40: Princes And Snow White

1.2K 57 5
                                    

Kasalukuyan akong nakatulala habang hawak ang pendant na nasa aking leeg. Hindi ko alam kung paanong nalagyan ni Athena ang aking leeg ng isang kwintas na may pendant na kuwago.

She just seriously told me that I am now her servant. Just wow! Hindi ko alam na may malaking utang na loob pala ako sa babaeng yun.

She's totally strange but there's a part of me that aches to believe her.

"Ayos ka lang ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Andrew.

"Uh yeah. Did you like it?"

"The movie?"

"Yeah. I guess." tango ko naman.

"Minions? That yellow creatures who loves banana?"

Agad akong bumalik sa katinuan ko at napatingin sa TV na pinapanood namin ni Andrew. Minions, a Disney movie. Parang puro katatawanan lang pero nandito ang sagot kung paano nila nahanap ang kanilang ano na kanilang sinusunod at pinagtatapatan.

"They just finally found their real boss." sambit ko nang nasa part na ng palabas kung saan nakita na nila ang batang si Gru na siyang amo nila sa movie na 'Despicable Me.'

"Good for them right?"

Agad akong napaisip. Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Athena?

Agad akong tumayo at umakyat papunta sa kwarto ko. Iniwan ko na lamang doon si Andrew total sanay naman na siya sa paiba-iba kong ugali sa ngayon.

Siya lang ang umiintindi na wala pa ako sa ganap na katinuan.

Agad kong kinuha ang bag na dala ko kahapon kung saan ko nilagay ang binigay na box ni Athena. Sabi niya kung nais ko raw makuha ang kasagutan sa aking mga tanong ay matutulungan ako ng puting kahon na ito. Maliit lamang ito, sapat na laki sa palad ko.

Tinignan ko muna ito ng maigi at inalog.

"Weird." sambit ko pa nang marinig ang tunog ng pag-alog ng laman nito.

Umupo ako sa kama ko at dahan-daha itong binuksan, agad akong napakunot noo nang makita kung ano ang laman nito.

"Green apple?"

From the fairest of them all

Iyan ang nakasulat sa balat ng mansanas.

What the? Ano ito? Para ba akong si Snow-white? Kung kakagat ba ako sa mansanas na ito ay mahihimatay ako at may prinsipeng darating para halikan ako? Psh! Imposible!

Napahawak ako sa suot kong kwintas nang biglang kumislap na kulay ginto ang pendant nitong kuwago kasabay ng pagkislap rin ng nakasulat sa mansanas.

"Eat it Angelica, go ahead!"

"Athena?!" napalingon ako sa kwadratong silid na ito nang bigla kong marinig ang boses ng babaeng iyon.

"Come on! Eat it!" sambit muli ng boses ni Athena.

What?! Grabe, tunog bitch lang na inuutusan ang kinaiinisan niyang babae.

Asan ba siya?! Jusko namang Olympian na ito!

Muli ay tinignan ko ang hawak kong mansanas at napangiwi bago ko ito subukang kagatin.

Hindi ko alam pero bigla nalang din akong nakaramdam ng pag-ikot ng paligid at pagkahilo. Tama nga, para ngang si Snow-white.

Agad kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan at ang biglaang pagbagsak ko sa malambot na kama.

Parang gusto kong matulog.

Sumasakit pa ng bahagya ang aking ulo nang magising ako. Dahandahan kong dinilat ang aking mga mata at nakaramdam ng kaunting kabog sa dibdib ko nang maramdaman kong hindi na malambot ang aking hinihigaan.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now