54: The Root

829 48 2
                                    

Hindi maiwasang hindi matulala habang nakaupo sa dalampasigan.

Ilang araw na nga ba kaming hindi nagkikita ni Ares. Nakakayamot naman. Sabi niya ay hawakan ko lang ang kwintas na bigay niya ay darating siya. Tama nga si Eris, ang batas ng kalawakan ang siyang laging masusunod.

Ngayon ay sumusulat ako sa aking nararamdaman. Isinulat ko sa isang kapirasong papel ang nararamdaman kong takot sa mangyayari sa digmaang ito, pighati para sa desiyon kong pagpili na bumalik kay Ares, pangamba sa mga posibleng mangyari, saya at galak dahil alam kong hinihintay ako ng aking pinakamamahal.

Ares must be waiting for me in Olympus. Agad kong isinilid sa isang bote ng alak ang aking sulat. Ang boteng iyon ay nakuha ko pa sa mga alak na ininom nila Agamemnon kanina.

"Angelica," napaligon ako sa boses na tumawag sa akin.

"Achilles, bakit?"

"Handa ka naba?"

"Everything is well planed. Handa na ako," ngiting sagot ko sa kanya.

Ilang sandali nalang ngayon ay matatapos na ang napagkasunduang oras ng dalawang panig para sa hiling na kapayapaan. Ilang oras narin ngayon ay tatanggapin na nila ang regalong ibibigay namin.

Third Person's Point of View

Umaga na at gaya ng napagkasunduan ng dalawang panig ay magkakaroon na ng kapayapaan sa kanilang lugar. Ang lahat ng barkong pandigma ng mga Achaeans ay nagsimula nang maglayag pabalik sa kanilang lugar at iniwan ang kanilang regalo para sa Troy.

Kasama ng iba pang mga sundalo at tagasunod ay lumabas si Haring Priam ng Troy at ang kaniyang mga anak na sina Hector, Paris at Ashbelle.

Naabutan nila sa labas ang pangakong regalo sa kanila ng Achaeans. Isang napakalaking rebultong kabayo na gawa sa kahoy. Ilang talampakan din ang taas nito na tinitingala nila ngayon.

"Maaari ngang ito ang regalo nila sa atin at alay sa mga diyos ng Olympus para sa kapayapaan," sambit ng Haring si Priam.

"Ama, sunugin na natin ang bagay na iyan," sabi pa ni Prinsipe Paris.

"Naririnig mo ba sinasabi mo Paris?! Alay iyan ng mga Achaeans sa mga diyos ng Olympus, marapat nating tanggapin ang bagay na iyan at magkaroon ng malaking selebrasyon."

Gustuhin man ng Prinsipeng si Paris na ipasunog ang rebultong kabayo na bigay ng mga Achaeans ay wala siyang magawa sapagkat matibay na ang pasya ng kanilang Amang Hari.

Ipinasok nila ang malaking bagay na iyon sa kaharian ng Troy at nagsaya para sa kapayapaan at pasasalamat.

The Trojan HorseSource: Pinterest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Trojan Horse
Source: Pinterest

Maghapon at magdamag ay ginugol ng mga taga Troy sa pagsasaya. Labis silang nagagalak sa panibagong buhay sa kapayapaan.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon