18: The Frail

1.7K 79 31
                                    

Everyone notices your mistakes without looking at your pain, sadness and tears.

Iyan ang lagi kong nararamdaman bilang si Eris. Lahat ng ginagawa ko ay mali sa paningin nila at wala na rin akong ginawa pang tama. Lahat ay nagdudulot nalang ng gulo.

"Marami ang naapektohan."

"Ganon na ba katindi ang nangyari?"

"Marami raw ang namatay."

Usap-usapan sa buong lugar ang nangyaring gyera. Marami ang namatay na sibilyan at mga enosente, nawalan ng kabuhayan, bahay at iba pa.

Matindi ang naging epekto nito sa lahat.

Ngayon ay hindi maalis sa isip ko kung anong nangyayari ngayon kay Ares at Raphael. Ayos lang ba sila o ngayon ba silang dalawa ang mismong nagkakagulo?

Malayo kasi masyado ang loob n'ong si Ares kay Raphael. Para bang ang dami nito ginawang masama laban kay Ares.

"E-Eris, b-bakit mo kami iniwan?" halos mangiyakngiyak na tanong ng isa sa mga mandirigmang sugatan at nakaratay ngayon kasama ang iba pang mga sundalo.

Nanginginig ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. B-bakit? Hindi lang naman ata sila ang kailangan kong tignan sa mundong ito, hindi lang naman ako dapat mag-abala sa kanila lang, maraming bagay pa rin naman akong dapat malaman.

Marami akong tanong pero bakit kailangan pang humantong sa ganito.

Ginagamot ko ang isa sa kanila. Hindi ko alam, wala akong alam sa panggagamot pero ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko sila pwedeng pabayaan ngayon.

Nakakaramdam na rin ako ng konsensya ngayon, masyado akong binabagabag ng katotohanang dapat ay ako ang manguna sa mga sundalong ito. Dapat ay kailangan ko ring protektahan ang tropa ko bilang diyosang tagapanguna nila.

Humiyaw sa hapdi ang sundalong ginagamot ko nang aksidente kong masamid ang bote ng alcohol at matapon iyon sa malaki niyang sugat. "AHH! ANG HAPDI!"

Dahil sa kaniyang pagsigaw ay lalo akong nataranta, lalo ring nanginig ang kamay ko nang kumuha ako ng bulak para patigilin ang dugo nang biglang may humawak sa pulso ko at sinabing, "Ako na muna riyan Eris. Kailangan mong puntahan sina Ares ngayon din."

Napatingala ako kung sino iyon, si Artemis.

"S-salamat." mahina kong sabi saka tumayo at agad na umalis ng lugar. Kailangan kong makita kung nasaan sina Ares at Raphael ngayon.

------

Sa paanan ng isang bundok sa Sparta ako hinatid ng isang sundalo. Sa lugar kung saan maraming bahay ang naupok na ng apoy dahil sa nangyaring gulo.

Maraming mga tao rin at mga pamilya ang nandito at malungkot na tinitignan ang kanilang mga bahay na ngayon ay abo nalang. May mga batang umiiyak ng malakas dahil sa nalaman nilang ang kanilang mga magulang ay nasawi sa nangyari.

Ang mga matatanda ay apaika-ikang habang umuubo at akay-akay ang maliit nilang apo. Maraming emosenteng nadadamay sa gulong ito.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, nakakaawa naman pala talaga. Ang daming buhay ang nadadamay dahil sa gulong ito.

Lumingonlingon lang ako sa paligid pero hindi mahagip ng paningin ko ang presensya ni Ares at ni Raphael. Nandito ba talaga ang dalawang iyon?

Halos marating ko na ang pinakadulong bahagi ng lugar na ito at ang pinakahuling bahay nang may makita akong pigura ng dalawang lalaki ang nakatayo sa may di kalayuan.

Sila na ba iyon?

Agad naman akong tumakbo papunta sa kanila at hindi nga ako nagkakamali dahil sina Ares at Raphael iyon. Jusko! Pareho sila ngayong maydalang mga espada at nakatutok ang bawat hawak nilang espada sa isa't-isa. Ang talim ng espada ni Raphael ay halos humalik na sa ilong ni Ares at ang espada naman ni Ares ay nakatutok sa leeg ni Raphael. Alam kong ang mga espada nila ay parehong matutulis at sa isang hiwa nito ay mamamatay ang sinoman.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now