32: To Hell

1.5K 83 60
                                    

"Tandaan mong babalik ka rin sa katawang ito pagkatapos," ngiwing paalala ni Eris matapos ihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan niya.

Ngayon ay nakabalik na nga si Eris sa sarili niyang katawan at ako naman itong malaya na kaluluwa.

"Woah!" hindi ko mapigilang hindi mamangha at mapayakap sa aking sarili.

Ang galing! Akong ako nga talaga ito. Awii.

"Huy Angelica, tandaan mo ang kailangan mong gawin. Ibabalik mo lang si Ares rito at balik ka na uli sa katawan na ito," nakapameywang na paalala ni Eris sa akin.

"Kailangan ko ba talagang bumalik diyan?" buntong hininga ko pa.

"Oo! May kailangan ka pang hanapin para masagip mo naman ang sarili mo."

Napasimangot nalang ako sa huling paalala ni Eris. Ang kj naman ng babaeng ito.

Ngayon nga lang ulit ako naging ako kahit na isang kaluluwa lang at least alam ko sa sarili ko na ako talaga ito. Nakakatuwa lang talaga.

"Isn't it fascinating Angelica?" nakangiting tanong ni Proserpine.

Agad naman akong tumago. Hindi ko talaga maitago ang pananabik sa dibdib ko dahil ako na nga muli ito.

"Oh sumama ka na sa impyerno kasama sila, mag-iingat ka," yan ang huling sinabi ni Eris bago pa siya naglahong bigla sa aming harapan.

Oh gosh! This is so exciting.

Pero hindi ko parin naman talaga maiwasang hindi kabahan dahil papunta kami ngayon sa impyerno. Diba?

Pero,huhuhu. Hindi parin ako makapaniwalang ako na nga uli ito kahit kaluluwa ko lang ito at hindi ang mismong katawan ko. Diba?

Ang gaan lang sa pakiramdam.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan habang papasok kaming tatlo ngayon sa isang napakakipot at madilim na hagdanan pababa ng empyerno at ang tanging nagbibigay sa amin ng liwanag ay ang mga sulo (torch) na nasa gilid nito.

Oh well... I'm with the queen and the king of the hell and the fact about it is killing me.

Hayss. Hindi kaya namatay si Ares at deritso empyerno na ang katawan niya kaya naman dinadala nila ako ngayon papunta roon? Hayss, iba talaga si Ares.

Pero isa siyang Olympian bakit naman siya mamamatay diba?

"Andito talaga si Ares?" tanong ko pa kay Proserpine.

"He's always here with Hermes, tambay sila rito sa empyerno."

Woah! Is hell is their kind of haven?

Nakarating na nga kami rito sa empyerno. Halos magsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa mga nakikita ko ngayon.

Mga kalansay na nagkalat sa gilid, mga kaluluwang nakakulong at nagmamakaawang makalabas at ang ilog ng apoy kung saan maraming mga patay ang umiiyak at magdurusa.

Hell is not real scary it is full of sad stories and regrets. The voice of the suffering spirits were shouting regets but it's too late.

Akala ko nga walang kulay dito sa empyerno, hindi ko akalaing may mga bulaklak din pala rito kahit papaano. Siguro simula nang napunta rito si Proserpine nagkaroon na ng bulaklak.

"Nasa lalagyan ng mga ligaw na alaala si Ares," wika ni Proserpine.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang ako naman itong palingalinga dahil ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. This is indeed hell!

"Woah! Ikaw?!" gulat na reaksyon ni Hermes nang makita niya ako.

Agad naman akong ngumiwi, "Hindi, kaluluwa ko lang ito."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now