27: Unleash The Beast

1.4K 78 51
                                    

Tulala lang ako hanggang sa makarating ako sa silid dito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng makukulam na iyon.

Paano ko ba ito magagawa? Kung hahanapin ko pa ang mga babaeng sinasabi ni Eris na hindi ko alam ay may posibilidad na maaaring matagalan ako, kapag matagalan ako siguro ay hindi na ako makakabalik sa dati kong katawan kasi namatay ito kakahintay sa kaluluwa kong naligaw sa katawan ni Eris.

Pero halos hindi ko naman malunok ang sinabi ni Jamillah na pwede kong gawin. Jusko! Ayokong galitin ang katawang ito ni Eris.

"Angelica, sabihin mo na kasi sakin!" pagpupumilit ni Ares na parang bata.

Kanina niya pa kasi gustong malaman kung ano ang sinabi sa akin ni Jamillah.

Jusko! Masmabuti pang hindi niya nalang malaman, no! Aba!

Para akong nagpapakamatay kapag gagawin ko iyon.

"Sabihin mo na kasi!" pagpupumilit pa ni Ares habang niyuyogyug ang balikat ko. Aba! Bwesit tong lalaking ito.

Dami ko na ngang iniisip sa buhay dumagdag pa siya.

"Tigilan mo ako Ares," walang gana kong sabi at agad na hinawi ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Ah! Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi sa akin!" pagpupumilit pa nito at agad na hinawakang muli ang balikat ko para iyugyog ako.

Jusko! Ewan ko nalang talaga.

"Sasabihin mo o sasabihin mo?!"

"Oh!" sagot ko naman at agad na kinuha ang kumot at tinabunan ang sarili ko.

"Eris!" pangungulit ni Ares habang hinihila ang kumot na nakabalot sa akin ngayon.

"Umayos kang aso ka kundi ibabalik kita kay Aphrodite," sabi ko naman pero parang bata itong si Ares na patuloy parin akong kinukulit.

"Ayaw ko!"

"Tigilan mo ako!" halos pasigaw na sabi ko pa.

"Ah! Sige na, uuy. Sasabihin na niya."

At ngayon ay sinusundot niya pa ako sa tagiliran ko na parang batang kinikiliti. Buti nalang at walang kiliti si Eris sa parteng ito. Manhid naman ata itong katawang ito e.

"Kung ayaw mong sabihin edi kay Jamillah nalang ako magtatanong!"

Agad akong napabalikwas sa sinabi nito.

Sh*t! Hindi niya pwedeng malaman iyon!

"Wag!" hiyaw ko at agad siyang hinawakan sa may pulso bago pa siya makaalis.

Isang malapad na ngiti naman ang ibinigay nito sa akin. "Talaga, ano daw sabi?"

Agad naman siyang umupo sa gilid ng kama at hinarap ako. Oh sige, total sagot lang din naman ang kailangan niya edi pagbibigyan ko na siya.

"Sabi ni Jamillah..."

Nakangiti niyang inilapit ang kaniyang sarili sa akin, halatang sobrang sabik siyang malaman kung ano ba talaga ang dapat gawin para makaalis ako sa katawang ito ng kakambal niya.

"Ano?!"

"Masyado kang atat Ares," ngiwing sabi ko na ikinanguso niya.

Natawa nalang ako. Ewan ko ba sa lalaking ito, parang limang taong gulang na bata ata ang natrap sa katawan niya.

"Sabi ni Jamillah ay kailangan ko daw ialay ang katawan ng kakambal ni Eris sa lupa upang magalit ito at nakaalis na ako sa katawang ito."

Kumunot ang noo ni Ares sa sinabi ko at agad ko namang nakita kung paano siya lumunok. Aba! Ang gandang tignan ng Adam's apple niya ah, sobrang lalaki.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now