58: Battling Time

974 59 32
                                    

It has been how many days here in Olympus since I stayed. Pakiramdam ko ay lalo nang nalalapit ang oras ko ngayon gaya ng sabi ni Apollo at Hermes.

Nandito ako ngayon sa hardin ng Olympus at nakatayo malapit sa isang balon.

Isa akong mortal at naligaw lamang sa lugar at sa panahong ito. Walang hangganan ang buhay nina Ares samantalang ako ay may taning.

Ang bawat araw ay binibilang ko, ika-pitumput-isang araw ko na rito. Ibig sabihin ay lalo na akong nalalapit sa araw na iyon. Handa na ba ako? Handa na kaya akong iwanan si Ares? Handa na ba akong tumanda, manghina at mawalan ng buhay sa kanyang mga bisig?

Habang naiisip ko ang mga bagay na iyon ay napadungaw ako sa malalim na balon na nasa tabi ko. Nagsmula ang lahat na ito sa isang balon.

Napasinghay ako, "Makakabalik pa kaya ako sa panahon at mundo ko kahit sandali manlang?"

"Something is bothering you," napalingon ako sa boses ng isang babae na bigla nalang dumating at napalunok.

"A little bit surprised?" ngiting tanong nito.

"Bakit Aphrodite?"

"I might bother Ares sometimes and I'm sorry for that," she smiled and looked at me with her adorable eyes. "Don't worry, I'm fine. I'm just here to congratulate you."

Umiling ako at ngumiti, "Matagal na kaming kasal."

"It's not about that, it's about your child," tawa nito.

"Child?" kunot noong tanong ko.

"Rhea told me that you're carrying a child inside your womb. Why? Wala ka bang alam?"

Umiling ako. Wala akong ideya diyan. Kinakabahan ako sa mga balitang dala nitong si Aphrodite, baka pinagti-tripan niya lang ako.

Buntis ba ako?

"Here, eat this."

Inabot sa akin ni Aphrodite ang isang gintong mansanas, "That's a gift from us."

Ilang sandali lang ay bigla nalang dumating si Athena at Hera sa harapan namin. Uy!

Isang napakahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ng diyosa kong si Athena, "I'm so glad for this blessing!" she uttered.

"I'm so proud with Ares for getting the blessings from the universe and the fertility of your marriage," sambit naman ni Hera.

Diba silang tatlo yung nagtatalo dati sa mansanas? Bakit ganon? Bakit nila ako binibigyan ng mansanas ngayon?

"Eat that, that's our gift. The gift of wisdom, gift of love and gift of power. That's our gift to your child," sabi pa ni Athena at tinignan ang mansanas na hawak ko ngayon.

"You're not taking your revenge right?" paniniguro ko na ikinatawa nilang tatlo.

"No we're not. Ayaw naming madagdagan ang nangyayaring gulo ngayon sa mundo ng mga mortal."

Umiling ako at kumagat sa mansanas na bigay nila. "Where's Ares?" tanong ni Hera.

I shrugged, "Today is my 71st day here. Kung bibilangin ko ito sa taon ng mga mortal mula noong dumating ako rito, malamang ay taong 1914 na ngayon at ito simula ng unang digmaang pandaigdig sa pagkakaalam ko."

"Ares must be helping the people in battle for now," singhay ni Aphrodite kaya napatingin ako sa kaniya.

Hindi ba siya nag-aalala masyado sa asawa ko? "Ares is all yours, don't worry," tawa nito.

Ilang sandali lang ay dumating din si Rhea. The dazzling mother of great Olympians.

"Rhea," we all bowed.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now