42: Olympian Strategy

1.4K 69 13
                                    

"Answer me Angelica," bulong pang muli ni Ares.

Hindi ko alam kung totoo ba ito p-pero... umiiyak ba itong si Ares? Tama bang umiiyak siya ngayon habang yakap ako?

"I'm begging you to answer me. Who are you?"

Hindi ko alam ngunit sa bawat ipit na hikbing naririnig ko mula kay Ares ay nakakaramdam ako ng hapdi sa dibdib ko. Wala narin akong nagawa kundi ang pakawalan ang mga luhang kanina pa namumuo sa aking mga mata.

Hinayaan ko nalang din ang sarili kong umiyak habang yakap ako ng lalaking ito.

"I don't know who am I... I don't know, I have no idea Ares."

Ano ba talaga?

Ano ba talagang papel namin sa buhay ng isa't-isa?

Mayamaya lang habang nakayakap kaming pareho sa isa't-isa ay bigla nalang bumukas ang pinto ng silid.

"Is this the reason why, Ares?" tanong ng isang napakagandang babaeng bigla nalang pumasok sa loob ng silid.

Nakasuot ito ng kulay pulang kasuotan at naniningkad ang taglay niyang kagandahan. This lady is a serious definition of what a goddess is.

Nagulat ako nang lumapit ito sa akin at hilahin ako mula sa pagkakayakap ni Ares.

"Aphrodite!" tawag ni Ares sa pangalan nito.

I know that name, is that means this gorgeous lady is Aphrodite? The goddess of beauty and love.

Napalunok ako nang bigla niyang ibaling ang tingin niya sa akin.

"Who are you?" kalmadong tanong nito habang hindi parin inaalis ang pagkakahawak nito sa may pulso ko.

"I don't know," tanging sagot ko.

"How dare you!" kalmado lang reaksyon niya sa mukha ngunit bakas sa kaniya ang galit.

Anong mali na naman ba ang ginawa ko?

Dahandahan kong inalis pagkakahawak niya sa akin at matapang siyang tinignan.

"Why?"

"Who are you to interfere the---"

"Stop it Aphrodite, my servant should be the one asking you such question."

Agad na gumuhit ang ngisi sa mga labi ni Aphrodite nang biglang pumasok ang diyosang si Athena.

I'm seriously a bit clueless here.

"Why Athena?"

"Why? My servant Angelica is the key to end the war between Troy and Achaeans. It means she will be the one to end your reign on the other side."

Matapos ipagdiian ni Athena na alagad niya ako ay agad niya naman akong hinila palabas ng silid na iyon.

Wait? Ano ba ang ibig sabihin ni Athena sa sinabi niya kanina?

"Angelica, remember this. I own you but for good you own Ares." sambit ni Athena nang makabalik kami sa loob ng bulwagan.

"Alam kong alagad mo ako pero paano mk naman nasabing ako ang nagmamay-ari kay Ares?" nagtatakang tanong ko sa diyosa.

"Because the arrow chose you and his star chose you to be his owner. You owned Ares for a very long time."

Napalunok ako sa sinabi ni Athena. Ni isa ay wala pang nakaklaro sa akin. Magtatanong pa sana ako nang biglang umalingawngaw ang malakas na tunong ng trumpeta na hudyat na pagsisimula ng pagpupulong na ito.

"Magbigay pugay ang lahat kay Rhea na ina ng mga Olympian!" malakas na sigaw ng lalaking nakatayo sa may balkonahe sa itaas na bahagi ng kastilyong ito.

"MABUHAY ANG OLYMPUS!" sigaw naman ng lahat maliban sa akin.

Naagaw ang atensyon ng lahat at napatingala sa balkonahe nang biglang lumabas ang isang napakagandang diyosa na nakasuot ng kulay gintong tela at may lumiliwanag na presensya.

Siya ba ang sinasabi nilang si Rhea?

"Trojan war has started," paunang salita pa nito.

Para siyang reyna na nagsasalita sa itaas habang nasa baba naman ang kaniyang mga tao. Sobrang ganda niya. Sa totoo lang lahat ng nandito ay maganda. Syempre isama ko narin ang sarili ko.

"Dahil sa nangyayaring gulo sa pagitan ng bawat panig ay maraming mortal ang enosenteng namamatay. Bilang Olympian responsibilidad nating pangalagaan ang sangkatauhan kaya marapat na gumawa na tayo ng paraan upang tuldukan ang gyerang ito."

Nagsimula na nga ang bulong-bulungan sa loob.

"Athena goddess of wisdom and strategic war together with Hepaestus the god of fire and metalworking came up with a great idea to end this war."

Napatingin ang lahat ngayon sa katabi kong si Athena. Wow, sobrang daming pares ng magagandang mata ang nasa direksyon ko ngayon.

"The only way to end this war is to surrender."

Lahat ay nagulat sa sinabi ni Athena. Maging ako ay agad na napasinghap.

Anong ibig niyang sabihin? Susuko ba sa bakbakan ang mga Olympian para lang matapos ang digmaan sa pagitan ng Troy at Achaean? Susuko ba sila kahit na higit na makapangyarihan sila?

Ito ba ang pagiging Olympian? Dapat magpakumbaba?

"What do you mean Athena?" tanong ng isang diyosa sa kalmadong si Athena.

"Troy will continue firing Sparta and they doesn't care about the people dying. Paris won't return the queen and the queen won't let herself go back to her husband. They are cursed by love," and Athena rolled her eyes and took a very deep sigh.

"We will surrender using this weapon."

Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni Athena at iharap sa lahat.

Ako ba ang weapon na pinagsasabi niya?

"You mean a human sacrifice as a surrender gift?"

Agad na nanlaki ang mga mata ko at napalunok. What?! Human sacrifice as surrender gift?!

Seryoso ba sila?!

Naramdaman ko ang agad na panlalamig ng katawan ko dahil sa kaba. Papatayin ba nila ako sa harap ng Troy at sabihing suko na sila para matapos na ang gyerang ito?

"She is the key to end this war." ani Athena.

Goodness! Seryoso na nga. I'm totally doomed. Bakit laba ako pumayag kay Athena na mapunta rito?!

Mayamay lang ay nahawi ang mga Olympian na nasa harap namin at lumabas ang isang hari. Who is he?

Tinding palang nito ay halatang kagalanggalang na.

"You'll be needing this to your journey," inabot naman nito sa akin ang isang pana na may maraming palasong may talim na diyamante.

"Athena was never wrong on choosing you."

"Zeus, I wasn't the one who chose her. It was Ares, this girl is the owner of Ares." singit pa ni Athena.

And then this man named Zeus smirked. "That's why I'm teaming her up with him. She'll be the mind and he'll be her strength, her shield and warrior."

Mayamaya lang ay nakita ko ang laglapit ni Ares sa kinatatayuan naman at ako naman itong napalunok dahil sa pagdating niya. Ghad Ares!

"You two will journey to Troy and find the heroes and maidens of Greeks as a surrender gift to them."

Napatingin naman ako kay Ares na siya rin namang seryosong nakatitig sa akin.

Okay. This is awkward.

So how did I own Ares?

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now