16: The Battle

1.7K 85 18
                                    

Dinala ako ni Zeus sa bundok ng Ida kung saan din ay dinala niyang pareho ang tatlong diyosa na hanggang ngayon ay nagtatalo parin dahil sa mansanas na bigay ko.

Si Hera, Athena at Aphrodite. Nandito sila para sa isang paligsahan kung sino talaga sa kanilang tatlo ang pinakamaganda.

Ewan ko ba kung paanong naisip ito ni Zeus. Ewan ko rin kung paano ito makakatulong sa pagsanib ko dito sa katawang diyosa ni Eris.

Nakaupo lang ako ngayon sa isang malaking sanga ng isang punong kahoy habang pinapanood silang apat, Zeus, Hera, Aphrodite at Athena, sa ibaba. Tahimik lang akong nanonood.

Sino kayang mananalo sa kanilang tatlo?

Mayamaya lang ay umupo na rin si Zeus sa isang malaking sanga sa kabilang puno habang tinitignan ang tatlong diyosa sa ibaba.

"Ano ba itong plano mo Zeus?" kunot noong tanong ko habang tinitignan ang tatlong diyosang nakatayo sa ibaba. Si Aphrodite ay inaayusan ang kaniyang mukha sa harap ng isang maliit na salamin na bitbit niya, samantalang si Hera naman ay inaayos ng mabuti ang kaniyang buhok at si Athena naman itong iniinsayo ang kaniyang ngiti.

Ewan ko ba kung bakit hayok na hayok ang tatlong ito na mapatunayan ang sarili nilang pinakamaganda.

"Just watch." maikling sagot naman ni Zeus sa akin.

Nagkibitbalikat nalang ako at tinignan lang ang tatlo. Mayamaya lang ay may narinig na ingay ng isang tumatakbong kabayo palapit sa lugar.

Mahihinang hiyaw naman ang pinakawalan ng tatlong diyosa at dalidali nang inayos ang kanilang sarili.

Paano ba 'to?

Nakahelera silang tatlo na nakatayo ng malumanay. They're all so beautiful and seriously gorgeous. Kahit ako sa sarili ko ay mahihirapan akong mamili sa kanilang tatlo kung sino nga ba ang pinakamaganda.

Mayamaya lang din ay dumating nga sa lugar ang isang lalaking sakay ng kabayo. Kung titignan ko naman ang lalaking ito ay masasabi kong isa siyang magiting na mandirigma, matipuno at bakas sa kaniyang makisig na mukha ang kabataan at katapangan.

Tumigil ito sa harapan ng tatlong diyosa at tinignan silang tatlo.

Kahit sino naman ata kapag makikita ang tatlong magagandang diyosang ito sa mapapatigil at mapapatingin talaga.

Siguro ay sa tanang buhay ng binatang ito ay ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito kagagandang babae.

Mayamaya lang ay may isang lalaking may pakpak ang lumipad papalapit kay Paris na bitbit na gintong mansanas.

"Who is he?" tanong ko kay Zeus na seryoso lang na nakatingin mula sa kabilang sanga.

"Hermes, messenger of Olympians."

Tumango naman ako. Siya pala si Hermes, ang sinasabi nilang kasing hangin daw ni Ares. Halata naman ata sa mukha ng mensaherong iyan na mahangin talaga.

Napatingin naman ang magiting na binata kay Hermes nang makalapit ito sa kanila at makalapat sa lupa ang kaniyang mga paa bago tuluyang tinago ang kaniyang mga pakpak.

"Paris, prince of Troy." bati nito sa binata.

"I am." sagot naman ng binata.

"I am Hermes, the messenger of Olympus. Lord Zeus sent me here to bestow you the power to select the most beautiful goddess in Olympus. I have here the golden apple..." agad namang inabot ni Hermes ang mansanas na hawak niya kay Paris, "you must give the apple to whom do you think is the fairest of them all."

Woah!

"So this is your plan after all?" ngiwing tanong ko kay Zeus.

"Definitely." walang ganang sagot naman ni Zeus at kalmadong nakatingin lang sa baba.

"Seriously?"

"Paris is the most handsome and fashionably dressed mortal who walks on the face of Earth, he deserves to choose."

Hayss. At least ang ginawang ito ni Zeus ay patas lang. Dahil kung iba ang mamimili dadayain lang siguro ito ng tatlo. Sabagay asawa ni Zeus si Hera at anak niya naman si Athena. Hayss.

Bumaba naman si Paris sa sinasakyan niyang kabayo at agad na hinarap ang tatlong diyosang nakatayo suot ang kanikanilang magagandang ngiti.

Bakas na bakas sa mukha ni Paris ang mangha dahil sa taglay na ganda ng mga diyosa. Mukhang naguguluhan pang mamili si Paris.

Isaisa niyang tinignan ang mga diyosa. Sino ba ang hindi mahihirapang mamili?

Hera had the most lovely milky white skin ever seen. Athena had the most dazzling, dancing eyes. And Aphrodite had the most charming smile. Which should he pick?

"Prince Paris," si Hera ang unang tumawag sa binata kaya naman humakbang ito palapit kay Hera.

"Give me the apple and I'll give you the gift of great power. You yourself as a young man can rule more than what you have right now." napatingin naman ang binata sa mansanas dahil sa sinabi ni Hera.

Aba? Pwede pala yun?

"Pwede pala ang ganyan?" tanong ko kay Zeus.

"Yes because their beauty is a part of their power as an Olympian." sagot pa ni Zeus.

Aba! Hindi ba masyadong ang duga n'on? Hayss.

Bigla namang nabaling ang tingin ng prinsipe kay Athena nang bigla itong tumawa ng mahinhin. "No Paris. You should always remember that when you have a great wisdom can rule anything you wanted. Hand that apple to me and I'll bestow you the gift of great wisdom."

Muli ay napaisip ang binata sa alok sa kaniya ng diyosa ng karungan. Sino ba naman ang hindi maghahangad ng napakataas na katalinuhan?

Isang tuwa naman ang pinakwalan ng diyosang si Aphrodite dahilan upang mabaling ang atensyon ng seryosong si Paris sa kaniya. "Dear Paris, don't listen to those Olympians, I know what you wants the most and I definitely know that it is not the great power and the great wisdom. Isn't it?"

Muli ay binaling ni Paris sa iba ang kaniyang atensyon habang bitbit niya parin ang mansanas. Hindi madali ang ginagawang pagpili ngayon ni Paris.

"Paris I am the goddess of love and desire I can give you the gift of love and give you the most beautiful mortal on earth."

Isang ngisi ang gumuhit sa mga labi ni Paris sa sinabi ni Aphrodite. "I've been liking someone for a long time but apparently she's married to King Menelaus."

Natawa naman si Aphrodite, "I told you what I told you. I can give you the love of your life when you give me that apple."

Nakangiting napatingin naman si Paris sa mansanas at walang pag-aalinlangang inabot ito kay Aphrodite.

"NO!"

"THIS IS NO FAIR!"

Parehong sabay na hiyaw ni Hera at Athena nang iabot nga ni Paris ang mansanas kay Aphrodite.

Natawa naman si Aphrodite habang hawak ang mansanas.

"Thus, I am the fairest of them all." tawang sabi pa ni Aphrodite habang nakatingin sa hawak niyang mansanas na ginto.

"Seriously?" kunot noong tanong ko naman mula sa nasaksihan kong pangyayari sa ibaba.

Pinili ni Paris si Aphrodite dahil sinabi nito sa kaniya na ibibigay ni Aphrodite ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang pinakamamahal na babae ni Paris. Woah! That's kinda unfair.

"That's it Zeus?!" tanong ko naman kay Zeus na nakangising nakatingin sa ibaba kung saan makikitang galit na galit pareho si Hera at Athena sa kanilang pagkatalo.

"That's all your fault Eris or should I say, Angelica?" ngising sabi pa ni Zeus.

All my fault? Really?


AN:
Sa mga humihiling ng story ni Eros at Psyche. Ginawan ko na po pero indi pa tapos. Indi ko sinali sa myth Series, mian. Hope you'll support it.

Here's the link

https://my.w.tt/dARUQ5ku5V

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now