5: Partners In Crime

2.4K 109 46
                                    

Chapter 5: Partners In Crime




Nagsimula kaming maglakbay ni Ares patungo sa aming destinasyon.

Tahimik naming tinatahak ang landas nang bigla niyang basagin ang katahimikan. "Eris, isa kang diyosa at kailan man ay walang sino mang masmababa sayo ang tatanawin mo ng utang na loob. Tandaan mo 'yan." seryosong saad nito.

Para niya naman akong pinapangaralan niyan dahil sa sinabi ko kay Raphael kanina.

Akmang sasagutin ko na sana siya nang bigla nalang dumilim ang paligid. Sa isang iglap lang ay napunta kami sa isang napakadilim na gubat.

Ito na ba ang simula ng isang matindig bakbakan?

"Bal malapit na tayo." mahinang saad ni Ares at bumaba sa sinasakyan niyang kabayo.

"Tangina, bumaba kana rin diyan!" mahinang sigaw nito sa akin kaya bumaba nalang din ako.

"Kelan ka pa ba naging bobo sa pakikipaglaban ha?" nagtatakang tanong ni Ares.

"Kala mo naman ang talino m—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya.

"Ssshh!" agad kaming nagtago sa isang malaking punong kahoy nang makarinig kami na sunod sunod na ingay ng takbo ng mga kabayo.

Hindi pa inaalis ni Ares ang kamay niya sa bibig ko habang nagmamatyag sa mga dumadaang mga sundalo.

Shit! Kinakabahan ako, totoo ba talagang makikipaglaban ako ngayon? Talagang hindi ko alam kung ano ba ang mga dapat kong gawin.

Napatingin ako bigla sa mukha ni Ares, sobrang lapit lang ng mga pisngi namin sa isa't-isa kaya napalunok ako ng laway. Shit! Angelica ba't mo naiisip na ang gwapo nitong kakambal ni Eris?!

Kakambal mo siya at isa pa wala siyang kwentang diyos ng digmaan.

Lalo akong kinabahan nang hawakan ni Ares ang bewang ko at mas lalo kaming nagkadikit. "Malapit lang sila sa atin." bulong nito.

Tangina! Ba't parang napakamatipuno ng boses niya?

Isang malaking kahibangan ito.

"Tara na!" agad na bumitaw si Ares sa pagkakahawak sa akin kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

"Huy! Ano pang ginagawa mo diyan?" kunot noo akong tinignan ni Ares dahil nanatili lang akong nakasandal sa kahoy habang nakahawak sa dibdib kong parang lumulundag sa lakas ng pagkabog.

"Teka lang! Ang atat mo naman ata masyado!" reklamo ko sa kaniya.

"Atat ko 'yang mukha mo! Baka maunahan pa tayong patayin yung mga walang kwentang kaaway kaya wag ka ngang magpakatanga diyan!" agad na hinigit ni Ares ang kamay ko para mapasunod ako sa paglalakad niya.

"Bumalik ka nga sa katinuan mo Eris!" naiinis na bulong nito sa akin.

Hayss. Pasensya na talaga Ares dahil wala talaga akong kaedi-ediya sa dapat kong gawin.

Sinundan ko lang si Ares sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang maliit na pamayanan.

Maraming maliliit na mga bahay rito ngunit napakatahimik. Parang wala ni isang tao sa mga bahay na ito. Ano bang nangyari rito?

Lumingon lingon ako sa paligid ngunit wala talaga akong nakitang tao ni isa.

"Fuck!" mura ko nang may bigla nalang isang matalim na dagger ang dumaan sa harapan ko at nadaplisan ang aking mukha.

Agad na napalingon si Ares sa akin at sinabing "Nagsisimula na sila, magsimula narin tayo." nakangising saad nito.

Ngayon ay may hawak na siyang dalawang espada sa magkabilang kamay. "Let's play strife Eris!"

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now