-ngiyak talaga ako sa pagsagot. Dinaan ko na lang sa pagkain ‘yung frustration ko. Kaya naubos ko ‘yung laman ng backpack ko.

‘Wag na nating pag-usapan ang UPCAT. Napagod lang ang utak ko. Basta pagtapos nun, nagsimba kami nila Mama sa St. Jude para kaawaan ako at ipasa sa UP.

Balik na tayo sa paghahanda namin para sa Intrams! Mas masaya ‘yon, hehehehe. Ipinaubaya ko na lang kay Papa God ang pagpasa ko sa UP, hehehe. Mabait naman ako, siguro naman pagbibigyan ako ni Papa God. Alam din naman Niya kung paano ako naghirap sa kaka-review.

Ayon, dahil wala pa rin kaming napiling muse at escort, nagtawag ako ng meeting para sa mga head cheerleaders ng Blue Team. Sinama ko na rin si bespren Louie kasi alam kong malaki ang maitutulong niya sa pagdedesisyon lalo na, meron na namang nadagdag na criteria: Best in costume daw ng representatives.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now