Eighteen

15.6K 365 44
                                    

Nasapak ni Louie si Nile. Seryoso, pati ako nagulat sa ginawa ni bespren. Akala daw kasi niya, merong something sa’min ni Nile tapos may kasintahan pala. Sempre pinagtanggol ko si ex-crush. 

Hindi naman maiiwasan ‘yung ma-sad ‘pag nalaman mong may mahal nang iba ‘yung taong gusto mo diba?

Akala ko, si Louie lang ang galit kay Nile. Hala, pati pala ‘yung mga kuya ko. Si Chan-Chan… may sariling problema ‘yon kaya tuliro rin.

“O, bakit ginabi na kayo?” masungit na tanong ni Mason nang makababa ako sa kotse ni Louie pagkatapos naming magliwaliw sa Timezone. Na-batt empty kasi ako nun dahil tawag pala nang tawag si Nile eh sa sobrang ingay sa Timezone, di ko nasagot.

“Andyan na sila Mama?” kinakabahang tanong ko dahil baka makutusan ako ng mga magulang ko. Pero tineks ko naman kasi si Mason gamit 'yung selpon ni Louie nung napansin kong namatay na ‘yung telepono ko. 

“Wala pa,” tipid niyang sagot bago ibinaling ang tingin kay Louie na nasa harap. “Uy, Louie, pasensya ka na ah. Naabala ka pa ng kapatid kong makapal ang mukha.”

Tumango naman si Louie. “Ayos lang. Pakisabihan yung kaibigan mo ah. Baka di lang uppercut ang magawa do dun next time,” dagdag pa niya bago tuluyang umalis.

Pagkaalis nila Louie, hinawakan ako sa balikat ni Mason. “May bisita ka.”

NAGULAT AKO dahil naghihintay sa loob ng bahay namin si Nile na may malaking band-aid sa baba. At masama ang tingin sa kanya ni Kuya Mark habang si Kuya Chuckie naman, parang kinakabahan dahi baka sugurin na lang bigla ni Kuya Mac-Mac si Nile. Hindi ko alam kung bakit ganun kasi pinaliwanag naman na noon ni Mason na mabait lang talaga yung ka-tropa niya.

Ayun, napaamin tuloy ako sa harap nilang lahat. Sempre, nagulat si Nile nung sinabi kong kras ko siya. Tapos nung nagpa-sorry, napagsabihan tuloy ni Kuya Mark.

“Huwag ka kasing masyadong sweet sa mga babae lalo na kung taken ka na. Natural lang na iisipin ng mga taong nakakakita na you’re leading her on kahit hindi naman. Kahit pa mukha at kilos lalaki pa ‘yan tulad ng kapatid ko, babae pa rin ‘yan. Buti nga at nasapak ka ni Louie kundi, ako talaga ang sasapak sa’yo.”

Tss. Mata-touch na sana ako kay Kuya, kaso nalait pa rin ako eh. Sorry naman kung mukha at kilos lalaki ako.

Pero ayon, at least naliwanagan ang lahat. Nag-migrate pala sa ibang bansa si Mickey at nasabak sila sa Long Distance Relationship. ‘Yun yung panahong nakakausap ko lang si Nile sa telepono. Naaalala daw niya sa’kin si Mickey kaya nakipagkaibigan siya pero di daw niya ako ni-lead on…kung anumang ibig sabihin nun.

Kaya kahit nakakalungkot, hindi na ulit ako nilibre ni Nile, hindi na rin niya ako tinuturuang maggitara na kami lang dalawa ang magkasama lalo na nung umalis na ulit si Mickey. Minsan-minsan na lang lalo na ‘pag hinihintay ako ni Mason tuwing dismissal para sabay-sabay na kami umuwi nila Chan-Chan.

Sabi ko noon sa sarili ko, hahanap na lang ako ng bagong magiging kras.

Pero habang pinoproblema ko kung saan ako makakahanap, hindi ko namalayan na may napakalaking pagkakamali akong nagawa nung intrams. Hindi ko natantiya.

Nung sumali kasi si Louie sa pageant na ‘yun, nagkaroon ng pictorials. Tapos ni-post nila sa Facebook. Paramihan daw ng likes. Edi sempre, kinuntsaba ko na ‘yung mga Kuya ko. Pati ‘yung mga kaklase ko sa all-girl school at dun sa co-ed school, pinakiusapan ko na rin.

Hindi ko alam na may kapalit pala ‘yun.

At ang hirap nung hinihingi nilang kapalit. Kiss daw ni Mason kahit sa cheeks lang. Namroblema talaga ako nun kasi hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Sempre, sinabihan ko si Mason tungkol dun at sabi niya, problema ko daw ‘yun, hanapan ko raw ng solusyon.

Kaya nung dinayo na ako nung unang batch ng mga babae na may dala pang mga gigicam, mahinahon ko silang kinausap kahit medyo paos pa rin ako. Sabi ko sa kanila, hindi pwede ‘yung hinihingi nila dahil hindi pumayag si Mason. Aangal sana sila, pero inunahan ko na lang.

“Ano… magkamukha naman kami ni Mason. Ako nalang hahalik sa cheeks niyo tsaka magpapa-picture.

Umangal sila nang konti pero wala naman silang magawa. Better than nothing daw.

Nagalit pa rin sa’kin si Mason kahit hindi ko siya inabala. Pa’no, kumalat sa Facebook ‘yung mga pictures at akala ng marami, siya nga ‘yung nasa mga litratong ‘yun. Andami tuloy nag-request sa kanya, hehe. At kahit labag sa kalooban ko dahil malulungkot ‘yung mga admirers ni Mason, hindi ko na pinaunlakan ‘yung mga request nung mga sumunod na batch at gustong magpanggap ulit ako bilang kapatid ko.

Nung panahong ‘yon, naisip ko na sana naging lalaki na lang ako para hindi ako namomroblema kung saan hahanap ng magugustuhang babae dahil andaming magagandang babaeng naghahabol sa’kin, HAHAHAHAHA.

Sempre biro lang ‘yon. Babae po ako. Tanggap ko kung ano ako, hehe.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now