22: Holocaust

1.6K 86 80
                                    

"So you're Raphael?" agad na tumungo si Raphael sa harap ng prinsesang madirigma ng Sparta.

"Ikinagagalak ko pong muli kayong makita mahal na Prinsesa," buong galang na sambit nito habang nakayuko bilang paggalang.

Kinakabahan siya sapagkat alam niya sa sarili niya kung gaano kahusay ang prinsesang ito pagdating sa pakikipaglaban. Pero kahit ganoon ay sigurado parin siyang tama siya na si Eris ang pinili niyang mataas na mandirigmang paglilingkuran. Sigurado na siya kay Eris at kailanman ay hindi mapuputol ang kaniyang pagiging magiting na mandirigma ng diyosa. He's a great servant and a good follower.

"Paano kang napunta kay Eris?" nagtatakang tanong sa kaniya ng prinsesa na siya namang ikinatawa ni Athena na siyang diyosa ng digmaan, ang matalinong diyosa ng digmaan.

"That's a ridiculous story tho, I also wonder how this good warrior became a servant of that Eris."

Napangisi si Raphael sa sinabi ni Athena. Bakit nga ba? Napalingon siya sa direksyon kung nasaan si Eris kasama ang kambal niyang magkapatid at ang makulit nitong kambal na si Ares.

"Because Eris deserves to have a warrior like me," ngising sagot nito.

"Alam mo bang ayaw na ayaw ni Ares ng mga ganyan? Gusto niyang sa kaniya lang ang kakambal at napansin ko rin na maslalo siyang naging makasarili sa kakambal niya ngayon," ngiwing sabi pa ni Athena na nakapansin din sa pagiging-makasarili ni Ares pagdating kay Eris.

Nais nitong solohin ang lahat pagdating sa kakambal at napansin din ng diyosa na maslalo pa atang lumala si Ares ngayon kesa sa mga nakaraan. Weird but she's certain that Ares is always that weird, nothing new.

Raphael gave them his smile. Ano mang plano ng mga babaeng ito ay natatakot siyang gawin iyon sapagkat alam niyang makakaapekto ito sa pagiging tapat niyang mandirigma kay Eris. Ang tanging gagawin niya ang mga bagay na alam niyang makakabuti sa diyosa.

"Sanay na ako sa katarantaduhan ni Ares," tanging sagot nito.

Para sa kaniya ay kaunting balakid lang naman ang pagiging isip bata ni Ares sa kaniyang pagiging tapat kay Eris. Hindi niya lang naman masyadong pinapansin iyon.

--------

Halos ilang araw na rin kaming naglalayag patungong Troy lulan ng barkong ito.

Pansin na pansin ko rin ang panay balik at punta ni Raphael kay Athena at sa Prinsesang iyon. Hmp! Ano kaya ang mga plano nila? Aba malay!

Saka ba't ko ba masyadong iniisip! Kainis!

"I-iisang aa-araw a-ay n-nnag-ta-ttungo---" napakunot ang noo ko nang tignan kung ano ang ginagawa ngayon ng magkakambal na Janna at Christa.

Pansin ko kasing halos araw-araw silang nagsasanay na humawak ng espada liban lang ngayon na nakadapa silang pareho sa sahig habang ang kanilang mga mukha ay parehong nakatutok sa isang libro.

Nagbabasa ata sila pero pansin kong parang hirap ata silang magbasa. Unti naman akong naglakad papalapit sa kanila at tama nga akong nagbabasa silang pareho.

Tinuturo ni Christa ang mga salita habang si Janna naman ang nagbabasa nito.

"Isang araw ay nagtungo ang prinsesa sa isang napakagandang hardin," basa ko rito dahilan upanh mapatingala silang pareho at nakaguhit sa kanilang mga mukha ang pagkamangha.

Napangiti naman ako sa kanila.

"Woah! Marunong kang magbasa?" bilib na bilib na tanong ni Christa.

"Yes. I'm a teacher," ngiting sagot ko naman at agad na tumabi sa kanila.

Narinig ko namang bumulong si Janna kay Christa, "Ano raw?"

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now