41: Closed Eyes

1K 58 3
                                    

"A-Ares?" nauutal kong sambit sapagkat hindi ako makapaniwalang naaalala ko siya ngayon sa aking isip.

Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsamahan namin pero pakiramdam ko ay mayroon siyang malaking bahagi sa aking buhay.

"Bakit?" walang emosyon nitong tanong sa akin.

Hindi ko alam pero bakit pakiramdam ko ay bumibigat ang aking dibdib at bigla nalang akong naluha.

Tama nga si Athena. Alam niya kung paano sagutin ang bawat tanong ko. Salamat sa kaniya at nakita ko na ngayon si Ares.

"A-Ares? K-kilala mo ba a-ako?"

"Oo. Bakit?"

Kilala ako ni Ares?

Hindi ako nakapagsalita. Napatitig lamang ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakay Ares naba ang lahat mg kasagutan sa mga tanong ko.

"Totoo bang k-kilala mo ako?" nauutal na tanong kong muli.

"Kasasabi mo lang. Ikaw si Angelica at alagad ka ng diyosang si Athena."

Muli ay natahimik ako sa sagot niya. Wala na ba siyang ibang sagot liban don?

"M-may iba ka pa bang sasabihin maliban diyan?"

Agad namang gumuhit ang pagkunot ng kaniyang noo bilang pagtataka. Ibig bang sabihin ay wala na siyang alam liban don?

"Ano pa ba?"

"Yun lang ba ang alam mo tungkol sa akin?"

"Nahuli ka ni Raphael."

Iyon lamang ang huli nitong sinabi bago ako talikuran. Napadungo ako dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon.

Ano? Ibig sabihin ay kagaya ko ay wala rin siyang naalala o di kaya ay nahihibang lang ako at gumagawa lang ang utak ko ng kahit anong pangyayari.

"Release her!"

Agad kong naiangat ang mukha ko at tinignan kung kaninong boses iyon.

"Alagad siya ni Athena," katwiran ni Ares.

"Pinatawag lahat ni Rhea ang mga Olympian at nais niyang makita sa pagtitipon ang babaeng iyan."

Nilapitan naman ako ng mga sundalo at agad na kinalagan ang pagkakatali sa akin.

"Prinsesa Czarina, ngayon po ba agad ang pagpupulong?" tanong naman nung Raphael.

Ibig sabihin ay prinsesa pala angbabaeng ito.

"Oo. Dadalhin natin ang pinakaimportanteng bagay sa lahat." wika nito at agad na napatinhin sa akin.

Kumunot naman ang noo ko, ano ba talaga ang kinalaman ko sa gulong ito?

Sa palasyo ng haring si Zeus nagtipon lahat ng mga Olympian at iba pang kasama sa pagtitipong ito.

Sobrang gara at sobrang laki ng kaharian ni Zeus maging ang kastilyo siguro sa England ay hindi ito mapapantayan. Kakaiba ang mga bulaklak na nasa paligid ng lugar na ito. Sobrang ganda ng halimuyak at nakakaakit sa mata.

Olympus is such a very refreshing place.

"Ayos ka lang ba?"

Ngumiwi naman ako at sinabing, "Ewan ko sayo Athena kung ba't ako napunta sa ganitong sitwasyon."

Dahil kahit na namamangha ako sa natatanaw ko ngayon ay hindi ko maiwasang hindi tamlayin. Sino ba naman kasing hindi tatamlayin sa nangyari sa akin?

"Kasalanan ko pa? Pasalamat ka nga sa akin." mataray na sagot naman nito.

Aba! Aba talaga. Parang pasan ko na nga ngayon ang langit at lupa.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now