28: Chaste

1.4K 75 88
                                    

"No!" inis na sambit ni Aphrodite at agad na hinawi ang mga bagay na nakapatong sa mesa dahilan upang mangabasag ang mga ito.

"Calm yourself, dear," tawang sabi ni Hera na ngayon ay abala sa pagtingin sa kaniyang sariling mukha sa hawak niyang salamin.

"What's happening between Eris and Ares?!" inis na sambit muli ni Aphrodite.

"Ares almost did something with his twin," tawa pang muli ni Hera.

Hindi niya maiwasang hindi matuwa sa pagwawala ngayon ni Aphrodite. Galit na galit ito nang malaman niyang may nangyayari sa pagitan ngayon ni Ares at ni Eris.

Naiinis siya tuwing may ibang babaeng nagugustuhan si Ares ngunit lalo siyang naiinis sa ideyang si Eris ngayon ang nagugustuhan ni Ares. This hurts her pride so much.

Hindi siya pwedeng matalo sa kakambal ng sarili niyang kasintahan.

Alam ni Hera kung gaano kainis ngayon si Aphrodite kaya naman may naisip siyang paraan para lalo pa itong inisin. Sa tingin niya ay nakakatuwa ito.

---------

"Bakit mo hinayaang mangyari yun?!" inis na tanong ng kaluluwa ni Eris kay Angelica na ngayon ay nanatili parin sa katawan niya.

Nasa kampo sila ngayon at parehong balisa.

Hindi makapaniwala si Eris na kamuntik nang may mangyari sa pagitan ni Ares at ni Angelica sa pamamagitan ng kaniyang sariling katawan. Gayon din si Angelica ay tulala at hindi makapaniwalang hinayaan niyang mangyari iyon.

Siguro ay nawala na naman siya sa katinuan noong mga oras na iyon. Nakanguso ito habang nakaupo sa damuhan at tinignan ang lugar sa paanan ng bundok na nasusunog dahil sa malaking gulo na nangyayari ngayon na dulot ng Trojan War.

"Paano kung malaman nilang hindi ikaw ako?!"

"E?" walang nagawa si Angelica kundi ang mapakamot nalang sa kaniyang batok.

Gusto niyang sabunutan ang sarili niya dahil sa kaburaraang ginawa niya ngunit hindi pwede dahil baka patayin lang siya ni Eris kapag nakita nitong sinasabunutan niya ang sarili nitong katawan.

"Alam mo Angelica, naiintindihan naman kita."

"Ha?"

"Na hindi mo napigilan ang kalandian mo."

Agad na nasamid si Angelica sa sarili niyang laway dahilan upang mapaubo dahil sa narinig niya mula kay Eris. Aba! Kerengkeng na ata ang tingin nito sa akin?!  Isip niya.

Napakamot nalang siya sa ulo niya, "Huy!" nagulat siya nang bigla nalang din siyang pigilan ni Eris.

"Wag mong inaano yang katawan ko ah! Akin yan kaya ingatan mo yan!" paalala pa ni Eris dahilan upang mapasinghay si Angelica.

"Ba't hindi mo nalang kasi ako ibalik sa dati kong katawan?" ngiwing tanong nito.

"Nagawa mo na ba?"

"Ang alin?"

"Ang hanapin ang mga babaeng sinasabi ko sa'yo."

"Aba! Malay ko ba kung nasaan ang mga yun!" sagot nito.

"Alam mo?! Gusto kitang sabunutan e, kaso lang nandiyan ka sa katawan ko!" mataray na sambit naman ni Eris kay Angelica.

Bakit? Hindi niya naman kayang sabunutan at saktan ang sarili niya kahit iba pa ang nandito ngayon. Katawan niya parin iyon.

"Alam mo Angelica, ayos lang naman sa akin na magustuhan mo ang kakambal ko kahit na wala siyang kwenta. Masmabuti na yun kesa sa manatili siya sa diyosang si Aphrodite e kabit lang naman siya... Saka lalo siyang nagmumukhang bobo doon."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now