47: Warmth

949 53 2
                                    

Apat na mandirigma na ang aming natagpuan, hindi ko alam kung ilan pa sila ngunit nagpapasalamat ako sapagkat kahit papaano ay hindi sayang ang paglalakbay namin ni Ares.

Isang masigabong kainan ang inihanda ng buong kaharian ng Mycenae. Ang kanilang haring si Agamemnon ay pumayag na sa alok na sumama sa aming paglalakbay upang hanapin ang nalalabing mga mandirigma.

"Lahat ng gusto mo ay susundin ko sapagkat hindi ko kayang higitan ang kakayahan ng diyos ng digmaang si Ares," sabi pa nito kanina at pinangakong gagawin niya ang lahat upang makatulong sa paghupa ng digmaan.

Kasalukuyan paring nagkakaroon ng kasiyahan sa buong lugar dahil sa pagsalubong sa amin. May mga magigiliw na tugtugan at sayawan ng kanilang magagandang dilag.

Nakangiti ako habang sinasabay ang pagpalakpak ng aking kamay sa birit ng tugtugin.

"Mabuti naman at hindi na siya masyadong nakadikit sayo."

Napatingin ako sa katabi ko ngayong si Ares na nanonood din sa mga nagtatanghal. "Sino?"

"Telemachus," iritadong banggit nito sa pangalan ng bata.

Hindi ko alam kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ng bata sa lalaking ito at bakit ganon nalang ang galit niya.

"Tulog na siya ngayon, nasa loob."

Nagulat ako nang bigla nalang ding tumayo si Ares at hawakan ang kamay ko at hilahin palabas ng lugar.

Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang dalhin ako sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Tumigil kami sa gitna ng isang tulay sa lawa kung saan tanging liwanag lamang ng mga maliliit na sulo at alitaptap ang nagbibigay ilaw.

Ngayon ay magkaharap na kami ni Ares. Walang imik kong tinignan ang makisig niyang mukha. Hindi maipagkakailang isa ngang Olympian ang lalaking ito.

"Noong binalik ka ni Athena, wala ka bang naaalala? Wala bang bumabagabag sa iyo?" diretsong tanong nito sa akin.

"Uh--- everything was weird and vague so... medyo? I guess?"

"Wala ka bang naaalalang napunta karin sa mundo namin noon?"

"Meron ba? Uh--- hindi ko alam. Ang alam ko lang ay may kakaiba---"

"Angelica," napalunok nalang ako at napasinghay nang banggitin na niya ang pangalan ko sa ganoong tono.

"Okay. Pinaalala sa akin ni Athena ang lahat, I was killed and---"

"Kasalanan ko."

"No! It wasn't your fault Ares!"

"I am cursed Angelica!"

"And so am I! Wala akong magawa! Gusto kong tumakas sa kung anong sumpa man ang meron ako pero hindi ko alam kung paano! Noong nasa mundo palang ako ng mga mortal pinipilit nila akong gawin ang bagay na hindi ko naman gusto at ngayon... hindi ko alam kung kakayanin ko ba rito... Ares---"

Ayan na at hindi ko na naman mapigil ang sarili kong mata na mahula.

Walang nagawa si Ares kundi ang yakapin ako. Yakapin ako ng mahigpit.

"Tulungan mo ako Ares," pakiusap ko sa kaniya.

"I'll always be here. We're in this war together."

"Ayokong maging pabigat sa'yo."

"You are my source of strength. I am fighting for you. I want to see you smile after this chaos. I want to see your success and I want to be by your side, always. I want you to stay, Angelica."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon