30: Cry Of Misery

1.3K 73 57
                                    

The memory was so vivid. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na hinalikan ni Aphrodite si Ares sa loob ng bahaybahayan ko.

I was just five that time but hell! Sobrang sakit non. Para akong pinana ng napakaraming palaso sa katawan ko. Wala pala talagang pinipiling edad ang pag-ibig.

And here I am running fast, running towards that Ares.

Tumakbo na ako ng mabilis hanggang makadaan ako sa isang tulay at doon ako napatigil nang makasalubong ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nagmamadali ngayon.

"A-Angelica," hirap na sabi nito habang nakangiti at may dalang makapal na kasuotang pan-nyebe.

"A-Ares?" singhap ko nang mapansin ang gintong dugo na lumalabas ngayon sa kaniyang bibig.

Agad akong humakbang papalapit sa kaniya at napahawak sa dibdib niyang may tama ng palaso ngayon. Umaagos rin mula rito ang dugong natamo niya dahil sa malalim na pagkakabaon nito sa kaniyang dibdib. Nanginginig ako.

"A-anong n-nangyari?" nanginginig na tanong ko.

"Bakit mo nagawa sa'kin 'to?" agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano? Bakit ako?

Napaupo nalang ako nang biglang napaluhod si Ares. Nanghihina siya ngayon.

"A-Ares, tell me what happened?!" nanginginig kong tanong sa kan'ya.

"I t-told you to s-stop seeing t-that person," he said while looking at me.

Hinawakan ko ang dulo ng palasong nakabaon sa kaniya ngayon ngunit napasigaw nalang siya dahil sa sakit ng ginawa ko.

"I-I'm sorry," nanginginig na paumanhin ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga.

"A-Ares," tanging pagtawag nalang ng pangalan niya ang nagawa ko. Nakikita ko sa ekspresyon niya ang sakit na dulot ng malalim na pagkakabaon ng palaso sa dibdib niya.

Ano bang nangyari?

"Ares," agad akong napalingon sa isang babaeng bigla nalang ding dumating.

Isang napakagandang babaeng nakasuot ng mahaba't kulay pulang kasuotan. Si Aphrodite.

Agad siyang lumapit kay Ares dahilan upang mapaatras ako ng kunti at lumayo kay Ares ngunit bigla nalang din akong napatigil nang tignan ako ni Ares sa mata at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"D-dito ka lang," sabi pa nito.

Napatahimik nalang ako at napahawak nalang din sa kamay niya.

"What happened?" kalmadong tanong sa akin ng diyosa.

I shrugged. "I don't know."

"S-stay Angelica, stay." tangi at paulit-ulit na bulong ni Ares habang nakahawak parin sa kamay ko kahit nahihirapan na siya ngayon.

Kunot noo naman akong tinignan ni Aphrodite dahilan upang mapaiwas ako ng tingin. Ang ganda niya masyado, wala akong laban. Alam kong maganda rin naman ako pero... Huhu, ano kayang skin care routine nitong babaeng 'to?

Napatingin nalang ako at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Ares. Walang tigil sa pag-agos ngayon ang kaniyang dugo ngunit hindi parin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

"A-Angelica stay," paulit-ulit na sambit nito.

"Who the h*ll is that Angelica?!"

Agad akong napalunok nang tanungin iyon ni Aphrodite. Jusko! Baka mabulilyaso pa na hindi ako si Eris.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now