END...

15.7K 448 265
                                    

AY! AY!!! May nakalimutan ako!!!

Bago pala namin binisita si Hiro, napagkasunduan namin ni bespren Louie na sorpresahin si bespren Chan-Chan. Anong surprise namin? Matutulog kami sa kanila! Hehehe.

Hindi kasi nagpapatulog ‘yun sa kanila eh. Enko kung bakit. Sa totoo lang, di pa nga ako nakapasok sa kwarto non. Hanggang sala lang ako kahit pa gabihin kami sa panonood ng anime. Kaya pagkakataon na naming makita ang tinatago niya, muhahaha!

Maagang dumating si Louie sa bahay namin kaya naistorbo ‘yung pagkain ko. Naghahapunan kasi kami nung dumating siya tas sabi ba naman, aalis na raw kami! Buti nalang pinakain ulit kami ni Tita nung pinapasok na kami sa bahay nila, hehehehe.

“Bakit pala kayo napadalaw at nakapantulog pa?” tanong ni Tita sa’min habang pinapanood niya akong kumain nung luto niyang adobong manok. Naka-pajama na kasi kami nung sumugod kami kila bespren. Nanghiram pa nga sakin ng teddy burr si Louie para raw may props, hehehe.

Si Louie na ‘yung sumagot sa tanong. “Ahh, nag-promise po kasi si Chan-Chan ng slumber party bago kami magkahiwa-hiwalay sa college.”

Kaya pagkatapos kong kumain, pinapunta na kami ni Tita sa kwarto ni Chang. Humahagikgik pa kami nung sabay kaming kumatok sa pinto niya.

“Mom! Hindi pa nagda-dry ang—“ sabi nung nagbukas ng pinto. Tapos sinara ulit. Tapos binuksan ulit. Tapos sinara. Paulit-ulit.

Alam ko si Chan-Chan ‘yung nagsalita kasi kaboses niya. Gusto ko na nga rin sanang salakayin eh. Pero nagtaka ako dun sa itsura niya kasi, parang may puting kung ano ang nakalagay sa buong mukha. Akala ko nga multo ulit ‘yung nakita ko eh. Tinanong ko pa si Louie kung sino ‘yun eh, di rin naman niya alam.

“Charlie, kayo ba ‘yan ni Louie?” tanong niya sa pagitan ng napakaliit na siwang ng pinto tapos nakapatay pa ‘yung ilaw. “Anong ginagawa niyo dito. Gabi na ah.” ‘Yung tono niya, gusto na talaga niya kaming pauwiin.

Pagkatapos siyang bantaan ni Louie na magsusumbong at ng matagal na paghihintay namin sa labas ng kwarto niya, nakapasok na rin kami sa wakas!

Kaso, na-curious ako sa laman ng kulay pink niyang kwarto. May isang malaking parte kasi na nakatakip ng kurtina kaya nilapitan ko. “Bespren ano ‘to?” Tapos hinawi ko ‘yung kurtina.

Halos hindi makahinga si Louie sa kakatawa, pero ako, namangha talaga ako! Kasi… kasi… ANDAMI NIYANG STUFFED TOYS! Marami rin siyang Barbie tapos may bahay pa ni Barbie! Tapos, may maliit na lamesa na may maliit na upuan na may mga platito at tasa!!! Hindi ko alam kung bakit tinago niya sa’min ‘yon. Nakakatuwa kaya.

Pinaupo ko sa palibot nun ‘yung mga teddy burrs ni Chan-Chan tapos nagbahay-bahayan kami nina… Pen-Pen, Kleng-Kleng, Ton-Ton, Mik-Mik – ang wirdo ng pangalan ng mga manika niya. Parang pangalan lang niyang inuulit-ulit.

Sa totoo lang, medyo nainggit ako sa mga laruan niya. Pero onti lang naman. Naisip ko nga, bakit hindi ako binilhan ng bahay-bahayan o kaya lutu-lutuan nila Mama. Pero onga pala, baka masira lang nila Kuya. ‘Yung kaisa-isang Barbie ko nga dati, hindi ko pa nalalaro, lasog-lasog na dahil pinagbabaril namin eh, hehehe. Tsaka wala rin naman akong kalaro ng manika kung sakali.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now