11: The Arguments

1.8K 93 9
                                    

Chapter 11: The Arguments



"Nakakainis!"

"Nakakainis!"

"Nakakainis!"

Yan lang ang paulit-ulit kong sinasabi habang di mapakaling umiikot dito sa loob ng kastilyo ko.

Sa wakas ay natagpuan ko rin ang kastilyong pag-aari talaga ni Eris, mabuti nalang at dito ako dinala ni Raphael. Lagi nalang din naman kasi ako tambay doon sa kastilyo ni Ares kasi di ko talaga alam na ito na pala ang kastilyo ko.

"Eris."

"Ay atay ng manok!" gulat kong hiyaw nang bigla akong tawagin ni Raphael.

Kainis! Kita na ngang di ako mapakali rito e!

"Bakit di ka mapakali?" nagtatakang tanong nito sa akin.

Oo nga. Ba't ba ako hindi mapakali rito? Diba dapat nga ay natutuwa ako dahil nagkagulo na silang lahat sa kasal?

"Oo nga no? Ba't ba di ko maikalma itong sarili ko rito? Loko lang?" napakamot nalang ako ng ulo at napaupo sa sahig.

"Si Ares kasi! Kainis!" sabi ko pa at sinabunotan ang aking sarili.

"Nakita ka ba ni Ares kanina?"

"Oo!"

"Wag kang mag-alala di ka naman ilalaglag ng sarili mong kakambal."

"Psh! Iyon pa, e paepal yun sa buhay ko eh!" inis na wika ko pa.

Nilibot ko nalang ang paningin ko sa kabuoan nitong kastilyo ni Eris. Malayongmalayo sa kastilyo ng kakambal niyang si Ares na napapaligiran ng napakaraming armas.

"Ang ganda pala ng kastilyo ko, hehe." gigil na wika ko pa at hinimashimas pa ang marmol na sahig nito. Ang kinis at ang lamig sa kamay.

Oo galing ako sa mayaman at marangyang pamilya pero pakiramdam ko kung ikukumpara ang lahat ng yaman ng buong angkan namin sa nag-iisang kastilyo nitong si Eris ay kukulangin lang ang yaman namin.

"Pft, ba't parang ngayon mo lang ata nakita itong kastilyo mo?" natatawang wika pa ni Raphael.

Napasinghay nalang ako. Oo, ngayon lang ako nakakita ng ganito kagagara at katatayog na kastilyo sa Olympus at ngayon lang din ako nakakita ng napakagandang lugar na gaya nito.

Pareho naman kaming napalingon ni Raphael nang may biglang dumating sa loob ng kastilyo ko, ni Eris.

"Bal!" bungad ni Ares nang makapasok ito sa kastilyo ko.

Aba! Andito na siya!

Nakasimangot naman akong napatingin sa kaniya. "Bakit?" iritadong tanong ko.

"Alam kong ikaw ang puno't dulo ng lahat ng iyon." wika pa nito at agad na hinablot ang kamay ko dahilan upang mapatayo ako.

Kainis naman! Akala ko talaga noon nakakatuwa ang magkaroon ng kakambal na lalaki, haysss ngayon hindi na ako natutuwa.

"Eh ano naman ngayon?" sagot ko naman at agad siyang inirapan.

"Hinahanap ka ngayon ni Zeus." sabi pa nito at agad naman akong hinila palabas.

Iyon namang kakampi ko sa buhay na si Raphael ay nanatili lang na tahimik. Ba't di niya ako ipagtanggol ngayon sa panghaharas nitong kakambal ko? Dahil ba mandirigma lang siya at Olympian kaming pareho nitong si Ares? Kaasar!

"Ba't niya naman ako hahanapin? Para tanungin kung ako nga ang may kagagawan ng gulong iyon?" napangiwi nalang ako at agad na inalis ang pagkakahawak ni Ares sa kamay ko. "Hayss, hindi pa nangyayari iyon alam kong duda na ang lahat na kung ano mang kaguluhan ang magaganap sa kasal na iyon ay ako talaga ang dahilan."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang