48: Lamp And Hourglass

925 60 5
                                    

Tahimik lamang ako habang pabalik kami ni Ares ng palasyo. Hindi ko kayang umimik dahil iniisip ko parin ang lagay ni Telemachus.

"That woman was Telemachus' mom."

Agad akong natigilan sa sinabi ni Ares. Ano? Ang babaeng iyon ang sariling ina ng bata? Bakit parang wala siya sa katinuan?

Nang makarating kami sa palasyo ay naabutan namin ang isang lalaking nakatayo sa pintuan ng kastilyo.

Siya na kaya ang sinasabi ni Ares na ama ni Telemachus? Bumababa ako sa kabayo at umakyat ng hagdanan para lapitan ang lalaking iyon.

Nakatayo ito habang nakatingin sa hawak niyang hourglass na ngayon ay malapit nang mahulog ang lahat ng buhangin sa ibabang bahagi nito.

Nakita ko kaagad ang marka ng gintong kidlat sa kaniyang kamay. Ibig sabihin si Telemachus at ang kaniyang mga magulang ay mandirigma ng Trojan War.

Napaatras ako ng bahagya nang bigla itong lumingon sa gawi ko. Parang nakakatakot din ang dating niya.

"Ares, sino siya?" tanong nito.

"She's Angelica. She was tasked to find and gather the Trojan Warriors."

Ngumisi naman, "Magkasintahan na ba kayo?"

Ares cleared his throat. Umiwas ako ng tingin at napatungo.

T-teka? Ano nga ba kami ni Ares? Pareho kaming hindi nakasagot sa tanong niya. Siguro ay hindi rin alam ni Ares ang isasagot niya ngayon.

Wala kaming label. Parang mga tanga.

Napatingin nalang ako muli sa ama ni Telemachus nang bahagya itong tumawa at tumikhim.

"Nakakatawang isipin na ang dalwang babae't lalaki na nagpahayag at nagpakita ng pag-ibig sa isa't-isa ay hindi manlang masabing sila ay ganap ng magkatipan."

"Odysseus," seryosong sambit ni Ares.

"Kaibigang Ares, nais kong ipaalala sa iyo na hangga't hawak mo na ang isda ay wag mo nang hayaang tumalon pa pabalik sa tubig. Sunggaban mo na kaagad," tumawa lamang ito at tinapik ang balikat ni Ares.

Gosh! This will be so awkward between the two of us. Bakit ba kasi wala kaming label ha? Ano ba kasi kami?

May pa-akin-akin pa kaming nalalaman.

"PENELOPE, MAHAL KO!" napatingin ako nang biglang sumigaw ang lalaki at agad na sinalubong ng mahigpit na yakap ang kaniyang mag-ina.

They look like a good and happy family. Telemachus must be so glad to finally see his parents together.

----

Nagpalipas muna kami ng gabi sa palasyo ng Mycenae para ipagpatuloy ang paglalakbay at paghahanap sa natitirang mga mandirigma ng Trojan War.

Nakatayo ako ngayon sa tulay kung saan ako dinala ni Ares kagabi. Hindi ko aakalaing sobrang ganda pala ng lugar na ito sa umaga sapagkat puno ang paligid nito ng magaganda at nakaparaming mga bulaklak na may iba't-ibang kulay. Kung sa umaga ay maraming alitaptap na kumikislap rito, sa umaga naman ay magagandang mga paruparo.

"Ikaw ba si Angelica?"

Napangiti ako nang lumapit si Penelope habang karga si Telemachus na nakapulupot sa kaniyang leeg.

"Opo."

"Napakagandang dalaga."

Mabait naman pala siya, akala ko kagabi ay wala siya sa katinuan nang bigla niya akong tutukan ng patalim.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now