33: Truth

1.5K 75 12
                                    

"Angelica hindi ka itim, brown ka hahaha." tawa ni Hermes samantalang ako naman itong nakangiwing nakatingin sa kaniya.

Psh! Racist amp!

"Ano? Gusto mo sakal?! Hmp! Maputi nga, maputla naman!" asar ko namang sagot sa kaniya.

Kanina pa ako naiinis dito habang bitbit ang music box ko na kakabigay lang ni Ares sa'kin. Kasama ko ngayon si Hermes sa dulo ng ilog Styx na siyang daanan ng mga patay patungong empyerno.

Kanina pa namin hinihintay si Ares at hindi namin alam kung saang lupalop siya nagpunta.

"Hindi kaya umalis siya kasama si Aphrodite?" pang-aasar muli ni Hermes.

"Tumahimik ka kung ayaw mong makalbo," ngiwing sabi ko nalang habang pinagmamasdan ang hawak ko ngayong music box.

Ito dapat kasi yung ibibigay ko noon kay Ares noong araw na nakilala ko siya noong bata pa ako pero naabutan ko siyang nakikipaghalikan kay Aphrodite sa loob ng bahaybahayan ko.

"Angelica?" tanong muli ni Hermes.

"Ano na naman ba?!" asar kong tanong.

Ang kulit ng lalaking 'to ah.

"Pa'no kung di mo magawa?" agad na nabaling ang tingin ko kay Hermes dahil sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

"Pano kung hindi mo magawang bumalik sa totoo mong katawan bago pa maging huli ang lahat? Paano kung hindi mo magawa ang dapat mong gawin? Hindi naman pwedeng habang buhay ka nalang diyan sa katawang diyosa ni Eris, dahil kapag tumagal ka diyan pati si Eris ay masisira at sigurado akong hindi niya hahayaang mangyari yun kaya babawiin niya rin sa'yo yang katawang yan."

Napatigil ako at napaisip sa sinabi ni Hermes. Paano iyan?

Huminga ako ng malalim. Pano nga kung mawawala ako? Paano kung hindi ko magawa ang pinagagawa ni Zeus o ni Eris para makabalik ako sa tunay kong katawan?

Ngayon ay nakakaramdam na ako ng pagkabahala sa mga posibleng mangyari dahil sa katangahan ko.

"Ang---" akmang magsasalita na sanang muli si Hermes nang biglang dumating si Ares.

Aba. Saan kaya galing ang lalaking 'to at hinihingal pa.

"Anong nangyari sayo?" kunot noong tanong ko.

"Wala tara na." tanging sagot ng gago dahilan para kumunot ang noo ko.

Ano kayang nangyari sa isang to? Aba.

-------

Hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang gyera sa pagitan ng dalawang panig.

Siguro nag-eenjoy na sa ngayon ang kaluluwang halang ni Eris dahil sa tingin niya ay masmaraming gulo ay masmasaya. Kanina lang ay ibinalik na ako sa katawang diyosa ni Eris. Haysss.

Imbis na makisawsaw kami ni Ares ngayon sa nangyayaring kaguluhan ay dumeritso na kami sa kastilyo niya sa Olympus kasama ang gagong si Hermes.

Umiinom kaming tatlo ngayon ng wine habang naglalaro ng baraha. Nakaupo kaming tatlo sa sahig at nakapalibot sa isang maliit na mesang hugis bilog.

Okay. Umiiral na naman ang kawalan namin ng kwenta sa mundo.

"Angelica, anong plano mo?"

Parehas kaming napalingon ni Ares kay Hermes dahil sa tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Anong plano mo upang makaalis sa lugar na ito."

Pareho kaming napatigil ni Ares dahil sa tanong na iyon ni Hermes. Napabuntong hininga nalang ako nang magkatitigan kaming pareho.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now