21: Threshold

1.7K 74 74
                                    

This is Trojan War.

A big war between Achaean (Greeks) and the city of Troy. This involves the royals, politicians, civilians and the olympians.

It started from the wedding of Thetis and Peleus where I, Eris wasn't invited. I hurts my ego tho, making me create such discord that could ruin the solemnity of the wedding. An apple that makes friction between Athena, Hera and Aphrodite.

Dahil sa labis na pagtatalo ng tatlong diyosa ay napagdesisyonan ni Zeus na gawing hurado ang binatang si Paris, prinsipe ng Troy upang husgahan kung sino talaga ang nararapat na makakuha ng mansanas na iyon. Sinuhulan si Troy ng mga diyosa ngunit ang suhol na tinggap niya ay ang suhol ni Aphrodite kaya naman kay Aphrodite niya binigay ang mansanas.

Ang suhol ni Aphrodite ay ang Reynang si Helen na asawa ni Menelaus na hari ng Achaean. Dahil sa utos ni Aphrodite sa anak niyang si Eros na diyos ng pag-ibig ay tuluyan ngang nahulog ang loob ng napakagandang reyna sa binatang si Paris at piniling makipagtanan dito papunta sa bayan ng Troy.

Nagalit ang asawa ni Helen na si Menelaus kaya naman napagdesisyonan niyang kunin ang asawa sa diplomatikong pamamaraan ngunit nabigo ito dahil tinulungan ni Aphrodite si Paris. Ngayon ay napilitan ang haring si Menelaus na kunin ang asawa ng sapilitan kasama ang mga mandirigma at mga taong may matataas na kapangyarian sa Achaean ay inilabas niya ang pinakamalalaking barko upang magtungo sa bayan ng Troy upang pabagsakin ito at makuha niya ang asawa.

And their voyage towards the city of Troy is starting right now with Achaean's biggest ships.

Magbubukang liwayway palang at nakatayo ako ngayon sa may daungan upang hintayin ang barkong sasakyan ko. Syempre isa ako sa mga tutulong upang pabagsakin ang Troy.

Hindi naman sa may kinakampihan ako sa dalawang panig, sadyang gusto lang talaga ni Ares na sumabak kaming pareho sa gyera. Ewan ko ba, masyadong mapanggulo ang utak nitong si Ares. Masyado siyang marahas at padalosdalos kung mag-isip.

Habang inihahanda nila ang malalaking barko ay nakatingin lamang ako, saka wala namang alam ang mga sundalo ng Achaean na sasama ang diyosang si Eris, na ako. Sinabi kasi ni Ares na wag na daw ako magsabi para magulat sila. Ewan.

Nakasuot ako ngayon ng isang kulay itim na talukbong upang walang makamukhang sundalo sa akin. Hmp! Mukha akong magandang mangkukulam sa suot kong ito.

"So you're here." agad akong napatingala nang may biglang tumabi sa aking babae na nakasakay sa isang puting kabayong pandigma.

Gosh! It's Athena. Sigurado talaga ako na sasama itong si Athena upang sugurin si Paris kasi naiinis siya kasi hindi sa kaniya binigay ang mansanas, hmp!

"Pake mo ba?" mataray na sagot ko naman sa kaniya.

Hmp! Kakasimula pa lang ng gyera na ito ay narinig ko na ang mga usap-usapan tungkol kay Athena at kay Ares na diyos at diyosa ng digmaan. Si Athena kasi ay pinupuri nila dahil sa sobrang talino nitong magplano para sa matagumpay na digmaan samatalang si Ares naman ay sobrang lakas pero puro sugod lang ang nagagawa at wala siyang kwenta at walang utak dahil hindi siya marunong magplano.

Wala talagang kwenta ang Ares na iyon.

"Well, good for you. Eris," ngisi ni Athena at nauna nang sumakay ng barkong kadadaong lang.

Good for you, your face! Hmp! Kala mo ah, maputi ka lang ng kunti sa'kin masmaganda parin ako!

"Bal!" agad naman akong napalingon nang may isang lalaki ang agad na tumabi sa akin.

Hindi na ako nagsalita. "Diyan tayo sasakay," sabi nito at agad na tinuro ang barkong sinakyan ni Athena.

Hmp! "Ayoko!" sagot ko naman.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now