34: Vanished

1.2K 66 2
                                    

One on one kami ni Athena?! Nahihibang na ba itong si Ares?!

Kung siya kaya ang sakal sakalin ko?! Kainis!

Mag-isa ako ngayon at patungo sa masukal na gubat sakay ng isang kabayo. Pinapapunta kasi ako ni Ares rito, parang gusto niya ata akong ipapatay kay Athena kung andito nga si Athena. Hayss.

Kanina pa ako palinga linga sa paligid ngunit wala naman akong nararamdamang kakaiba sa lugar. Itanabon ko nalang ang mahabang telang talukbong sa ulo ko at nagpatuloy sa paglinga sa paligid hanggang sa may isang kakaibang sigaw akong narinig.

"TULOOOONG!" boses ng isang babae sa hindi kalayuan.

"AH! TULOOONG!" muling sigaw nito kaya naman dalidali kong sinundan kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"TULONG MGA DIYOS NG OLYMPUS!" muling sigaw nito dahilan upang magkaroon ng kakaibang pangangaba ang dibdib ko.

Agad kong hininto ang kabayo sa may kalayuan at dahandahang naglakad patungo sa boses ng babaeng humihingi ng saklolo.

"TULOOOONG!"

Nagtago ako sa likod ng isang malaking punong kahoy nang makita ko ang isang napakagandang babae na may kasuotang puti ang tumatakbo at sumisigaw ng saklolo kahit wala namang naghahabol sa kaniya.

"TULOOONG!" muling sigaw nito na para bang balisangbalisa.

Napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kaniya mula rito sa likod ng isang punong kahoy. Nahihibang na ba ang babaeng yan?

"Parang tanga ah," bulong ko at agad na humugot ng isang palaso sa likod ko at agad na inasinta sa babaeng iyon.

Napunit ang parte ng damit niya sa may siko nang madaplisan ito at bumaon naman ang palaso sa isang kahoy. Syempre hindi ko siya patatamaan no, kawawa naman kung papatayin ko.

Agad siyang napalingon sa gawi ko na hindi maipinta ang mukha. Maganda siya, mukha lang talaga siyang nababalisa.

Hingal na hingal siyang napatingin sa akin at sinabing, "E-Eris?"

"Anong nangyayari sayo?" kunot noong tanong ko sa kaniya nang maglakad ako para lapitan siya.

"May dugo! Hindi ko alam kung saan galing ang dugong iyon ngunit may dugo!" balisang saad nito.

Hala! Anong alam ko sa pinagsasabi ng babaeng to?! Anong may dugo?

"Anong ibig mong sabihin?"

"May katawan ng patay na babae silang itinapon sa Kanathos! At dahil doon ay nagkaroon ng dugo ang tubig ng maliit na lawang nililiguan ni Hera! Ang talon ay kulay pula na dahil sa dugo! Nakakatakot!" halos pasigaw na saad nito na parang nababaliw na.

Agad ko siyang hinawakan sa may pulso at tinignan ng seryoso.

Pinasakay ko na ang babae sa kabayo at sinamahan siyang bumalik sa kanathos, sa maliit na lawang sinasabi niyang may bangkay ng isang babae. Naglalakad lamang ako kasabay ng paglakad ng kabayo hanggang sa marinig ko ang maingay ng agos ng tubig mula sa isang talon.

Mayamaya ay nakarating rin kami sa maliit na lawa at nakita ang talon na namumula ang tubig na dumadaloy dahil sa dugo.

"Diyan! Sa ibabaw ng talon na iyan ay nandoon ang babae."

Napatingin ako sa ibabaw ng talon na mataas at kung aakyatin ay matarik.

"Sige pupuntahan ko."

Ano pa bang magagawa ko? Naaawa ako sa kaniya e, at sa babaeng pinatay.

Bilang isang diyosa ng Olympus ay kailangan ko silang tulungan kahit na si Eris ay diyosa ng gulo.

Dahandahan kong inakyat ang mataas, matarik at madulas na batong paakyat sa talon na iyon kung saan ang bangkay ng babae. Jusko, pagapang pa talaga akong umakyat doon. Sana hinayaan ko nalang yung babaeng balisa na mabaliw pero bahala na andito na ako e.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now