Sixteen

17.7K 391 73
                                    

“Psstoy! Louie, nasan si Chan-Chan?” tanong ko sa kaniya at nagpalinga-linga ako sa loob ng classroom nila nung uwian na pero wala ang hinahanap ko.

“Oy, Charlie!” bati naman niya at napatingin sa mga bitbit kong paperbag. Sinilip niya ‘yung mga laman. “Ano yang mga dala mo? Ukay? Wala si Chang. May meeting daw.  Bakit?”

Ipinaliwanag ko sa kanya lahat pati ‘yung plano ko para sa bespren namin. Ayun, excited na excited din.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nung dumating na sa wakas ang hinihintay namin.

Tinabig ko si Louie dahil tawa siya nang tawa. “Sssh. Ayan na siya,” bulong ko bago ibinaling ang atensyon sa papalapit na kaibigan namin. “Oy! Chan-Chan!”

“Hahaha, natatawa ako eh,” pagpipigil ni Louie bago binati ang bagong-dating. “Chang, anyare sa meeting?”

 

Sinundan namin sa loob ng classroom si Chan-Chan dahil nagsimula na siyang mag-ayos ng gamit niya. Ayon sa kanya, next week na daw ang official na pagpapakilala sa mga contestants nung pageant na sinalihan ni Louie.

Napansin ni Chan-Chan ‘yung mga dala ko. “Teka Charlie, bakit andami mong bitbit?”

Napasinghal ako dahil pumasok na naman sa isip ko kung anong pwedeng maging eksena mamaya. “Darating dito si Krystal mamaya, alam mo ba?” pagsisimula ko.

Nagningning ulit ‘yung mga mata niya. “TALAGA?! Pupunta si Krystal?” Talagang pag si Krystal ang usapan, nagiging maingay si Chan-Chan.

“Oo nga! Tineks ako,” sagot ko naman na may malapad na ngiti. Madalas kasi, hindi ko na pinapaalam sa kanya kapag dumadalaw si Kyrstal. Nag-aalala kasi ako na baka mag-away kami ‘pag nalaman niyang ako ang kras ng kras niya. Ang alam kasi ni Chan-Chan, close friends lang talaga kami ni Krystal.

Bigla naman siyang nataranta at nag-ayos ng buhok. “Teka, kamusta ang itsura ko? Gwapo na ba? Baka mamaya, may dumi ako sa mukha. Maayos na ba ang damit ko?” sunud-sunod niyang tanong. Naghanap pa talaga ng pabango, mouthwash, hairbrush, sanitizer at kung anu-ano pa.

Tumawa nang malakas si Louie. “Hanep sa taranta. Naka-Downy naman siguro ‘yang damit mo. Di na kelangan ng pabango.”

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong tumawa pero ayaw talagang magpapigil ng halakhak ko. “HAHAHAHA. Gwapo ka ba? Parang mali ‘yung tanog mo, HAHAHAHA. Gusto ni Krystal ng MAGANDA,” bulalas ko at bigla akong natigilan. Kinabahan ako sa nasabi ko. Dapat talaga, hindi ko sasabihin ‘yun eh.

Pero parang wala namang epekto kay Chan-Chan ‘yun. Buti na lang! “EH? Eh, p-p-pa’no na ‘yan? Charlie, Louie, anong gagawin ko?” Hinila-hila pa niya ‘yung sleeves namin ni Louie at nagmakaawa.

“Magbigti ka na,” sabi ni Louie bago tumawa ulit. “De, joke. May plano daw si Charlie. Makinig ka na lang muna. Dami mong sinasabi.”

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now