35: Renegade

1.4K 69 6
                                    

"Bakit mo iyon sinabi kay Angelica?" tanong ni Hermes kay Ares na ngayon ay abala sa pagtingin at pag-aaral sa kung anong meron ang palasong nakabaon noon sa dibdib ni Angelica nang makarating ito sa mundo nila bilang si Eris.

"Para makita kung hanggang saan ang kaya niya," tanging sagot ni Ares.

Nagtanong kasi si Hermes kung bakit hinamon ni Ares si Angelica na makipagbakbakan sa diyosang si Athena.

Ang takbo ng upasan ngayon ni Hermes at ni Ares ay masyadong seryoso sapagkat ang usaping ito ay tungkol sa mahiwagang dahilan ng pagdating ni Angelica sa lugar nila.

Ngayon ay nasa kastilyo sila ni Ares.

"Hindi ba ikaw ang pumili kay Angelica na pumunta sa lugar na ito? Diba ikaw lang naman ang dahilan Ares?" tanong naman ni Hermes habang abalang tinitignan ang larawan ng mga bituin ni Ares na sa kalawakan na nakapinta sa isang lumang papel.

"Hindi ako, kundi ang mga bituin ko sa kalawakan."

Walang nakakaalam sa eksaktong sagot.

"ARES! KAMBAL! BAL! ARES!"

Agad na napabaling ang dalawang lalaki sa diyosang sumisigaw papasok ng kastilyo at halatang nagmamadali.

Napatayo si Ares at agad na napakunot ng noo dahil sa gulat. Paanong nangyari ito?

"Asan si Angelica?" kunot noong tanong nito sa kakambal na si Eris na kakabalik lang sa sarili nitong katawan.

Walang sinagot si Eris at umiling na lamang.

Anong ibig sabihin ni Eris? Kunot noong pagtataka ni Ares. Kung ano man ito ay masama ang kaniyang nararamdaman para rito.

"NASAN SIYA?!" Malakas na singhal nito sa kakambal.

"Wala na siya. Kinuha ko lang ang dapat na ay akin!" paliwanag pa nito.

Marahang hinablot ni Ares ang braso ng kakambal sa dahil sa di mapigilang galit. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari, ang tanging tumatakbo sa isip niya ngayon ay kung nasaan ang dalagang sumanib noon sa kakambal niya, kung ano na ang tunay nitong kalagayan ngayon at kung ano ba talaga ang nangyayari.

"Ares! Patay na ang mortal na katawan ni Angelica at dahil don ay maglalaho na siya! Binawi ko na ang katawan ko bago pa ako madamay sa paglaho niya."

Napangisi na lamang si Ares at napailing. Agad niyang kihuna ang isang espada na na nakapatong sa mesa at inihagis ito sa isang bintana dahilan upang umalingawngaw ang malakas at nakakarinding ingay ng pagkabasag nito.

"P*t*ng*na! Paanong nangyari ito?!" galit na wika pa nito.

"Ares, makakalimutan siya ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Hayaan mo't isang araw mo lang siyang makakalimutan, bukas na bukas ay mawawala rin sa isip mo si---" hindi natapos ang sasabihin ni Eris nang bigla siyang nakatanggap ng isang napakalas na sampal mula sa kakambal.

Agad na nanlaki ang mata ni Eris. Kahit kailan ay hindi iyon nagawa ng kakambal niya sa kaniya dahil sa galit.

Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang nanghahapdi at namumula niya ngayong pisngi dahil sa lakas ng pagkakasampal.

Pareho silang natahimik sa nangyari.

Maging si Hermes na nanonood lamang sa pangyayari ay natigilan din. Hindi niya pa nakita kung paanong nang-away ang magkakambal na ito, tiyak ay malaking gulo ang mangyayari.

Mabigat ang loob ni Eris nang talikuran niya ang kapatid na walang pagpipigil ng emosyon at naglakad palabas ng kastilyo.

Galit si Eris, galit na galit. Hindi dahil sa pagkakasampal sa kaniya ng kakambal kundi dahil sa puno't dulo ng lahat ng ito.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now