Eight

20.7K 496 119
                                    

Grade Five ako nang maging regular player ako ng Softball Team sa school namin.

Mas gusto ko sana ng basketball dahil ‘yon madalas ang nilalaro namin ng mga kuya ko. Sa kasamaang-palad, hindi raw larong pambabae ‘yon. Ang pagpipilian lang na sport sa school namin, volleyball o kaya softball.

Huli na kasi no’ng magta-try outs sana ako sa softball no’ng Grade Four ako. Nakumpleto na kasi yung line-up nila. Kaya napasali ako sa volleyball nang hindi oras kahit hindi ko trip. Mas gusto ko kasing gumalaw-galaw at hindi ‘yong nakatengga lang. Nagkakasakit ako kapag wala akong ginagawa.

 

Nayamot ako sa volleyball dahil walang interaction yung parehas na kupunan. ‘Yong magkakakampi lang ang nag-uusap. Hindi tulad sa basketball, pwedeng makipag-trash talk sa bantay. Ang saya kaya no’n basta walang pikon.

Turo sa’kin ng mga Kuya ko, ang pikon, laging talo. Laro lang naman eh. Nasa’yo kung magpapaapekto ka o hindi. Kailangan mo lang talagang ipakita ang galing mo. Kapag nanalo, edi masaya. Paghahandaan ng kalaban ang muling pagtutuos niyo dahil nalaman na nila ang kakayahan mo. Kapag natalo, edi natalo. Alam mo na kung saan ka nagkulang nang ma-improve ang sarili.

Ang totoo niyan, sinubukan kong makipag-trash talk sa volleyball. Nag-spike ako no’n, di nasangga nung blocker ng kalaban. Inangasan ko.

“Ano ha? Wala ka pala eh,” malakas na pagmamayabang ko.

Biglang pumito ‘yong PE teacher namin. “Number five! You’re out!”

 

Hindi ko naman kasi alam na bawal pala ‘yon. Ang KJ ni Ma’am. Nagalit tuloy ang team mates ko sa’kin dahil Championship ‘yon nung Intrams no’ng Grade Four ako. Talo tuloy kami dahil nawalan sila ng spiker. Boo.

Kaya nang gumradweyt ‘yong isang softball player sa main line-up, nagpakitang-gilas na talaga ako. Naging best batter pa tuloy ako, hehehe.

Pinag-aagawan talaga ako ng mga teams dahil tiyak, mananalo ang kupunan ko. Sa lakas kasi ng mga bisig ko, dala na rin ng pakikipag-wrestling at pakikipagsuntukan kila Kuya, walang palya ang homerun kapag ako ang may hawak ng bat. Kaya lagi rin akong fourth batter para laging tambak ang kalaban.

Sa kamalas-malasan lang talaga, hindi ako nakalaro sa inter-school softball competition.

 

Sumakit kasi ang tiyan ko nung mismong araw ng palaro. Kaya dismayadong-dismayado ang buong pamilya ko nang iuwi nila ako dahil namumutla na ako.

“Ano  na naman ba kasi ang nakain mo?” tanong ni Mama nang makauwi kami at inihiga ako nila Kuya  Chuck sa kama. “Uminom ka na naman ng Chocolate pagkatapos mong kumain ng mangga ‘no?” pag-uusisa niya. Alam kong nag-aalala siya sa’kin, pero parang may halong inis. Nagpagawa na kasi sila ng tarpaulin at isinabit na yo’n sa labas ng gate namin. Kampanteng-kampante na sila na kami ang magwawagi. Pero dahil nga ‘di naman ako nakalaro, binaba na nila ulit ‘yon.

“Hindi ko nga po alam eh,” ungol ko naman habang nakabaluktot.

“Baka naman tae lang ‘yan na hindi mo mailabas,” sagot naman ni Kuya Chino. “Tumae ka muna kaya?”

Sinunod ko na rin ‘yong mungkahi ni Kuya. Humihilab na kasi ‘yong tiyan ko.

Pagkaupo ko sa trono, agad kong napansin yung kulay brown sa underwear ko. Patay! Natae nga yata ako! Nakakahiya! Grade Five na tapos natae pa?! Pa’no na ‘to? Masama na nga ang pakiramdam ko, pagagalitan pa ako ni Mama.

Hinubad ko na ‘yong salawal ko. Lalabhan ko na lang kesa bulyawan pa ako ni Mama.

Pero pagkatayo ko papunta sana sa lababo, nagulantang ako dahil may dugo na sa inodoro. Sa’n nanggaling yo’n?!

Hawak-hawak ko na ‘yong salawal at underwear ko nang may naramdaman akong tumulo sa hita ko.

Pagyuko ko.. DUGO NGA!

NAGTATAE AKO NG DUGO!

“Mama!!! MAMAAAAA!!!” palahaw ko at pinasok nila akong lahat sa banyo.

“Anong nangyari sa’yo?!” bungad ni Mama.

“NAGTATAE AKO NG DUGO!!!” umiiyak kong sagot.

Pero tinawanan lang talaga ako ng mga Kuya ko saka sila tumalikod. Si Mama naman, humagikgik din. Saka niya ipinaliwanag sa’kin kung ano ang nangyayari.

Malay ko bang ‘yon na pala ang simula ng buwanang dalaw ko. Kulay brown ba talaga sa una ‘yon?!


 

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now