17: Uncovered

1.8K 84 60
                                    

Nakadapa ako habang nakapatong naman ang mga pisngi ko sa pareho kong palad habang nakangiwing pinapanood sina Ares na maglaro rito sa may burol.

Sobrang sarap ng hangin dito ah, nakakarelax.

Kainis talaga iyong si Zeus eh! Pag  ako talaga nakapaghanda ng mabuti sasabunutan ko talaga siya!

Hayss! Nakakainis talaga! Ganito pala ang mga Olympian? Parang wala lang sa kanila ang mga magulang nila at parang wala lang din sila sa mga magulang nila?

Hindi ko naman inaakalang anak pala ni Zeus at Hera itong si Ares at itong si Eris. Tapos kung ituring nila ang isa't-isa parang kaibigang nakilala lang sa party. Kaloka!

"Woooh!" hiyaw ni Hermes na mensahero ng mga Olympian nang agad n'yang pinitik ang parehong noo ni Ares at ni Apollo.

Si Apollo pala ang hari ng arw, musika, tula at ng propisiya. Hayss, ang dami niya naman kayang gawin sana ganyan din si Ares kesa naman mabuhay nalang siyang walang silbi. In short walang kwenta. Hayss.

"Maduga naman!" singit ko pa habang pinapanood silang naglalaro ng baraha.

Duhh! Totoo naman eh, dinadaya lang naman nitong si Hermes ang laro nilang tatlo at pati si Apollo, sadyang nanalo lang talaga si Hermes. Si Ares naman kunwari nandadaya sa laro pero lalo naman siyang nadadaya.

"Ahahaha." parehong tawa ni Apollo at Hermes nang biglang tumayo ang galit na galit na si Ares.

Oh? Natalo lang naman siya sa laro?

Agad naman akong napakunot ng noo nang makita ko si Ares na niyugyog ang isang kawawa at malaking puno dahil sa tindi ng galit niya sa pagkatalo dahilan upang isa-isang nalagas ang malulusog na dahon ng puno hanggang sa maubos ang mga dahon nito at tuluyan nang makalbo.

"Seriously?" kunot noong pagtataka ko sa pinakitang kabaliwan ni Ares.

Eh? Ayos lang ba yang si Ares? Hindi ba siya nakahithit?

Narinig ko namang suminghay si Apollo at sinabing, "Short tempered as usual."

"Mukha siyang baliw," ngiwing sabi ko pa habang nakikita si Ares na nagwawala sa kaniyang pagkatalo sa baraha, ngayon ay iwinawagayway niya na ang kaniyang espada sa hangin na para bang may kalaban siyang maliit na langaw.

"Ares," agad namang napatigil si Ares at napalingon kay Hermes.

"May gyera sa di kalayuan," kalmadong sabi ni Hermes habang nakatingin sa malayo.

Wow! Sobrang updated naman pala nitong si Hermes.

Napatingin naman si Ares sa akin, "Eris! Lumusong tayo!" ngising pag-aaya nito sa akin.

Umiling naman ako, "Babalik pa ako sa bahay ng mga kababaihang yun, kailangan ko pang magpasikat kay Zeus."

Hayss. Kahit kailan din talaga pabigat iyong si Zeus pero ayos lang kasi ayoko ring maulit yung paglusong naming pareho ni Ares sa isang gyera no, mukha akong baliw kapag nakikipaglaban. Kunwari malakas ang loob yun pala takot na takot.

"Sige magpakabait ka muna d'on."

Agad namang kinuha ni Ares ang kaniyang itim na kabayo at agad na umalis sakay nito, gayon din naman si Hermes dahil bibisitahin pa raw niya si Hades sa empyerno.

Naiwan kaming pareho ni Apollo rito sa burol. Err, hindi naman ata siguro close itong si Eris at si Apollo kaya naman wala kami dapat masyadong pag-usapan. Mabuti pa sigurong bumalik nalang ako.

Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong saya nang biglang magsalita si Apollo. "Hindi ikaw si Eris di'ba?" seryosong boses nito.

Napatigil ako.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora