46: The Great

961 69 6
                                    

He is Ajax the Great. The greatest king and the pride of the Telamonians.

Sa itsura ng lalaking ito ay hindi mo aakalaing takot pala siya sa matataas na lugar at sumisigaw ngayon sa takot.

"A-ayoko! Bumaba na tayo! Ibaba na ninyo ako!" pagmamakaawa ni Ajax pero ni isa ay walang nakikinig sa kaniya.

Si Autolycus ay abala ngayon sa pagpupunas sa mga ninakaw niyang kagamitan at si Ares naman ay nandito sa tabi ko at masama ang tingin sa batang natutulong ng mahimbing sa aking dibdib.

Parang batang nakanguso at iritang-irita si Ares.

"Wala bang planong magising ang batang iyan?" walang ganang wika nito.

"Nangangalay na nga ak---"

"Akin na at itatapon ko."

"Umayos ka nga!"

Napasabunot nalang ng sariling buhok si Ares habang iritado paring nakahawak sa maliit na kamay ng bata para pigilan itong makahawak sa hindi nito dapat hawakan.

"Ba't di mo nalang patahanin iyang si Ajax?"

Agad namang kumunot ang noo ni Ares at napangiwi nang tignan niya si Ajax na hindi parin matapostapos sa pagsigaw.

"Ajax is not my business. Ngina naman Angelica! Ikaw ang gusto ko."

"Share mo lang?"

Ang mga taong naiinis ay dapat na lalong inisin kaya iinisin ko itong si Ares hanggang sa makalbo siya.

"A-ate?"

"Hey. Gising na pala ikaw baby," nakangiting bati ko sa paslit na may maliit na boses.

"Hoy. Bumaba kana gago, nakakangalay ka."

"A-ate, ni-aaway p-po," paiyak sa sumbong ng bata sa akin at tinuro ang nang-aaway na si Ares.

"Hoy! Wag ka ngang nang-aaway diyan!"

Walang nagawa si Ares kundi ang ngumiwi nang ilabas ng bata ang kaniyang dila at asarin si Ares.

"Tapon kita sa labas," bulong pa nito.

Nakapag-unat din ako sa wakas ng kamay nang bumaba ang bata.

"Bata. Anong pangalan mo?" tanong ni Autolycus rito.

"Telemachus," sagot nito at agad na nilapitan si Ajax na nagwawala sa takot.

"Tahimik po kayo, please?" sambit nito at agad na sinipa ang ulo ni Ajax dahilan upang mahimatay itong muli.

A-anong klaseng bata siya? Kakaiba.

"Anak ka ba ni Penelope at Odysseus?" tanong ni Ares.

Ngumuso naman ang paslit at tumango. "Opo."

"Nasaan sila ngayon?"

"Hindi ko alam."

"Bata"

Isang abot tayngang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mukha nang abutan ito ni Autolycus ng lollipop. Bata nga siya pero hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya na kayang patumbahin ang isang malaking mama na kagaya ni Ajax.

"Mga kaibigan, malapit na tayo sa bayan ng Mycenae." bulalas ni Autolycus habang naka tingin sa labas gamit ang kaniyang telescope.

"Anong meron sa Mycenae?" tanong ko kay Ares.

"We'll meet the King."

"We're here. Let's go down."

Pagkababa na pagkakababa namin sa lumulutang na bahay ay sinalubong kami ng maraming tao at mga mandirigma.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora