12: House For Nurses

1.9K 80 4
                                    

Chapter 12: House For Nurses



Hayss, nakakainis na talaga itong sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Hindi ko alam kung kailan ko ba makakamit ang hustisya sa buhay ko.

Maging dito ba naman sa mundong ito ay lagi nalang akong nalalagay sa alanganin?

Kung doon ako sa mortal kong buhay bilang si Angelica ay isa akong babeng ipapakasal sa sarili niyang pinsan at dito naman sa mundong ito bilang si Eris ay isa naman akong diyosang pinanliliitan dahil sa wala akong ibang kayang gawin kundi ang gumawa ng gulo.

Nakakaasar!

Iyon namang si Zeus kung makapataw ng parusa sa akin ay agaran samantalang ang plano niya para sa tatlong diyosang iyon ay hindi niya pa nagagawa. Kainis talaga!

Ngayon ay pinadala ako ni Zeus sa Sparta, hindi sa mismong lugar ng mga mandirigma nito kundi kasama sa mga pamilya ng mga mandirigma ng Sparta. Nandito ako hindi bilang diyosa kundi para maging kagaya rin ng mga mortal dito.

Kailangan ko raw gumawa ng sampung kabutihan bago ako makakabalik sa Olympus. Oh diba?

This is hilariously ironic. I'm the goddess of strife but I am tasked to do such kindness. Such a dumb idea from Zeus.

"Anong pangalan mo hija?" tanong sa akin ng matandang pinagbilinan sa akin.

Hinatid lang naman ako rito ng mensaherong nagngangalang si Hermes. Siya raw ang mensahero ng mga Olympian at sa ayaw at gusto ko ay siya ang inatasan ni Zeus na magdala sa akin dito. Jusko, parang ayaw ko na atang makasama ang lalaking iyon. Di ko inasahang may dala pala siyang amihan sa sobrang hangin niya at mga papuri niya sa sarili.

"Eris po." sagot ko pa.

Agad namang napasinghap ang matanda nang marinig niya iyon. "Aba, bakit ipinangalan ka sa diyosa ng kaguluhan? Hindi ba naisip ng mga magulang mo na malas ang diyosang iyon dahil gulo lang ang kaya niyang ibigay sa mga tao?"

Pinigilan ko nalang ang sarili kong mapangiwi. Gusto kong sabihin sa kaniya na, 'Actually ako po talaga yon hehe.'  pero hindi pwede.

Kahit na nasa katawan parin ako ni Eris ngayon ay kailangan ko munang magpakatao at isiping naging ako na ulit si Angelica pero napunta lang sa ibang lugar.

"Hindi naman po malas si Eris. Ang ganda ko nga po eh, hehe." sabi ko nalang at bahagya siyang binigyan ng isang hilaw na tawa.

"Oo nga't maganda ka nga hija, medyo mahangin ka lang."

Muli ay pinigilan ko nalang din ang sarili kong mapangiwi. Kailangan kong ipakita sa kaniya na mabait talaga ako at kailangan ko ring magpasikat ngayon kay Zeus.

"Pasensya na po." magalang na sagot ko pa.

"Sige halika hija at ihahatid kita sa silid mo." nauna nang maglakad sa akin ang matanda na siya namang sinundan ko.

"Maraming dalaga ang nandito na kagaya mo hija lahat sila ay naglilingkod para sa magigiting na mandirigma ng Sparta."

Nanatili akong tahimik habang nakikinig at sinusundan ang matanda.

Pinadala lang naman ako ni Zeus sa bahay ng mga dalagang nag-aalaga at nanggagamot sa mga mandirigma. This is a house for damsel nurses.

Pinadala niya siguro ako rito para naman makagawa rin ako ng mabubuting bagay sa mundo. Hayss, hindi ko nga alam kung paano manggamot. Duhh.

Teacher nga kasi ako sa kinder at hindi nurse. Nang nalaman nga ng pamilya ko noon na plano kong maging guro ng mga bata ay nagalit sila dahil gusto lang nila na matuto ako tungkol sa negosyo para naman mapanatili ko ng maayos ang negosyo namin.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon