6: An Olympian Goddess

2.2K 102 11
                                    

Chapter 6: An Olympian Goddess



Nandito kaming ngayon ni Ares sa kastilyo niya sa Olympus. Lahat daw ng mga diyos at diyosa sa Olympus ay may kani-kaniyang kastilyo, maging si Eris ay meron.

Pero hindi ko alam kung saan, malay ko ba. Parehas kaya sila ng desinyo ng kastilyo ni Ares? Ang panget naman, gusto ko yung maganda naman hindi puro armas.

Napakaraming armas, espada at kung ano-ano pang gamit pandigma ang nakasabit sa pader ng kastilyo ni Ares. Halata ngang siya ang diyos ng digmaan.

"Woah! Checkmate!" napangiwi nalang ako nang biglang humiyaw si Ares.

Psh! Edi siya na ang panalo kainin niya yang buong chessboard!

Magkaharap kami ngayon ni Ares habang nakaupo sa ibabaw ng isang mesa sa pinakagitnang bahagi ng kaniyang kastilyo. Ewan ko ba kung bakit may mesa siya rito.

"Pano ba 'yan? Ako ang panalo haha." hambog nitong tawa.

"Tapos? Ano naman ngayon?" pang-iinis ko sa kaniya.

"Ibig sabihin talunan ka at gagawin mo ang ipapagawa ko sa'yo."

"Edi gagawin ko."

Hindi mawala ang ngisi ni Ares sa kaniyang mga labi. Hambog naman kasi ng lalaking 'to.

Kasalukuyan siyang nag-iisip kung ano ang ipapagawa niya sa akin. Nang may biglang pumasok sa isip ko, nagtataka lang kasi ako.

"Bal? May tanong ako."

"Ano?"

Nilakbay ko muna ang tingin ko sa malawak na bahaging ito ng kastilyo na puno ng mga gamit pandigma.

"Bakit nandito ang mesang 'to sa gitna ng bahaging ito ng kastilyo?" nagtataka kong tanong habang nililibot parin ang tingin ko sa lugar.

"Pft! Hahahaha" tawa nito.

Agad ko siyang binatokan ng malakas dahil sa pagtawa nito sa tanong ko "Huy sagutin mo ako ng maayos!"

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit?"

"Oo nga. Magtatanong ba ako kung hindi?" wika ko at napangiwi.

Napalunok ako sa gulat nang bahagyang nilapit ni Ares ang mukha niya sa aking pisngi. "Ibubulong ko lang ang dahilan..." mahinang bulong nito.

Nababaliw na'ba siya? Kaming dalawa lang naman dito. Bakit kailangan niya pang ibulong?

"Dito kasi namin ginagawa minsan" natatawang bulong nito kaya naman maslalong niyang nadidikit ang kaniyang sarili sa akin.

Hala! Napalunok ulit ako sa kaba. Ba't kinakabahan ako sa lalaking 'to? Ito ba yung tinatawag na kilabot?

"Ginagawa ang alin?"

"Ang iyon. Iyon, alam mo na... Pft! Hahahaha." tawa ulit nito na dahilan upang maslalo siyang mapalapit sa akin.

Baliw! Agad ko namang ginalaw ang aking sarili paatras para hindi niya masyadong maidikit ang kaniyang katawan sa akin. Kinakabahan ata ako sa pinaggagagawa ng lalaking ito. Ay mali! Kinikilabutan pala ako.

"Ang alin?" kunot noong tanong ko uli.

"Namin ni Aphrodite, ang alam mo na. Mga bagay na ginagawa ng lalaki't babaeng nagmamahalan." muli akong napalunok sa sinabi niya. Paanong?

Shit! Sa mesang ito sa gitna ng malawak na espasyong ito?! Ang babastos naman ata ng diyos at diyosang ito?!

I don't know what to react! Jusko, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pagnaggagawa nila ni Aphrodite o ano?

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now