Forty-Five

12.2K 304 75
                                    

Sa kasagsagan ng pagpapraktis namin para sa intrams, idinaos din ang Buwan ng Wika. Tulad ng nipramis ng mga kaklase ko, naipanalo namin ‘yung Sabayang Pagbigkas. Nag-alala nga ako nun kasi lagi nalang kapag nagpapraktis kami, puro kalokohan at katatawanan ang lumalabas.

Pero habang nasa stage silang lahat tas ako ‘yung kumukumpas sa baba para alam nila kung kelan sila magpo-pause, nagulat ako kasi seryoso talaga sila. Sabi nga nila Chan-Chan, kinilabutan sila sa performance ng Section 2 eh, hehe. Kaya nga proud na proud ako sa kanila. Imagine, natalo namin ang Section 1! Hehe. Sempre, bragging rights yon!

Ah, ano ‘yung piyesang pinaglabanan namin? ‘Sino Ako?’ ‘yung pamagat nung tula, tapos sinulat ni Cervantes Javier. Kanya-kanyang diskarte kasi bawat section kung paano i-interpret ‘yung tula. Kaya ang ginawa namin, hinati namin ‘yung klase sa dalawang grupo tapos sagutan. Pinakagusto ko ‘yung parte ng…

ALL: “Nakikinig ako sa mga sinasabi ng kaibigan…

‘Kung ako ang paksang kanilang usapan;

Ngunit waring bingi!”

GROUP 2: “ANO?”

GROUP 1: “BINGI!”

GROUP 2: “ANO?!”

GROUP 1: “BINGI!”

ALL: “BINGI SA IBA PANG MGA BAGAY!”

Basta! Makabagbag-dangdamin talaga ‘yung porpormans nila! Namangha nga rin ako eh. Tinaob namin ‘yung ibang sections na may sabog-sabog confetti pang nalalaman o kaya face paint ganyan. Habang kami, naka-uniform lang talaga.

Kaya na-pressure ako sa Malikhaing Pagkukwento. Sempre, mag-isa ko lang ‘yun di tulad nung Sabayang Pagbigkas na kasama ang buong klase.

‘Yung piece naman na i-interpret namin, maikling Pabula – ‘yung puro hayop ang tauhan. Sa English, ‘fable’. Ang pamagat, ‘Ang Palaka at ang Uwang’. Tungkol siya sa pananaig ng kabutihan laban sa kasamaan. Sabi ni Ser Eusebio, ‘yung Filipino teacher namin, kahit hindi raw bawat salita ang i-memorize namin. Basta ‘yung thought daw, nandoon.

Ano ‘yung kwento? Ahhh… ang pagkakaalala ko, nasa isang hardin malapit sa batis nakatira ang magkakaibigang sila Palaka, Gagamba at Susuhong nang biglang dumating si Uwang at ginulo niya lahat. Bully ‘yon eh! Akalain niyo, sinusuwag nalang basta si Susuhong. Nalaglag tuloy siya dun sa batis. Tas ‘yung sapot na ginawa ni Gagamba, sinira din niya! Tas si Palaka, di rin nakatakas dahil tinusok siya ni Uwang!

Grabe talaga! Nung binabasa ko nga, naaalala ko si Hiro at ang pambu-bully na ginagawa niya sa’kin. Swak na Swak kasi talaga sa kanya si Uwang. Siyang siya ‘yun eh!

Pero nagulat ako sa ending nung kwento. Kasi, hinamon ni Palaka si Uwang sa isang paligsahan. Nagpatianod sila ng malaking dahon sa batis tas unahan silang makatapak don. ‘Pag daw natalo si Uwang, aalis siya don. Edi naglaban nga sila. Ang kaso, sabay silang nakatapak sa dahon! Pero sa bigat nilang dalawa, lumubog ‘yung dahon, tas natangay ng agos si Uwang.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now