39: The New Servant

1.1K 55 4
                                    

Simula nang magising ako ay masyado nang binabagabag ang aking isip kaya minabuti ng pinsan kong si Andrew na dalhin ako sa ospital.

"Angelica you better see a psychiatrist."

Masyadong malalim ang iniisip ko ngayon dahil sa tangi kong napanaginipan bago ako magising. Pakiramdam ko ay malaki ang koneksyon non sa buhay ko.

Hindi ko alam. Pero bakit pakiramdam ko ay totoo ngang sumakay ako sa isang malaking barko lulan ng iba't-ibang kakaibang nilalang.

Kasalukuyan kami ngayong bumabyahe ni Andrew patungong ospital. It's great that someone's here with me right now. Hindi narin masyadong pinag-uusapan ng pamilya ko ang tungkol sa kasal dahil tuluyan na ngang nagpakasal si Franco sa ibang babae. Natatakot lang ako na baka maisipan nilang ikasal kaming dalawa ni Andrew.

Ugh! Our family must be insane!

"Are you okay?" tanong pa ni Andrew habang nakatingin sa traffic light at hinihintay ang green light.

"I'm fine," tanging sagot ko at tinignan ang phone ko.

I must search for something about my dream. Ang sabi ni Andrew may pangalan daw akong paulit-ulit na binanggit nang magising ako.

Ares. Yan ang sinearch ko agad sa google. Pakiramdam ko ay iyon ang lalaking nagdala sa akin sa malaki at kakaibang barkong iyon.

Hindi ko naman kasi maalala ang lahat ng detalye ng panaginip ko.

Ares is the god of war, one of the Twelve Olympian gods and the son of Zeus and Hera. In literature Ares represents the violent and physical untamed aspect of war, which is in contrast to Athena who represents military strategy and generalship as the goddess of intelligence.

Iyan ang agad na lumabas sa Google. Olympian? Greek mythology?

I was about to search more about him because its making me curious when Andrew spokes up.

"Hey, we're here!"

Agad ko namang binulsa ang phone ko at hindi pa hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng pinsan ko. Agad akong lumabas sa kotse at tinakpan ang aking mukha gamit ang aking palad dahil sa nakakasilaw na tirik ng araw.

Ugh! Nakakasilaw.

Sabay kaming pumasok ni Andrew sa loob ng ospital. Sighs. I seriously hate hospitals.

Naglalakad lang kami sa loob ng malaking ospital na ito nang mahagip ng aking mata ang isang babaeng doktor na kumuha ng atensyon ko.

She looks so familiar. Nakangiti ito habang may kinakausap na pasyente. Parang nakita ko ang babaeng ito sa panaginip ko.

"Andrew? May kilala ka bang Felicity?" tanong ko.

"Oo, meron. She's a doctor here."

"I want to see her."

"She's not a psychiatrist."

"But I seriously need to talk to her."

Walang nagawa si Andrew kundi ang pumakawala ng buntong hininga. Why? Ano namang mali? I just want to see that doctor.

"Okay."

"Dra. Felicity" tawag ni Andrew sa babaeng iyon kaya naman ay napalunok ako. Paano kung wala siyang alam?

Paano kung mali ako ng iniisip? Paano kung panaginip lang talaga ang lahat? Hindi ko alam pero bahala na.

Ang gusto ko lang ay simpleng kasagutan sa tanong ko.

"Oh hi Andrew! Anong ginagawa mo rito?" bati sa kaniya ng doktora.

Oh well she's drop dead gorgeous. Ang ganda niya. Siguro nga tama nga ang iniisip ko dahil nararamdaman ito sa taglay niyang ganda.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now