49: Foxy

896 55 1
                                    

Sabi ni Agamemnon ay galing siya sa templo ni Apollo at doon ay humingi ng hula sa kaniyang hinaharap. Alam na niyang magiging mandirigma siya ng Achaeans sa malaking digmaang ito kaya naman matagal na niyang inihanda ang kaniyang sarili.

Hinihintay niya lamang ang hudyat upang makasabak siya sa bakbakan at iyon ay ang pagdating namin sa bayan niya.

Ngayon ay nagtungo kami sa bayan ng Locris upang dito sunduin ang kakilala ni Ajax na alam niyang mandirigma din ng Achaeans dahil iyon ang sabi sa mga hula ni Apollo.

Nang makarating kami kanina sa lugar na ito ay kami lang ni Ares, Ajax at Haring Agamemnon ang bumaba. Ang iba naman ang nagpa-iwan nalang sa bahay ni Autolycus dahil kompyansa silang madali lang daw ito.

Habang naglalakad sa bayang ito kasama sina Ares ay hindi ko mapigilan ang hindi mamangha dahil sa ganda ng kanilang mga estruktura at makikita ang magagandang kulay ng kanilang sining.

"Tignan mo," napatingin ako kay Ares nang bigla itong napatigil.

"May problema ba?" tanong ko.

Tumingala ito at tinignan ang mga talulot ng bulaklak na tinatangay ngayon ng hangin. "Ang ganda!" komento ko.

Bahagyang natawa si Ares sa aking reaksyon at mayamaya ay tinawag na ako, "Tara na!"

Ilang sandali pa bago ako naglakad pasunod sa kanilang nilalakaran nang may marinig akong kumpol ng mga kababaihang naghihiyawan. Hindi tunog ng pagkatakot ang kanilang mga hiyaw kundi hiyaw ng kilig.

Hindi ko alam ngunit lumapit ako sa kanilang pingakakaguluhan ngayon.

Ano bang nandito?

"Alam mo bang siya raw ang pinakamalakas na mandirigma sa kabilang bayan?"

"Bakit kaya siya napadpad sa lugar na ito?"

"Hindi kaya nandito siya upang humanap ng kaniyang mapapangasawa?"

Muling naghiyawan sa kilig ang mga babaeng iyon.

"Ano kayang andito?" tanong ko.

Mayamaya lang ay nahati ang kumpol ng mga babaeng iyon nang bigyang daan nila ang isang lalaki.

"Tignan mo't napakakisig ng kaniyang tindig."

"Oo nga't nakakapanghina siya ng tuhod."

Napangiwi nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga babaeng ito. Sana ayos lang sila.

Napatingin ako sa binatang kanilang pinagkakaguluhan ngayon. Siya ba?

Kaya pala ganoon na lamang ang pagkahumaling ng mga babae rito dahil  totoo naman palang mala-anghel ang mukha ng lalaking iyon at makisig ang kaniyang tindig.

Napatigil ako nang bigla kaming nagkatitigan ng lalaking iyon nang madaanan niya ako sa kumpulan.

Hmp. Baka isipin niyang isa ako sa mga babaeng ito. Makaalis na nga.

Akmang aalis na ako sa lugar nang may biglang humawak sa kamay ko upang pigilan ako. "Binibini, maaari ba kitang makausap?"

Nakunot ako ng noo nang tignan ang makisig niyang mukha at napailing. "Pasensya na at baka magalit ang kasintahan ko," paumanhin ko.

"May nagmamay-ari na pala sa iyo? Nais lamang kitang kausapin sandali."

Baka hinahanap na ako ni Ares ngayon. Bakit ba kasi kung saan saan lang ako nagsusuot.

"Tungkol saan?"

Hindi ito sumagot at bigla nalang akong hinila paalis sa mga kababaihang iyon. Wala siyang pakealam sa mga hiyawan ng mga babae roon.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon