3: Her Twin

3K 124 41
                                    

Chapter 3: Her Twin



Halos isang oras ko nang hawak ang espadang bigay sa'kin ni Raphael ngunit hindi parin ako nakakaramdan ng pagod.

Ganito ba talaga si Eris?

Ilang buhay na ang pinutol ko dahil sa espadang ito. Ilang dugo narin ang dumanak sa lupa dahil sa espadang hawak ko. Pero ni kunti ay wala akong nararamdamang konsensya.

Why? Why am I so evil? Is it because I'm in the immortal body of the goddess, Eris?

Is it because Eris is the goddess of chaos and strife?

"Sh*t!" mura ko nang muntik na akong matamaan ng lumilipad na apoy. Buti nalang ay agad ko itong naiwasan.

Napangisi ako nang makita ko ang isang napakagandang mukha ng isang diyosa. "Athena." tawag ko sa pangalan niya.

Sa isang iglap lang ay bigla nalang huminto ang digmaan. Tumigil ang pagpapatayan ng mga mandirigmang nandito at ang pagpapalipad nila ng mga apoy.

"What do you want?" tanong ko sa diyosang puno't dulo ng lahat ng ito.

"I want to see your brother." sagot nito.

Brother? Who? Sino ang kapatid ni Eris?

Malay ko kung sino ang kapatid ko sa mundong ito.

"He's not here." malamig kong sagot.

Hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy niyang kapatid ko. Wala akong ideya kung sino ang sinasabi niya.

"Then I want you to tell him that I'm looking for him."

"Look for him on your own Athena. I believe you're more intelligent than me." pamimilosopo ko at muli siyang tinalikuran.

"You and Ares never used your brains. What a shame." yan ang huli kong narinig mula sa kan'ya bago siya tuluyang umalis ng kampo namin.

Tss. Dami niyang satsat, pakainin ko siya ng espada e.





Kinaumagahan ay napilitan kaming lumipat at maghanap ng bagong kampo. Marami mang mandirigma na nasasakop ko ang pagod at sugatan ay sinisikap parin naming lumipat ng bagong kampo.

Kaunti lamang sa mga mandirigma ko ang nakitilan ng buhay kagabi.

Masyado ko na atang nilulubuslubusan ang pagiging si Eris sa mundong ito pero masmabuti na ang manatili sa lugar na ito kesa sa mabuhay kasama ang sakim kong pamilya.

Ganito siguro kapag namamatay ang isang makasalanang medyo mabait. Kung saan saang mundo lang napupunta.

"Ba't hindi ka nalang humingi ng tulong sa kakambal mong si Ares?" suhestyon ni Raphael na nasa likuran ko ngayon. Iisa lang kasi ang sinasakyan naming kabayo.

Syempre sinabi kong tinatamad akong magmaneho ng kabayo ko kaya naman siya na ang nagka-ediya nito.

Hindi tal'ga kasi ako ganoon kagaling magmaneho ng kabayo. Ay mali, hindi talaga ako marunong.

"Ayokong humingi ng tulong sa kan'ya." palusot ko rito. Goodness! Why are they keep on asking me about that Ares?!

Hindi ko pa nga siya nakikita. Oo, kambal sila ni Eris pero ako si Angelica at wala akong ka-edi-ediya kung ano nga ba ang meron sa diyosa ng digmaan na ito.

"Nakakapanibago. Ngayon ka lang hindi humingi ng tulong sa kan'ya at sa ganitong sitwasyon pa."

I don't even know where to find that Ares either. "Ayoko lang talaga." ayokong maghanap ng mga tao, o sabihin na nating diyos, na hindi ko alam kung saan hahanapin.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon