56: The Union Of Universe

943 60 5
                                    

Matapos bumagsak ang Troy at mamatay ang kanilang lugar ay bumalik kaming lahat sa Olympus dala ang tagumpay.

Bumalik kami upang ipagdiwang ang pagkawala ng mananambang Hari na si Priam at ang pagbabalik kapayapaan ng lahat. Sa wakas ay natapos narin ang Trojan War.

Naglalakad akong mag-isa ngayon sa Olympus. Binati na ako ni Athena, Eris at ng iba pang mga Olympian ngunit hindi ko parin nakikita si Ares.

Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon?

Patuloy lang ako sa paglalakad at pagtigin sa napakagandang paligid ng Olympus. Walang kupas talaga ang paraisong ito.

Nagsisimula na ngayon ang pagdiriwang, ang musika at ang sayawan sa lugar. Ang napakakulay nilang dekorasyon ngayon sa paligid ang bubusog sa iyong mga mata.

Nayayamot na ako sapagkat hindi ko parin siya nakikita. Sasakalin ko talaga ang isang yon sa oras na magkita kami.

Napagpasyahan kong bumalik muli sa kanyang palasyo rito sa Olympus, kanina ay nanggaling na ako roon pero wala siya.

Lakad takbo na ako ngayon, sabik na sabik na akong makita siya at ayaw kong mapalitan ito ng inis.

Nang makarating ako sa harap ng kanyang palasyo ay napatigil nalang ako at napatingin sa lalaking ngayon ay nakatayo sa pintuan at diretsong nakatingin sa akin.

Napalunok ako nang bumaba siya upang salubungin ako. Hindi ko mapigil ang aking luha habang nakatitig sa kanya.

"Ang sama sama mo!" hiyaw ko rito.

Hindi palang siya nagsasalita ay sinalubong na niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Ngayon ay nararamdaman ko na naman siyang muli, ligtas ako at panatag sa piling niya.

"Salamat at binalik sa ka sa akin ng kalawakan na ligtas," bulong nito habang yakapyakap ako.

Wala akong nagawa kundi ang humikbi at suntokin siya sa kanyang likod. "Ang sama mo! Bakit hindi ka nagpakita sa akin kaagad?!" inis na inis kong sambit.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ng maigi ang aking mukha, "Hinding hindi mabura sa isip ko ang mukhang ito. Angelica, dito kalang ulit."

"Nandito na ako, ikaw ang wala kanina!"

"Hinanap din kita kaagad kanina. Hinahanap kita sa bawat oras."

Hindi ako nagsalita at tinignan lamang ng maigi ang napakakisig niyang mukha. Totoo ngang si Ares ito at wala ng iba.

"I saw you at the war."

"Pinilit kong bumaba sa lupa sandali upang makita ka. I was missing you that time, I want to see your face again and keep it on my mind so that even if you're not here by my side I can still hug you and kiss you through my mind."

Habang hawak ang aking kamay ay danala ako ni Ares sa loob ng kanyang kastilyo. Napatingin ako sa isang bagay na nasa gitna sa loob ng kanyang kastilyo ngayon.

"What is that?" tanong ko.

"Can you wear that for me?"

"W-why?"

"Marry me Angelica, ayokong umalis ka pang muli sa tabi ko."

"A-Ares..."

"I already told Rhea about this and..."

"Are you really asking me for marriage right now?"

"Magpapakasal tayo kay Rhea. Ayoko nang pakawalan kang muli, gusto kong makita ka araw-araw sa tabi ko. Mula noon ay gulo lang ang bawat takbo ng buhay ko ngunit ngayon, ipinakita at ipinaramdam mo saakin kung ano ang ibig sabihin ang kapayapaan. Ang mga ngiti mo sa tuwing magkasama tayo, napakadalisay nito. Ang pagkunot mo ng noo habang nakatitig sa akin ay lalo akong nahuhulog. Napakaanayad mo sa paningin ko, ayokong mawala pa ang kapayapaang nakamit ko sa piling mo," habang sinasabi iyon ni Ares ay pakiramdam ko ay inaawitan niya at hinahaplos ang aking puso at buo kong kaluluwa.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now