Twenty

15.3K 360 35
                                    

Dahil sa torture na inabot ko sa pagtu-tutor ni Louie, umangat ako sa fourth section nung mag-second year high school kami, hehehe.

Tuwang-tuwa nga sila Mama at inimbita si Louie na sa bahay naman namin matulog anytime. Siyempre pati mga kuya ko, natuwa rin. May pag-asa pa raw palang tumalas ang mapurol kong utak. Tss.

Pero may isa pa palang ikinababahala ‘yung mga kapatid ko.

“Prinsesa, pwede bang ayus-ayusin mo ang pananamit mo?” minsan ay nasabi sa’kin ni Kuya Marcus. Bakasyon nun bago siya mag-Med School sa UP Manila at nag-iinuman ulit kami. Lagi pa rin kasi akong naka-loose shirt tsaka loose pants. Ewan ko rin sa kanila kung bakit madalas ‘prinsesa’ ang tawag sa’kin sa bahay. Kinikilabutan ako.

“Onga naman. Para naman may magkagusto sa’yong lalaki,” pagsang-ayon naman ni Kuya Chino.

“Pa’no magkakagusto ang lalaki dyan eh, tignan nyo nga, mas lalaki pang pumorma sa mga kaklase niyang boys,” dagdag naman ni Kuya Mark.

Eh bakit ba kasi kayo nangengealam? Gusto ko sanang silang sumbatan noon pero tumahimik na lang ako. Pagagalitan lang nila ako lalo. “Pakiramdam ko kasi, wala akong saplot kapag naka-bestida ako. Nangangati naman ako ‘pag nagba-blouse.”

“Hindi ka lang sanay,” sabi naman ni Kuya Chuck. “Sanayin mo kasi ang sarili mo. Sayang naman ang gwapo mo—este, ang ganda mo. Ikaw kaya ang pinakamaganda sa’min.”

“Malamang, siya lang naman ang babae sa’tin. Bobo ka ba?” sumbat naman ni Mark. “Bakit ‘di ka magpaturo ka kay Louie. Nagdadalaga na ‘yun binatang ‘yun diba?”

“HAHAHAHA! Isusumbong kitaaaa!!!”

“Seryoso ako, Charlotte,” sabi ni Kuya Marcus kaya tumahimik kaming lahat. ‘Pag kasi Charlotte na ang tawag niya sa’kin, alam kong malapit na siyang magalit. “Wala ka pa bang nagugustuhang lalaki?”

Tinungga ko na lang ‘yung nasa baso ko at hindi nalang sumagot. Hindi na kasi ako nagka-crush ulit pagkatapos ni Nile. Hindi naman sa naging man-hater ako. Siguro, pihikan lang.

Hindi ko na naalala kung anong sumunod na nangyari, pero kinabukasan, inaya nila akong mag-basketball. Akala ko, team game. ‘Yun pala, may binatang gustong makipagkilala sa’kin. Kumalat kasi ‘yung picture ko na suot-suot ‘yung wig ni Louie. Pero nung nakita niya ako, ayun, nag-back out. Hindi daw siya bading. Muntik tuloy nabugbog ni Kuya Marcus.

Meron ding isang beses na dumalaw si Chan-Chan kasama ‘yung isang classmate namin nung Grade Six. Pinagbihis talaga ako ni Kuya Mark ng baby-tee at shorts bago ako humarap sa mga bisita. Ayaw ko nang banggitin ‘yung pangalan nun dahil hindi maganda ang memory ko sa kanya. Naintriga lang din kasi siya dahil nakita rin ‘yung picture na ‘yon.

Pinandidilatan talaga ako nila kuya kapag hindi maayos ‘yung upo ko kahit nangangalay ‘yung mga binti ko at gusto ko na talagang iangat sa sofa. Pati pagkain ko, sinubaybayan din nila. Bawal daw punuin ‘yung kutsara, kelangan kalahati lang ‘yung laman at lunukin ko muna bago ako sumubo ulit. Badtrip kaya ‘yon! Hanggang ngala-ngala ko lang ‘yung kinakain ko kaya hirap na hirap akong mabusog sa harap nila. Tawa tuloy ng tawa si Chan-Chan. Bwisit yon.

Tapos, inaya niya akong mag-Timezone. Sempre, pumayag ako at nakabuntot talaga sila kuya. Hinayaan lang nila akong kasama siya habang naglalaro din sila nila Chan-Chan. Kahit pa’no, natuwa naman akong kasama siya. Kaso nung dun na kami sa arcade, yung Marvel vs Capcom, hindi siya manalo-nalo sa’kin. As in! Kahit hinahayaan ko nang puruhan niya ‘yung character ko, napapatay ko pa rin siya. Tapos, biglang nag-excuse siya para umihi pero di na bumalik. Ayun, todo-sorry si Chan-Chan kila kuya.

Merong ding isang time na mga kabarkada naman nila Kuya Mark ‘yung dumalaw sa bahay kasama ‘yung girlfriends nila. Napagkasunduang manood ng horror movie.

Ayun, sigaw nang sigaw ‘yung mga babae. Ako naman, tawa nang tawa. Eh sa nakakatawa eh. Bobo kasi ‘yung mga tao sa horror films. Alam naman nilang may mangyayaring masama, lalapit pa talaga. Bakit di na lang sila tumakbo? Diba?

Sinubukan na rin nila akong takutin ng gagamba, ipis, daga, palaka, uod at kung anu-anong insekto. May isang gabi rin na iniwan na nila ako sa sementeryo mag-isa pero hinatid lang ako sa bahay nung nagbabantay. Napagalitan tuloy yung mga kapatid ko nung gabing ‘yun.

“Eh kung walang weakness ‘yung kapatid niyo, bakit niyo pipiliting magkaroon? Pa’no nalang kung may nangyaring masama sa kanya?” sumbat ni Papa. “’Wag niyong piliting magbago si Charlotte para lang may magkagusto sa kanya. Hayaan niyong may magkagusto sa kanya dahil ganyan siya!”

Napag-isip-isip ko, tama nga naman ‘yun. Kaya hindi na ako pinilit nila kuya na mag-ayos babae. Pati si Mama, hindi na rin ako pinipilit dahil napagod na rin yata kakasaway sa'kin. Si Kuya Marcus lang talaga ang makulit, buti nga naging busy 'yon sa med school eh, heheh.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now