Published by Life Is Beautiful (LIB)

10.4K 259 92
                                    

Asdfawerawoghasadfadslkfaj talaga… pero tama po ang nabasa niyo. Walang halong biro. At hindi rin ito scam, hahahaha!

I’m teary-eyed and overjoyed to announce na ang pinakamamahal nating si Charlie/Charlotte/Tarlie/Buyoy ay napansin na at ipapalimbag na po. Kung kailan po ilalabas, ‘yun po ang hindi ko masasagot, dahil kanina—este kahapon lang po ako pumirma ng kontrata. Sa mga interesadong malaman kung paano nangyari ang lahat, pakibasa na lang 'yung recent post ko rin sa Iba't-Ibang Kulay ng Jebs: Ang Talambuhay ni Lels.

Pero moving on...

Homaygahd talaga. As in hanggang ngayon, hindi pa masyadong nagsi-sink in sa’kin na nag-message sa’kin ang Rights Coordinator ng LIB para sabihing interesado silang i-publish ang HAT-BABE?! Parang early this year lang, na-offer-an si Diwata para i-publish ang Miss Astig Season 1. Tapos ngayon, naranasan ko na rin ‘yung naranasan niya. Hawaan na ito! Hahaha. 

Kaya let me take this opportunity to thank each and everyone of you na naglaan ng oras para pansinin si Charlotte Pelaez at napatawa niya nang bongga. Pati sa mga na-curious lang dahil sa kakaibang acronym at title ng kanyang kwento. Sabi ko dati, I don’t write to get readers/supporters. Ngayon ko po napatunayang NAPAKAHALAGA at NAPAKALAKI po ng naitulong NINYONG LAHAT—LOUD READERS man o SILENT READERS. Hindi po mapapansin si Charlie at ang kanyang katatawanan kung hindi niyo po siya binigyan ng pagkakataong ipakilala ang sarili niya.

Sobrang salamat po talaga sa pagtitiwala niyo sa amin ni Charlie. Kahit puro katatawanan at walang katuturan ang kanyang kwento pero minahal niyo po siya. Maraming-maraming salamat din po sa mga novella comments, short but sweet comments, private messages. Naa-appreciate ko po lahat ng sinasabi niyo. Words will never be enough to express my overwhelming gratitude.

 

Gusto ko mang isa-isahin kayong lahat, ‘di ko kakayanin dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako dahil sa blessing na ito. God is good all the time talaga.

Ang tagumpay na ito ay alay ko po sa lahat ng sumuporta sa HAT-BABE?! pati sa iba pang kwentong kakabit ng stories nina Charlie at Louie lalo na po Power Ninjas na katuwang ko sa pagsusulat.

Ngayong gagawin na siyang libro at ilalabas sa mga leading bookstores nationwide... I hope Charlie can make more people smile, hehehe.

Ngayon lang po ako hihiling ng dalawang bagay sa inyo. Una: Sinabihan kasi ako ng General Manager ng LIB na paabutin hanggang 1 MILLION READS ang HAT-BABE?! Season 1. Tulungan niyo po sana akong mag-promote habang hindi pa tinatanggal sa Wattpad ang kwento niya. 

Kung gusto rin daw po nating idamay ang From A Distance aka Mason Pelaez, ganyan din po ang challenge.

Sana po kayanin nating lahat, hehehe.

Ikalawa. Suportahan din po sana natin ang kwento ng iba pang mga kaibigan ni Charlie:

Louie Kwok: Miss Astig by cursingfaeri (Book 1 to be launched in June 2014 by LIB)

Sebastian ‘Chan-Chan’ Flores: A Man’s Life by aKo_Narcisso

Lloyd Hiro Kwok: Not Your Ordinary Rich Kid by cursingfaeri

Mason ‘Mase’ Pelaez: From a Distance by (yours truly) hunnydew

Aidan Villasis: Chasing my Stubborn Princess by cursingfaeri

Hayley ‘Elay’ Lao: Hayley’s Haven by LaceyErin

Savannah ‘Van’ Wang: My Happy Ending by nimbus_2000 (formerly wyngardium_leviosa)

Neil Xander ‘Sand’ Mikado: The Fifth Son by HeyDrShinneizelle92

===

Available na po pala ang HATBABE?! Season 1 Book 1 of 2 sa Precious Pages Stores for only 109.75php :)

Hart hart sa inyong lahat. Mahal na mahal namin kayo ni Charlie.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now