1: The Wedding

4.5K 154 8
                                    

Chapter 1: The Wedding



"You are so beautiful." puri sa akin ng aking ina habang tinitignan ang repleksyon ko rito sa salamin ng aking silid.

Suot ko ang isang napakahaba't kulay puting damit na pinapangarap suotin ng mga kababaihan. Ang damit pangkasal.

Araw ngayon ng aking kasal ngunit hindi ako masaya. Ni kaunti, hindi.

Gusto kong magreklamo pero wala akong magagawa dahil desisyon ito ng buong pamilya.

Desisyon nilang ipakasal ako sa pinsan kong si Franco. Yun lamang daw ang tanging paraan para hindi mawala sa amin ang kayamanan at ari-arian na pinaghirapan ng aming pamilya.

I don't really get their concept about this f*cking marriage but I am the who's being pushed.

"Mom..."

"Ready yourself, everyone's waiting for you." Hindi pa ako nakakapagsalita nang putulin agad ito ng aking Ina.

Nauna siyang lumabas sa silid ko at naiwan akong mag-isa.

I smiled bitterly. This situation is a total bullsh*t!

Binuksan ko ang aking drawer at dinukot ang isang bagay na pinapahalagahan ko simula pagkabata.

It's an arrow without a bow. Bata palang ako nang ibigay ito sa akin ng aking namayapang lola Leonora.

"Where could your arrow be?" tanong ko sa palasong walang pana.

Napangiti nalang ako sa aking naisip. Itinusok ko ang palaso sa gilid ng aking mahabang gown bago lumabas ng aking silid.

Dahil sa garden lang ng mansyon namin gaganapin ang kasal, inaasahan ko nang maraming tao ang naghihintay sa akin sa baba.

Sa bawat hakbang ko pababa sa hagdanan namin, ramdam na ramdam ko na iba't-ibang pares ng mga matang naghihintay sa akin. Lahat sila ay nakatuon lamang ang tingin sa akin at ang iba sa kanila'y nakikipagbulungan sa kanilang mga katabi nang hindi inaalis ang mga tingin sa akin.

Tsk! Parang ngayon lang sila nakakita ng babaeng kasing ganda ko.

Dahandahan akong bumaba ng hagdan dahil gusto kong maghintay silang lahat ng matagal.

"You're stunning." puri ng pinsan kong si Joanne nang madaanan ko siya'ng nakasandal sa may pintuan.

She's beautifully wearing white dress. Everyone in this place is wearing white actually.

I know right. I am always stunning.

Nakatuon parin ang atensyon ng lahat sa akin.

What I hate the most is attention.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa gitna ng mga mapanuring mga mata ng mga tao sa paligid ko. Are they waiting for any mistake that I'll commit? Pathetic.

Malapit na ako sa aisle ng garden kung saan naghihintay ang karamihan. Masmaraming pares ng mga mata na naman ang titingin sa akin. Naghihintay din doon ang mapapangasawa kong si Franco.

Hinigpitan ko ang hawak sa dala kong bouquet ng puting rosas. Kinakabahan ako. Fuck!

I don't want to do this. But I don't want to ruin my family's happiness.

Nasa mismong venue na ako ng kasal at mabagal naglalakad sa gitna ng aisle. Hindi maalis ang atensyon nila sa akin.

Nakita ko ang pinsan kong si Franco sa dulo ng aisle at hinihintay ako. Kagaya ko ay napilitan din siya sa kasal na ito. Alam kong gusto rin niyang umiwas pero wala siyang magagawa.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon