7: Knight

2.1K 120 24
                                    

Chapter 7: Knight



"No. Tanggap mo na ba ngayon ang relasyon namin ni Ares?"

Agad akong napalunok sa sinabi niya. Tanggap? Ibig bang sabihin hindi pa natanggap ni Eris ang relasyon ng kambal niya sa babaeng ito?

Malamang oo. Ayoko rin namang mapunta lang ang magandang babaeng ito sa walang kwenta kong kakambal na si Ares no!

"Well, no! I won't!" kyeme kong sagot.

Kung ayaw ng totoong si Eris ang relasyon ni Ares at Aphrodite. Edi hindi narin ako papayag, baka kasi pagbalik ni Eris dito sa katawang diyosa na ito magugulat nalang siya na tanggap na niya ang relasyon ng dalawa.

Nagulat ako nang bigla nalang ngumisi si Aphrodite. A kind of bitch smile.

Woah! Nakakatakot din, iba talaga ang dating ng diyosa ng kagandahan.

"Really? Are you sure with that Angelica?"

Agad akong napaatras sa gulat ng tignan ako ni Aphrodite sa aking mga mata nang bigkasin niya ang totoo kong pangalan.

Ang pangalan ko bilang mortal. Shit! How did she know my name?!

Alam niya ba na hindi ako si Eris?!

How?!

"W-what?" kabado kong tanong dito.

Ano?! Stalker ko itong si Aphrodite? Ba't niya ba alam ang totoo kong pangalan ha?

"Why are you so startled? Hindi ka ba sanay na tawaging Angelica?" nakangising tanong pa nito.

Hello?! Sanay na sanay akong tawaging Angelica no! Mas hindi ako sanay na tinatawag akong Eris.

Ba't ba kasi ako napunta sa lugar na ito?

"N-not really." kamot ulong sagot ko.

Nakakainis! Pakiramdam ko ayaw na ayaw kong kausapin itong si Aphrodite e, siguro ganitong ganito rin ang totoong Eris. Ayaw niya kay Aphrodite.

"Well, you don't deserve to be called angelic tho. So don't expect someone to call you angelica Eris because no one will. You're not angelic remember that." mataray naman nitong sabi.

Jusko! Kahit nagtataray na siya malaanghel parin naman ang mukha niya. Nakakainis!

Pero ang ibig niya bang sabihin sa Angelica kanina ay angelic? Hindi niya talaga ako tinawag sa totoo kong pangalan? Hayss, mabuti naman kung ganon.

"It's fine, I don't need to hear someone calling me angelic tho just to measure my self worth." mataray ko rin namang sagot.

Bakit ha? Akala niyo ba kayo lang yung marunong magtaray ni Athena? Hmp! Pareparehas lang kayo masyadong malalaki ang ulo.

Maganda rin naman itong si Eris ah, astig nga kasi kahit sobrang ganda at hinhin niyang tignan ay kaya niya palang sumabak sa bakbakan. Oh diba? Sa'n ka pa?

Muli ay ngumiti ang napakagandang si Aphrodite "Alam mo na bang hindi ka imbetado sa kasal?"

"I know." ngiwing sagot ko naman.

Kailangan talagang ipamukha nila sa akin na hindi ako kasali sa kasiyahang iyon? Psh! Kung ayaw nila akong isali edi wag!

"Kaya siguro hindi ka pa nagkakaroon ng kasintahan hanggang ngayon Eris dahil isinumpa ka. You're the Goddess of strife, you're worse than Ares."

E ano naman ngayon?

"Wala akong pake." walang gana ko namang sagot at inirapan siya.

Aba! Aba! Plastikan din pala ang gusto ng babaeng ito ha kagaya ni Athena. Pwes! Pagbibigyan ko siya!

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now